"Ako na," sabi ko kay Finn nang buhatin niya 'yung mga papel na dapat ay ibibigay kay Head Master. "Mag lunch ka na."
"Sure ka, Sev?"
Tumango ako sa kaniya at kinuha ang mga papel. Hindi naman mabigat kaya agad ko naman iyon dinala kay Head Master.
Ngunit sa paglalakad ko sa hallway ay may nakabunggo sa aking babae dahilan para mahulog ang mga papel na hawak ko.
Shit! Nakaayos pa naman na iyon pasunod sunod!
Tinulungan naman ako ng babae na pulutin ang mga nahulog na papel. I realized that she's new here because I've never seen her before. O kaya baka hindi ko lang talaga siya makita at matagal na siya rito?
Sobrang sungit ng mukha niya at wala siya sa mood pero tinulungan niya pa rin akong kunin ang kaniyang mga gamit.
Maybe I should ask Head Master if there is really a new student?
"I'm sorry."
"Your fault." Sabi ko nang itapat niya sa akin ang napulot niyang mga papel.
"Alam ko, kaya nga nag sorry na ako 'di ba?" Wow? Siya pa itong masungit? Hindi ko na lang pinansin ang pagiging masungit niya at nilagpasan niya na ako.
Hindi niya ba ako kilala? Or nag papanggap lang talaga siyang hindi ako kilala? Tsk. Kailangan ko nang ihatid ito baka upakan ako nila Achilles kapag sobrang tagal ko.
Nang tanungin ko si Head Master ay mayroon nga raw bagong estudyante pati pangalan niya tinanong ko, siya si Eilonwy Alterio.
Habang naglalaro kami ng soccer, tumapon sa ibang direksyon yung bola at nagulat kami nang masalo iyon ni Miss Sungit girl. At ang mas nakakagulat pa ay binalik niya iyon sa amin habang natamaan si Ace dahilan para tumapon siya sa pader at halos crack na yung pader na tinamaan ng likod ni Ace.
What the hell? What kind of ability that is so powerful?
They ran to Ace's direction and bring him immediately to the Clinic. Dahil sa pag aalala ay sumunod na rin kaming apat papunta sa Clinic.
"What happened to him, Professor?" I asked Professor Ridobs as he examine Ace.
"He was hit by a ball. Huwag kang mag alala, Mr. Levine. Your friend's fine."
"Sinong tumama sa kaniya?" Tanong ko kahit alam ko na kung sino ang tumama sa kaniya.
"I... I hit him, but that was just accident."
Accident? Sinadya mo kamo yata iyon pero syempre hindi ko pwedeng sabihin iyon.
I was about to say something when Ace suddenly woke up. "Hey. I'm fine guys, you don't need to worry."
Tss. Nagpapakahero na naman ang isang 'to. Dapat parusahan itong si Eilonwy kasi tignan mo nga naman ginawa sa kaniya. Sus.
"Severus."
"What?" Nag kibit balikat pa ako.
"It's an accident, I could have hit her but she caught it." I know, I saw it lol. "Ibabalik niya na sana sa akin ang bola ngunit napakalakas nung pwersa niya."
"I'm sorry, I don't even know why I did it."
"Hindi mo alam?" Hindi makapaniwala na tanong ko. Sino naman ang tanga na gagamit ng abilidad tapos hindi naman alam kung gumamit ba siya o hindi.
"Well yeah, I don't."
"Let's go, Eilon. Nakapag sorry ka na kaya umalis na tayo." I looked at Celes who has never have an expression on her face. I knew her, kahit yung kasama niyang si Persephone. They're both at the Student Council. Nang makaalis sila ay nanatili lang kami roon.
BINABASA MO ANG
Aclesarths Academy
FantasyAclesarths is an extraordinary and fascinating school that El will be attending to. After the incident happened to their house, El disappeared to the humane world. She discovered new environment that her eyes will never believe. Magics. Powers. Abil...