1

42 1 7
                                    

"where's my baby? " bungad sakin ni Keith pagbukas ko ng pinto

Naiiling na pinapasok ko sya "ang bilis mo namang nakabalik dito "

Inakbayan nya ako at sabay kaming pumunta sa playroom Kung nasaan si dash "alam ko kasing mamimiss mo ko agad kaya tinapos ko agad yung mga dapat kong tapusin"

"daddy T! I missed you, san kaba galing? "nakapout na tanong ni Dash

He's so cute! Ang sarap pisilin ng pisngi nya.

"nagwork si daddy kaya umalis ako saglit baby boy" paliwanag ni Keith "gusto mong paliparin natin yung laruan mong helicopter? "magiliw na tanong ni keith

Iniwan ko muna sila don para ipaghanda sila ng makakain, baka magreklamo nanaman yung dalawang yon pagnagutom sila.

Hindi mawala sa isip ko ang text ni mommy, simula kasi ng mabuntis at manganak si ate Betthany ay nagstay na sya sa pilipinas.. Nahirapan daw kasi si ateng magbuntis. Babae ang naging anak nila ni dylan at pagsinuswerte ka nga naman ay kamukang kamuka ni dylan si Aya

Naalala ko pa nung sinend ni mommy ang picture ng unang apo nya, Hindi ko alam Kung iiyak ba ako o matutuwa kasi kamukang kamuka nya ang tatay nya, nakakaloko diba?

Apat na taon na din ang nakakalipas simula ng umalis ako, inilayo ko ang sarili ko sa lahat pero heto at nahanap ako ng abnormal na best friend ko

"uuwi kana ba?" nagulat ako ng sumulpot sya sa tabi ko "namimiss kana nila" dagdag nya

"dapat na ba kong umuwi? "

Hindi sya sumagot pero kita naman sa mukha nyang gusto nya na kong pauwiin ng pilipinas

"kaylan ba ang flight mo? Ipabook mo kami ni dash para makasabay kami sayo" sabi ko saka bumuntong hininga

Nanlaki ang singkit nyang mga mata "siryoso?" Hindi makapaniwalang tanong nya,  tumango ako "sige sasabihin ko nadin kay Tito" masayang sabi nya saka ako niyakap

Mukang Hindi ko na kayang takbuhan ang lahat..

Satingin ko naman kaya ko na e

Makakaya ko na

Kaya ko na

Siguro..  Napabuntong hininga ulit ako

Tumunog ang door bell kaya iniwan ko muna si keith sa kusina, pagbukas ko ng pinto ay bumungad saakin ang isang rosas.. Napangiti ako, parte na rin ng araw araw na pamumuhay ko ang mga rosas na ito, Hindi ko man kilala ang nagbibigay nito ay napapasaya nya ako.. Pakiramdam ko ay Hindi ako nagiisa twing nakikita ko ang mga iniiwan nyang rosas sa harap ng pintuan ko

Inilagay ko sa vase ang rose saka bumalik kay Keith.. Hay buhay, mukang kaylangan ko na talagang bumalik

Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]Where stories live. Discover now