Chapter 33

89 6 0
                                    

Nag aayos na kami ngayon ng gamit para sa muling paghahanap kay Head Master. Hindi namin alam kung anong daan ang tatahakin namin.

But, I really have a feeling of this. Iniisip ko talagang isa rin sa mga nangyayaring ito ay may kagagawan si Erineus.

Nandito kami ngayon sa hindi ako pamilyar na lugar kung saan may mga taong mga masasayang bumibili ng kung ano at halos napasikip na at wala na masyadong daanan ang gitna.

Ang mga shop ay napupuno ng kustomer na ikinatuwa naman ng mga kahera doon dahil sa bilisang pagdagsa ng mga mambibili.

Sobrang ingay ng paligid at nakikisabay lang din kami sa agos ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit dito kami dumaan basta ang sabi ni Sevi ay may alam daw siya kung saan pwedeng dalhin ang Head Master.

Ngayon pa lang ay nakikita kong sobrang close ni Sevi at Head Master dahil may mga alam siya na hindi alam ng iba.

Sinundan lang namin si Sevi at pumasok siya sa maliit na eskinita. Napakaliit nito na dapat ay tagilid ka kung maglakad para lang makadaan ka sa makipot na eskinitang ito.

"Where the hell are we going?" Naiirita nang sabi ni Karsh. Nasa hulihan siya at nag s-struggle siya sa pagdaan sa maliit na eskinita dahil may kalakihan ay kaniyang katawan.

Habang si Sevi naman ay napakadali lang sa kaniya kasi nga payatot siya.

Bumaba kami sa isang hagdan at hindi ko alam kung papasaan pa ba ito, underground ba pupuntahan namin?

"Just wait," singhal ni Sevi.

Narating namin ang isang maliit na bahay nang makalabas kami sa makipot na eskinita.

"Anong klaseng lugar ito?" Tanong ni Aki.

Linibot ko ang aking tingin sa paligid at ang itsura ng lugar ay isang tunnel. Medyo lumawak na rin at may isang pintuan na pabilog dito, sobra sobra ang lock nito.

Mag isang pintuan lang ang nandito kaya posibleng ito nga talaga iyong pinuntahan namin dito.

May binulong si Sevi sa pinto dahilan para mabuksan ito. Mag isang naalis ang mga lock at nabuksan na iyon.

Namangha sila dahil doon, kahit naman ako. "Let's go," inaya kaming pumasok ni Sevi kaya sumunod naman kami.

"Sinong pinunta natin dito, Sevi?" Keanu asked.

"Head Master's brother."

"No no no, it's 'Twin Brother'," nagsalita ang isang lalaki sa isang sulok. Nagsisigarilyo ito at prenteng nakaupo.

"Yeah, twin brother to be exact." Pagtango naman ni Sevi.

"Woah, may twin brother si Head Master?" Gulat na tanong ni Yulysses.

"Anong ginagawa ng isang Levine dito?" Tanong ng kambal ni Head Master.

They're really freaking the same! Ang kaibahan lang ay mahaba nag balbas ni Head Master samantala ito ay hindi kahabaan at hindi rin maikli. Sakto lang.

"At nagdala ka pa ng mga alaga, huh?" Sabi pa nito. "Sino ang mga ito, Levine?"

"Mga kaibigan ko. Guys, si Alysdair. Alysdair, mga kaibigan ko." Pagpapakilala sa amin ni Sevi.

"I'm Ace, this is Karsh, Persephone, Keanu, Yuna, Achilles, Celes, and this is Eilonwy." Tinuro niya pa kami isa-isa.

"Okay." Tumayo si Alysdair at inupos ang sigarilyo bago nagpunta sa isang kuwarto. Lumabas siya ng may dalang diyaryo at nakasuot na ng eyeglasses bago nilipat ang tingin sa akin at sa diyaryo.

"Ikaw 'to." Sambit nito. Alin? Anong ako? "Anak ni Loki at Eowyn."

"Yeah," tango ko naman. Bakit kilala niya ako? Nandoon ba ako sa diyaryo at pinalipat lipat niya ang kaniyang tingin.

Aclesarths AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon