▶Third Person POV
Nagtatalo ang isip nya kung papayag ba sya o hindi.
Alam nyang kahit anong maging desisyon nya ay masasaktan at masasaktan parin sya.
Nagvibrate ulit ang Phone nya.
Galing kay Dylan ulet.
Mimah... please?
Huminga sya ng malalim.
Nagtype sya ng irereply nya sa binata.
'No, never.' Tsaka nya sinend.
Hindi nya pa kayang kausapin si Dylan. Hindi PA.
Alam nyang dadating at dadating yung araw na maguusap sila pero hindi pa ngayon.
"Sino yang katext mo?" Tanong ni Keith.
"Stalker." Mahinang sabi ni Jem
Nakakatawa mang isipin na 'stalker' pa ang nasabi nya samantalang sya ang may gusto dito noon.
"Stalker? Wow ha ganda mo teh!" Pangaasar ni Keith kay jem.
"Gay." Sabi naman ni Jem.
Naikinangisi ni Keith.
"Kung gusto mo ng kiss, sabihin mo! Hindi yung gumagaya ka sa mga cliché na napapanood mo!" Sabi ni Keith.
"What the fvck?!" Inis na sabi ni Jem
"Bastos neto! 21 ka palang fvck na iniisip mo! Eww ka! May HD ka saakin no?! I knew it!" Patuloy ng pangaasar ni Keith kay Jem.
"Ewan ko sayo" sabi ni Jem sabay irap na naging dahilan ng pagtawa ng sobra ni Keith
Kahit kailan kasi napakapikon ng dalaga.
Tumunog ang phone ni Jem.
Napatingin sila pareho ni Keith sa phone pero sandali lang naman ay tumingin na ulit sa kalsada si Keith dahil nagdadrive sya.
"Kulit ng stalker mo no?" Sabi ni keith.
Inirapan lang sya ni Jem.
Hindi nya pinansin yung phone nya at hinayaang matapos ang tawag.
Nang maihatid na si Jem sa bahay ay di rin nagtagal ay umalis na rin si keith dahil pupunta pa ito sa Bar na pagaari nya.
Nakadapa si Jem sa kama at napagisipan nyang buksan ang social media acct. Nya.
Sa pagkakatanda nya ay ilang buwan nya nang hindi nabubuksan kaya inaamag na. LOL.
Pagbukas nya ng facebook ay sobrang rami ng notification, Friend request at Messages.
Hindi nya pinansin yung mga Friend Request. Ang una nyang binuksan ay ang notification nya.
"Langya! Kaya ayaw kong nagpifacebook e." Halos mapamura sya sa sunod sunod na game request na natanggap nya AT natatanggap nya pa.
Tunog tuloy ng tunog yung sa notification.Iniscroll ni Jem ng iniscroll yung sa notification nya hanggang sa nakita nya ang tatlong notification na pinaka may silbi sa lahat.
Una nyang nakita ay yung tinag sakanya ng mommy nya na status na malapit na silang umuwi.
Pangalawa ay yung pinost ni Shawn na picture nya na tulog at may carbonara pa sa gilid ng lips nakinuhanan ni Shawn kanina nung natutulog sya.
At ang pangatlo ay ang tinag sakanya ng Ate nya na throwback picture nila ni Dylan nung highschool sila.
••••••
JEMIMAH's POVTinitigan ko sa screen yung picture ko na tinag ni Shawn.
ESTÁS LEYENDO
Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]
RomanceMahal ko sya tapos may mahal syang iba. cliché right? pero anong magagawa ko e ganyan talaga ang lovestory ko -,- sa storya ko na mukang ako pa ang kontrabida, sa storya ko na hindi ko alam kung may Happy ending pa.. paano nga ba ako magkakahappy en...