Tumingin ako sa orasan at nakita kong 5:00 na kaya dali dali akong nagbihis.
Pagkabihis ko bumaba na ako at nakita kong nandun si Shawn kasama si ate.
Seriously Hindi ba sila nagkakasawaan? Almost everyday magkasama sila ah! Ugh whatever.
"Sis san ka pupunta?"
"Dyan lang!" Sagot ko
Maglalakad na sana ako ng magsalita ulit si Ate.
"Makikipagdate ka no?" Pangaasar nya saakin pero inirapan ko lang sya.Umalis na ako at nagdrive papuntang seaside.
Malapit na din lumubog ang araw at maraming couples ang nagaantay sa paglubog nito.
Kelan ko kaya mararanasang manood ng paglubog ng araw na sya ang kasama ko?
Hayy. Napayuko nalang ako at umiling..
Minsan naiisip ko din na parang nakakapagod na, na parang nagaantay lang ako sa wala.
Napapatanong nga ako sa isip ko e hanggang kelan ba ako aasa na magugustuhan nya ako?
Hanggang kelan ko ba kayang magpakatanga? Pero wala e, mahal ko sya e.Nakita ko sa di kalayuan si Jan.
Si Jan Felix ba talaga yun? Sino yung kasama nyang babae?
Lumapit ako sa kanila at nangamusta kay Jan-- infairness! Lalong gumwapo ang pinsan kong suplado! Tinanong ko kung Sila ba pero sabi nung cute na girl na kasama nya Hindi kaya ngumiti nalang ako.
Feeling ko merong something e! I smell something fishy!Nagpaalam na ako at naglakad na.
Nakita kong nakaupo sya kaya tinawag ko sya
"Kuya Kade!"
Tumingin sya at ngumiti pero alam kong peke yung ngiting yon.Yung mga mata nya kasi ang lungkot.
Umupo ako sa tabi nya.
"May problema ka?"Napabuntong hininga sya "yea, marami."
Sabi nya at ngumiti sya saakin at muling binalik yung tingin sa araw na saktong palubog na.Ang ganda talagang panoorin ang paglubog ng araw, dati lagi kaming nanonood sa paglubog ng araw kaso simula nung nangyari yon kinamuhian ko ng panoorin ito. Kasi pag nakikita kong lumulubog na ang araw naaalala ko nanaman sya, nararamdaman ko nanaman yung sakit.
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko, nagulat nalang ako dahil inabutan ako ni Kuya Kade ng panyo.
"Thanks." Sabi ko sabay punas ng luha ko.
"Dahil ba kay shawn?"tanong nya.
Umiling ako, Mukang hindi sya naniniwala kaya hinayaan ko lang. Ayoko na kasing ungkatin yung mga nangyari dati, hanggat maari ayoko na ngang alalahanin ulit yon-- kaya kahit hindi naman talaga si shawn ang dahilan ng pagiyak ko e hinayaan ko na lang na iyon ang isipin ni Kuya Kade kasi ayoko ng mag kwento.
Madilim na at malamig na ang paligid. Hindi kami nagusap ni kuya Kade, tahimik lang kami pareho.
Alam kong may problema sya pero hindi ko na tinanong kung ano iyon dahil mukang wala naman syang balak na sabihin saakin, sa tingin ko kaylangan nya lang talaga ng kasama at natutuwa naman ako na ako ang tinawag nya.
Nagulat ako ng tumayo sya, nilahad nya ang kamay nya at itinayo ako.
"Kain tayo." Sabi nya kaya tumango ako. Grabeee! Ngayon ko lang napagtanto na gutom na pala ako! XDTinanong nya kung saan kami kakain "jollibee!" Sagot ko habang nakangiti ng sobra.
Waaah namimiss ko nang kumain sa jollibee! Namimiss ko na yung bubuyog na di nausuhan ng pantalon! Mula bata ako favorite ko na talaga ang jollibee kaso madalang naman ako makakain don dahil pag lalabas kaming family e sa restaurant kami kumakain kaya minsan pag aalis yung yaya ko lagi kong binibilin na uwian nya ako ng pagkain sa jollibee ---pero simula nung nangyare yon hindi na ulit ako kumain sa jollibee pero wala naman sigurong masamang kumain ulit dun diba? Hindi ko nalang sya iisipin para makakain ako ng maayos.
ESTÁS LEYENDO
Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]
RomanceMahal ko sya tapos may mahal syang iba. cliché right? pero anong magagawa ko e ganyan talaga ang lovestory ko -,- sa storya ko na mukang ako pa ang kontrabida, sa storya ko na hindi ko alam kung may Happy ending pa.. paano nga ba ako magkakahappy en...