27

271 12 9
                                    


"Paandarin mo." Malamig nyang sabi. Sht!

"Anong ginagawa mo dito?" Singhal ko habang nagmamaniobra para makalabas ng parking.

"Sinusundo ka."

Napataas ang kilay ko "sundo? Ano ako elementary?"

Bumuntong hininga sya "ideretso mo sa condo ko."

Sarcastic na tumawa ako "ano ako driver mo? Bumaba ka nga dito sa sasakyan ko"

He just gave me a cold stare. The eff dude! Nakakainis!

Naramdaman kong wala talaga syang balak bumaba e napabuntong hininga nalang ako at nagdrive papuntang condo nya. Kasosyal! May driver na maganda!

Nang dumating na kami sa harap ng building kung saan naroroon ang condo nya ay nakiusap akong bumaba na sya para makauwi na ako pero hindi ko inaasahang bigla nya hinawakan ang kamay ko at halikan ang likuran ng palad ko.

"Ghad! I missed you.. So much"

Binawi ko ang kamay ko at tumingin lang sa harapan, ayokong makita ang mga mata nyang nangungusap.

"Baby.. Look at me" pilit nyang hinuhuli ang mga mata ko hanggang sa nagtagumpay sya.

Dapat hindi ako tumingin! Dapat hindi ko sya tinignan.. Yung mga mata nya. Puno ng samut saring emosyon, puno ng pagsusumamo.

Dapat di ko sya tinignan! Kung hindi ko sya tinignan sana hindi nya nahuli ang labi ko at hindi ako tumutugon sa mapupusok na halik na binibigay nya saakin.

Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung anong ginawa nya at napapayag nya akong sumama sa condo nya at huwag munang umuwi sa bahay. Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad kasama nya na magkahawak ng kamay at papuntang elevator.

Mali ito.. Maling mali!

He's cheating behind my sister's back!

At ako ang third party! Ako ang kabit! The fck!

Eto na ba ang resulta ng plano namin ni kuya kade na  i-seduce si shawn? To seduce my sister's boyfriend? Nagtagumpay naba ako? Pero hindi ako masaya, hindi ko kayang maging masaya.

I already gave up , right? Tapos na yung plano... Tinapos ko na! But what the heck is going on right now? Bakit kung kelan ako tumigil tsaka sya nagkakaganyan?

Pagkapasok na pagkapasok namin sa condo ay sinunggaban nya na ako ng halik. Alam kong mali, maling mali pero tumugon ako.. Ang hirap iwasan ng bawal.

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa sofa, napahiga ako roon at nakapatong sya saakin.

Naglakbay ang kanyang kamay saaking katawan at unti unting bumaba ang kanyang halik papunta saakin leeg. Hindi ko napigilang mapasinghap nang puntiryahin nya ang collar bone ko.

Shit! Shit! I want him more!

But I can't! We can't do that! For christ sake! We can't!

Muli nya akong hinalikan sa labi pero hindi na ako tumugon.

I saw images of my sister and dylan everytime I close my eyes.

Nakokonsensya ako. Tinatraydor ko ang kapatid ko!

Nakokonsensya ako dahil may feelings ako kay dylan pero heto ako't nakikipag make out kay shawn!

"Baby.." Nagmamakaawang tawag ni shawn.

"Enough shawn. Tigilan mo na to, tigilan na natin to!" Umayos ako ng upo at napahilamos ko ang aking kamay sa mukha ko.

"Baby--"

Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora