29

136 11 5
                                    

"Unlike the story of Cinderella, the magic that your fairy godmother gave will starts when the clock toks at 12"

Bulong saakin ng kung sino kaya naman napalinga linga ako sa paligid habang nagsasayaw kami ni kuya kade..

Lahat ng tignan ko ay abala sa pagsayaw at pakikipagkwentuhan sa mga kakilala nila... Sino yun?

"May problema ba jem?" Tanong ni kuya kade pero nginitian ko lang sya..

"Kamusta kayo ni ate?" Pag-iiba ko ng tanong..

Napansin ko ang pagkaGulat nya pero di ko nalang binigyang pansin

"Shawn said that he already likes me but..." Napabuntong hininga ako atsaka napailing

"Nireject mo sya?" Di makapaniwalang tanong ni Kuya kade at may nakita pa akong pagkislap ng Mata nya..

"Nakakaguilty e... Matagal ko naman na hininto yung usapan natin pero mukhang nagkabaliktad na ang sitwasyon." Nakayukong saad ko

"Baliktad?" Takang tanong nya

Napairap ako dahil sa kaslowan ni Kuya kade hehe joke.. "Sya na yung nagngungulit..  Sya na yung---"

"Naghahabol?" Putol nya sa sinasabi ko.

Napaface palm ako, pinapaganda ko na nga yung term e.. Si kuya talaga oh! Napaka prangka.

"Di mo na sya gusto?" Parang batang tanong nya, makikita mo sa mukha nya ang pagka curious

Pero napa pout nalang ako bilang sagot.

Makahulugang Ngumisi sya saka ako niyakap ng mahigit.. Ipinasa nya ako kay kuya Bartley

Bumungad agad saakin ang kanyang ngisi..

Ang saya nya ah?

"I'm going to stay here for a while!" Masayang balita nya na ikinatuwa ko rin

"Totoo?" Tanong ko at tumango sya

"Sila daddy muna daw ang bahala sa company.. Mabakasyon muna daw ako dito ng ilang bwan!"

Sa sobrang saya ko ay napayakap ako ng mahigpit sa Kuya ko..

"Baby girl! Hindi na ako makahinga!" Saway nya kaya natatawang bumitiw ako

"You have no idea how happy I am right now kuya! Finally! We can bond longer!" Pahayag ko na tuwang tuwa talaga

He pinch my nose then kissed my forehead.

"May isa pa kong sasabihin sayo!" Nakangising sabi ni kuya.. Nakakita ako ng pagka amused at saya sa mga Mata nya.
Lumapit pa lalo sya saakin then he whisper to my ear  "your prince is waiting for you.. Puntahan mo na sya" sabi nya saka lumayo at bumitaw saakin..

Paalis na Sana si kuya pero maagap kong pinigilan sya "nasaan sya kuya?"

Muli kong nakita ang ekspresyon ni kuyang nakikita ko noon palang mga bata kami.. Ang pagpipigil nya ng ngiti kahit kita naman sa Mata nya ang tuwa at satisfaction dahil kahit di namin diretsuhang sabihin ang isang bagay ay nagkakaintindihan kame... Yan ang isang bagay na Hindi magets ni ate Betthany kaya ako ang paborito ni kuya!😂

"Kung saan daw nagsimula ang lahat" sabi nya saka ngumiti " I want all the best for you princess.. At dahil gusto Kong sumaya ka e kahit na corny ng pinaggagawa nya e suportado ko sya.." Sabi nya at napaface palm pa "sige na! Puntahan mo na yon, baka nilalamok na yon don..ako nang bahala dito" he said then he slightly tapped my head before leaving me in the middle of the dance floor..

Where is he?

"Kung saan daw nagsimula ang lahat"

"Kung saan daw nagsimula ang lahat"

"Kung saan daw nagsimula ang lahat"

Oh fvck! Saan nga ba nagsimula ang lahat? Sht naman oh! Nakalong gown ako tapos paghahanapin pa ako ng lugar na Hindi ko alam kung saan ba talaga? Ang bigat kaya ng damit ko! Plus yung sapatos ko pa! Kaloka!

