This is the dayyyy~~~~
Bwahahaha hindi naman halatang masaya ako no? LOL.
Kase ako yung umasikaso sa bakasyon namin kaya yung mga kalokohan ko ay siguradong magagawa ko--- pero syempre good girl parin ako no! Hindi naman nakakasakit yung mga plano ko lol.
"Dy! Hindi ka pa ba tapos mag ayos ng gamit? Daig mo pa ang babae ah!" Sigaw ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto nya.
"Sandali nalang mimah, intayin mo nalang ako sa Van paki sabi sakanila pasensya na." Sabi nya kaya naman bumaba na ako at pumunta sa parking area.
Nakita kong naka busangot na ang muka ni Shawn-- buti nga, tse.
Ang magkakasama sa van ay Ako,si Keith, Dylan, ate betthany, shawn ,yung driver namin at si mery.
Habang sa isang van naman ay sila mommy at daddy tsaka si tito at tita (parents ni Dylan) at yung driver tsaka si Lisa.
Nginitian ko ng may kahulugan si Mery tsaka ko sumimpleng itinuro si Keith,
Natawa ako nung magblush sya ng todo haha bata pa talaga ito! Sobra sobra ang pagkacrush nya kay keith."Jem anong nakakatawa?" Tanong ni keith sabay akbay saakin.
Umiling ako at inaya ko na syang pumasok sa van.
Sumakay na din silang lahat.
"Nasaan na ba yang kababata mo?" Iritang tanong ni Shawn
"Nag aayos pa ng gamit, pasensya na raw kung matagal." Simpleng tanong ko at tumingin kay keith.
Ang pogi ni keith ngayon ah? Haha.
Ang pwesto kasi namin sa van ay
Driver→mery
Shawn→ ate betthany
*Sa dulo*
Keith→ako→Dylan (pag dumating na sya)"Gwapo mo ngayon." Bulong ko kay Dylan.
"Ngayon mo lang narealize? Araw araw naman ah?" Sagot nya kaya binatukan ko sya.
"Maghanap ka ng kausap mo." Natatawang Sabi ko sakanya
"Paimportante." Narinig kong Sabi ni Shawn
Nag-init yung ulo ko. "Kung ayaw mo ng nagiintay bakit di ka nalang mauna tutal may kotse ka naman diba?" Iritang sabi ko.
"Hindi yon yung punto ko jem---"
"Whatever." Sabi ko kaya napa hinga nalang sya ng malalim.
Dumating na si Dylan kaya lumarga na kami.
Yey! Im zo exzoited! Hahaha lewls!
"Dy! Ang rami mong dalang pagkain, kaya pala matagal ka e!" Sabi ko sabay kuha nung inaabot nya saaking isang galon ng ice cream.
Kyaaah! Ice cream ☆_☆
"Dy? Sweet ng endearment nyo ah? Tapos anong tawag nya sayo? My? "
Napairap ako "ano bang pakelam mo shawn? Ha? Mind your own business dude!" Sabi ko sabay alok kay ate ng ice cream.
"Chips nalang lilsis." Sabi nya kaya inabutan ko sya ng chichirya.
Naghati kaming tatlo sa ice cream kasi mabait ako at hindi ako madamot haha lol.
"Dy bat dadalawa yung spoon? Tatlo tayo e."
Napakamot ng batok si Dy.
"Jem dun nalang tayo sa isang spoon tas kay dylan nalang yung isa."
"Pero pwede rin namang kami ni mimah ang magshare."
YOU ARE READING
Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]
RomanceMahal ko sya tapos may mahal syang iba. cliché right? pero anong magagawa ko e ganyan talaga ang lovestory ko -,- sa storya ko na mukang ako pa ang kontrabida, sa storya ko na hindi ko alam kung may Happy ending pa.. paano nga ba ako magkakahappy en...