One

706 24 1
                                    

"Ate mo?" Tanong ni Shawn saakin.

Langya. Umagang umaga tapos ganyan na agad ang bungad saakin? Wala man lang 'good morning'? Kahit 'Hello' man lang? Ayos na sana e.. buo na dapat ang araw ko e kase nakita ko sya pero sino nga ba naman ang lolokohin ko? E si ate naman talaga ang pinunta nya dito at hindi ako..

Imbis na sumagot e tinuro ko nalang ang taas.. gets nya naman yun! Na ang ibig sabihin non ay nasa kwarto si Ate.

Ginulo nya ang buhok ko "ang tahimik mo talagang bata ka haha" sabi nya at umakyat na sa taas..

What the ef! Ako? Bata? E 21 na kaya ako! Tapos 23 sya! Dalawang taon lang ang pagitan namen kung di sya nainform tch.

Di ako tahimik, di ko lang talaga sya trip kausap.

Hello! Sino naman kasi ang magkakaganang kausap yun kung puro si Ate ang bukangbibig? Ano ko? Masokista? Wag na lang uy! Nakakapagod nang masaktan..

Nandito ako sa sala nanonood lang ng TV bumaba silang dalawa na magkaholding hands..

Ewww nakakasukang view! Oo na! Ako na Bitter, wala e. Ganon talaga..

"Morning littleSis! Aalis lang kame ni Shawn ah?" Sabi ni ate Betthany sabay kiss sa pisngi ko..

"Ge lang" sabi ko sabay irap.
Nagsmirk lang si ate sabay alis nila..

Magkaclose naman kame non, naging complicated lang talaga e nung sinagot nya si Shawn..

Alam kong hindi nya mahal si Shawn dahil kakabreak lang nila ni Kuya Kade sa hindi ko malamang dahilan..
Mahal na mahal ni Ate si Kuya Kade kaya nung nagbreak sila nirebound nya si Shawn na mahal ko pero mahal ang Ate ko

Magkaklase si Ate at Shawn nung HS pero nagkahiwalay nung College at nun nakilala ni Ate si Kuya Kade tumagal sila ng 5years kaso bigla ngang naghiwalay.

Ako naman una akong nagkacrush kay shawn nung 2nd year college ako habang 4th year college sya. Magkaiba kami ng school ni ate at magkapareho kami ni Shawn.. hindi kame close ni Shawn acquaintance lang kumbaga, lumalim ng lumalim ang pagtingin ko sakanya habang tumatagal, pag ngumingiti sya feeling ko lumuluwag yung panty ko at lumalaglag ng kusa haha pag nakikita ko sya para akong naiihi sa sobrang kilig! ganon ang epekto nya saakin kaso dumating yung araw na ipakilala sya saakin ni Ate, sinabi nya na boyfriend nya na si Shawn.

Feeling ko gumuho ang kaharian ko sa aking imahinasyon.. tuwing ngingiti sya saakin imbis na lumuwag ang panty ko e parang lalong sumisikip yung garter kaya hindi ako makahinga at gusto ko na syang umalis sa harap ko, kung dati feeling ko naiihi ako tuwing nakikita ko sya Ngayon feeling ko natatae ako at gusto kong mag labas ng masama ng loob ko sa CR, char!

Lumabas ako ng bahay at sinundan ko sila.

Pumunta sila sa isang restaurant at kumain pero hindi ako lumabas ng kotse ko.

Tinawagan ko ang bestfriend ko .

"Hello keith!"

[Baket?] Inaantok na sagot nya..

Abnormal na to, anong oras na pero ngayon lang nagising! 10:30 na kaya!

"Samahan mo ko! May susundan tayo"

[Ayoko, inaantok pa ako bye]
At pinatayan nga ako! Lintek porket gwapo nangbababa ng tawag?! Sa ganda kong to binababaan lang ako! Lanya.

Tinawagan ko ulet.
[Ano nanaman!] Iritadong sagot nya

"Keith lyndon naman e! Samahan mo na ako! Lovelife ko ang nakasalalay dito!"

[La kompake sa lovelife mo bye--]

Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]Место, где живут истории. Откройте их для себя