Five

403 19 1
                                    

Si Dylan...

Nandito na sya..

Bumalik na sya..

Bumalik na yung dahilan kung bakit ayaw ko ng manood ng paglubog ng araw..

Yung dahilan kung bakit hindi na ako nakakakain sa jollibee.

Niyakap ako ni Ate at nagtatatalon pa sya habang yakap ako.

"He's back! Jem, nandito na ulit si Dylan!" Sabi nya pa na tuwang tuwa.

Tulala parin ako.

Parang kapatid na rin ang turing ni ate kay Dylan. Yung mga parents ko gusto rin si Dylan.

Sino nga ba naman ang may ayaw kay Dylan? He's almost perfect! Mahal sya ng lahat!
Mabait sya, mayaman, palangiti, gwapo, gentleman-- lahat na ata nasakanya na! Pero wala naman talagang perpekto. Nagkakamali din sya pero kahit ganon Mahal sya ng lahat!

Kahit ako, Minahal ko sya. Minahal ko sya higit pa sa pagmamahal sakanya ni Ate Betthany at ng mga parents ko sakanya.

Hindi ko sya minahal bilang isang kapatid--- minahal ko sya kasi mahal ko sya.

Bago pa ako magkagusto kay Shawn, si Dylan ang una kong minahal.

Sya yung First Love ko, pero nasaktan lang ako e..

Walang alam si Ate o kahit sino man sa nangyare, Akala nila ayos kami ni Dylan-- kahit nga yung Feelings ko kay Dylan hindi nila alam.

Kaya nga nung nasaktan ako wala akong mapagsabihan-- walang dumamay saakin.

Ayokong magkwento dahil ayokong madamay yung relationship nya sa Family ko dahil lang sa feelings ko. Ayokong magkasira sila ng pamilya ko dahil lang sa mahal ko sya.

Magkaibigan kame noon pa. Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan, hindi ko alam kung saan kami unang nagkita dahil magkasama na kaming lumaki.

Anak sya ng Ninang ko kaya talagang close kami non dahil close ang mga magulang namin. Madalas wala ang mga magulang namin dahil sa business kaya madalas nags-stay sya dito noon para may kalaro kami.

"Saan kaba nagpunta? Hinahanap ka ni Dylan kanina! Sis lalo syang gumwapo! Ang tangkad tangkad nya lalo! Gosh! Bagay na bagay kayo!" Sabi ni ate at kinikiliti pa ako.

Bata palang kame tinutukso na kami sa isa't isa dahil sobrang close namin pero kahit na kinikilig ako ng sobra hindi ko masabi yung feelings ko dahil baka lumayo sya saakin.

"Huy! Magsalita ka naman!"- ate.

Ngumiti ako ng peke "punta na ko sa kwarto ko." Sabi ko at naglakad na.

Sht! Nanghihina ako! Putngina Dylan bakit ka pa bumalik!?

Kinabukasan hinatid ko si Ate sa airport kasama si Shawn.

Nabye lang ako kay ate at pinaalala yung mga pasalubong ko pagbalik nya habang si Shawn naman e nagnobela pa ata sakanya. The hck! Isang linggo lang mawawala si ate kung makabilin parang hindi na babalik e! Tch.

Nung natapos silang magusap humarap saakin si ate.

"May nag-aantay sayo sa bahay." Sabi nya sabay kindat saakin.

Kiniss nya ako sa pisngi at naglakad na papasok sa loob.

Naglakad na ako papuntang parking at humabol saakin si Shawn.

"Kid! Hintay naman!" Sabi nya.

"Sino ba si Dylan?" Tanong nya pero inirapan ko lang sya.

"Hey!" Tapos umakbay pa sya saakin.

Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora