Nandito na kame sa bar ni Keith.
Kasama ko si kuya kade habang may inaasikaso saglit si keith sa office nya dito sa bar.
"Bakit mo ako inaya dito sa bar kuya?"
Ngumiti sya "wala, masama na bang ayain kita?"
Umiling ako tsaka ngumiti.
Ilang minuto kaming tahimik nang biglang magsalita si kuya kade.
"So whats the real score between you and shawn?"
Napatingin ako sakanya "wala haaha."
Tinignan nya ako pa rang hindi sya naniniwala "wala?"
Tumango ako "pero mas close na kami ngayon"
Napatango sya habang nakatingin parin saakin.
"He's here" biglang sabi ni kuya kade.
Who's here?
Kinunotan ko sya ng kilay.
"Sino?"
Medyo may gulat akong nakita sa muka ni kuya kade habang nagpapalipat lipat ng tingin sa kung saan.
Nagaalalang tumingin saakin si kuya Kade "nandito sila. Pareho."
Kumabog yung dibdib ko kahit hindi ko alam kung sino yung tinutukoy nya.
Kinakabahan ako.
Sino ba sila?Ininom ko yung drinks ko.
Keith! Nasaan kanaba? Errr. Hindi ako mapakali.
"S-sinong S-sila? P-pareho?" Tanong ko.
"Wag kang lilingon jemimah, saakin ka lang tumingin" siryosong sabi ni kuya kade.
Tumango ako. Sinunod ko ang sinabi nya dahil kinakabahan din ako kung sino ba talaga sila.
May grupong maingay na dumaan sa side namin at nakita kong si Shawn yon.
Sya ba ang tinutukoy ni Kuya? Pero bakit sila ang sabi ni kuya? Bakit Pareho daw?
Nakatingin ako kay shawn habang naglalakad sila, napatingin sya saakin pero hindi nya ako pinansin.
Tinignan nya lang ako saglit at hindi na ulit ako sinulyapan kahit konti, ang cold nya.
Aray. Nasnob ang kagandahan ko letse.
Dumating si keith at tumabi sya saakin sa upuan.
Umakbay sya saakin at nginitian nya ako.
"Nakita ko yung Dalawa." Sabi ni keith.
Napatingin ako sakanya.
What the eff--- sino ba yung tinutukoy nila?!
"Oo, nakita ko na rin sila. Ang sikat ng Bar mo ah? Talagang nandito pa pareho yung Dalawa Hahahaha"
Napailing si Keith "papaalisin ko na ba?" Nagaalalang tanong ni keith tapos tumingin saakin.
"Wag. Hayaan mo sila." Sabi ni kuya kade
Uminom kami ng uminom pwera ka keith, syempre binabantayan nya ako para safe ako hahahaha ang haba ng hair ng lola nyo no? XD
Nararamdaman kong may nakatitig saakin pero hindi ko pinapansin.
Nahihilo na ko!
Napatingin ako kay keith.
"Keith! Sayaw tayooo!"
Umiling sya "lasing kana e!"
Sinimangutan ko sya "kuya Kade! Sayaw tayo!"
Umiling din sya at sumandal sa upuan.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]
RomanceMahal ko sya tapos may mahal syang iba. cliché right? pero anong magagawa ko e ganyan talaga ang lovestory ko -,- sa storya ko na mukang ako pa ang kontrabida, sa storya ko na hindi ko alam kung may Happy ending pa.. paano nga ba ako magkakahappy en...