Sumakay ako sa kotseng nakaabang saakin paglabas ng hotel

"Ma'am.. Eto yung Susi" nakangiting bigay saakin ng valet

"Thank you "

Agad kong pinaandar ang kotse kahit na Hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta

"hihintayin kita.. pagdating ng alas dose ay aantayin ko ang sagot mo, sa lugar kung saan may dalawang angel na nakatayo.. maghihintay ako"

"hihintayin kita.. pagdating ng alas dose ay aantayin ko ang sagot mo, sa lugar kung saan may dalawang angel na nakatayo.. maghihintay ako"

"hihintayin kita.. pagdating ng alas dose ay aantayin ko ang sagot mo, sa lugar kung saan may dalawang angel na nakatayo.. maghihintay ako"

Ghad! Ang gulo! Gulong gulo na ko! Hindi ko Alam kung matutuwa ba ako sa mga nangyayare o maiinis ako dahil nalilito ako.

Nagmaneho ako hanggat sa dinala nalang ako ng sa hindi ko namalayang nakarating ako sa seaside. Parang may sariling isip ang mga paa ko na naglakad sa kung saan hanggat sa makarating ako sa gitna. May mga mangilan ngilan na taong nasa seaside parin na napatingin saakin dahil narin siguro sa damit ko, saan ka naman kasi makakakita ng nakagown sa seaside?

May ibang nakangit, may iba namang nagtataka pero hindi ko sila pinansin dahil ang atensyon ko ay nasa lalaking ilang dipa ang layo saakin. Nakatalikod sya pero kita ko ayos nya, nakasuit sya kagaya nila kuya Bartley..

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit ako sakanya, namamasa ang kamay ko dahil sa sobra kaba.

Ilang hakbang nalang ang layo namin ng humarap sya "Jemimah" parang nakahinga sya ng makitang dumating ako't nasa harapan nya na ngayon. "Akala ko hindi kana darating" sabi nya at kaagad akong sinunggaban ng yakap

"Pwede ba naman yon?" Natatawang sagot ko pero nanggigilid na din ang luha ko.

Naupo kami sa isang bench habang pinapanood ang mga bituin sa langit, ang mga alon ng dagat at ang mga ilaw mula sa barko. Kahit walang magsalita ay kuntento kami. Hinawak nya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sakanya.

Napaka ganda palang panoorin na ang taong mahal ko ay nakatingin saakin na tila mo ako lang ang babae sa mundo, parang kahapon lang ay pinapangarap kong maranasan to pero ngayon ay eto na, ramdam na ramdam ko na.

Unti unting bumaba ang tingin nya sa labi ko at unti unti nya sinakop ito, nung una'y hindi ako makatugon dahil natatakot ako! Marami paring mga tanong sa utak ko, pero habang tumatagal ay nadala na ako, unti unting pumikit ang mga mata ko't tumugon sa halik nya. Lahat ng takot ko'y wala na, mahal ko sya kaya dapat wala na akong isipin pa.

Ramdam kong may malamig na bagay na humaplos sa palapulsuhan ko kaya ng matapos ang halik ay tinignan ko ito, bracelet.. Ang bracelet na matagal ko ng gustong bilhin pero sa Greece pa ito makukuha.

"Will you be my girlfriend" tanong nya na nakapagpabalik ng tingin ko sa mga mata nya

Alam kong the moment na tumapak ang mga paa ko dito at pumunta sakanya ay alam ko na ang sagot. Kahit na natatakot akong masaktang pang muli, kahit pa marami pang tanong saaking isip. Mahal ko ang lalaking ito at isa lang ang magiging sagot ko sa tanong nya..

"Yes, Dylan.. Yes"

Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang