"Hoy maghilamos ka nga!"
"Anong ibig sabihin non?"
"Punasan mo yang pisngi mo!"
"Tigilan mo nga yang kakangiti mo!"
"Maghilamos kanaaaa!"
Yan ang paulit ulit na naririnig ko kay Keith mula kanina! At nandito na kami sa kwarto ko pero yan parin ang sinasabi nya! Ugh!
Like errr! Nakakairita pero hindi nya masisira ang mood ko! Kase Omg! Omg talaga! He kissed me! Gosh! Feeling ko nasa cloud9 akoo~~
"Ang KJ mo, Keith! Gosh! Sa tingin mo Gusto nya na ako?"
Tanong ko tas tumingin ako sakanya.Nakahiga kasi ako sa kama habang sya nakaupo naman.
Tinignan nya ako na parang naging alien ako sa paningin nya. "Siraulo kaba? Shunga kaba? Nakadrugs kaba? Adik ka ah!"
"Woah! Line ni Eya yan sa DNP the movie ah? Yieee crush nya si Eya!"
"Oo, kamuka mo nga si Eya dun e." Sabi nya pa kaya binato ko sya ng unan.
"Hoy wala naman akong pimples ah?! Oo payag ako, kamuka ko si Eya pero nung namakeover na sya" sabi ko.
"Ang panget mo kaya!" Sabi nya kaya hinila ko sya.
"Lumayas ka sa pamamahay ko!" Sigaw ko sabay tulak sakanya.
Tumawa sya "eto naman! Joke lang Hihi."
Dito kasi sya matutulog, ewan ko kung bakit napagtripan netong matulog dito pero Siguro namiss yung kagandahan ko hahaha ang hangen no? LOL
Kumain kami ng Dinner tapos pumunta na ulit sa kwarto ko--- Oo! Di kayo nagkakamali ng Basa! Dito kasi sya matutulog sa kwarto ko! Sanay na akong katabing matulog yan kaya wag kayong malisyosa! May respeto sakin tong bestfriend ko na to kahit abnormal to kaya nga lab na lab ko to e kaso as a friend lang.
"Hoy! Dyan ka sa sofa matulog ah!"pangaasar ko sakanya.
"Grabe ka saakin! Parang wala tayong pinagsamahan" sabi nya sabay higa sa kama ko.
Abnormal talaga! Mageemote pero nauna pa saakin sa kama.
Naupo na ako sa pwesto ko tapos nag ring yung phone ko.
Shocks! Si Shawn! Emeghred!
"Hello?" Sabi ko with feelings! Charot!
[Jem]
"Bakit?"
Tumingin saakin si Keith ng 'Sino-ba-yang-kausap-mo-Look'
Pero inirapan ko lang sya.[Chinecheck ko lang kung ayos ka]
Omg! Concern sya! Malapit na akong magngingingisay dito!
"Hoy Jem sino ba yan? Tulog na tayo! Mahiga kana!" Malakas na sabi ni Keith.
[Sino yun? May katabi kang matulog na lalake?!]
Putangna! Putangna! Putangna! Hayop ka Keith! Napaka mo! Putangna talaga!
Sinamaan ko sya ng tingin tapos binato ng unan. Ngimisi lang sya at sumipol sipol
"Ah..ano..kase si Keith yon, dito sya matutulog hehe" sabay kamot ng ulo.
[Sa kwarto mo? Sa kama mo?]
"Oo? Hehe wag kang mag-alala, safe ako dito."
Narinig kong bumuntong hininga sya. [Okay, i trust you jem! Behave okay? Wag nyong isasara yung pinto if ever na--]
"Shawn! Ayos lang ako, tsaka lalabas yung aircon!"
[Jem kaylan pa nagkaroon ng paa yung aircon?]
VOUS LISEZ
Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]
Roman d'amourMahal ko sya tapos may mahal syang iba. cliché right? pero anong magagawa ko e ganyan talaga ang lovestory ko -,- sa storya ko na mukang ako pa ang kontrabida, sa storya ko na hindi ko alam kung may Happy ending pa.. paano nga ba ako magkakahappy en...