Nagising ako sa kwarto ni Shawn, mukang nilipat nya ako nung tulog na ako.. Kumakalam na ang sikmura ko kaya naman napagdesisyonan ko na lumabas na
"shawn?" tawag ko ng Hindi ko sya makita sa sala
Sumulpot sya mula sa kusina "you hungry?" bungad nya
Tumango ako habang nakahawak sa tyan ko
"let's eat, kakatapos ko lang magluto" nakangiting aya nya kaya naman sumunod na ko.. Shit sana rice meal ang nakahanda! Gutom na gutom ako
Feeling ko naghugis puso yung mga mata ko nung makita ko yung sinigang at kanin sa lamesa, OMG mapapasabak ata ako neto sa pagkain
Agad akong pinagsandok ni Shawn ng kanin at ulam kaya naman nagsimula na akong kumain, ang sarap!
"dahan dahan baka mabulunan ka" sabi ni Shawn na Hindi ko namalayang nakatitig pala
"masarap ka talagang magluto, nag-aral ka?" tanong ko pagkatapos kong lunukin ang kinakain ko
Umiling sya "hilig ko lang talaga, mahilig magluto ang mommy ko kaya naimpluwensyahan na din siguro ako kaya twing nagluluto sya at nanonood ako e namememorize ko yung mga ginagawa nya"
Namangha naman ako "so wala kang proper training?"
"yes, no proper training" nakangiting sagot nya
Unfair! Bakit ako Hindi biniyayaan ng kagalingang magluto! "you should teach me"
"kahit naman Hindi ka marunong magluto, mahal parin kita" hirit nya na muntik ko nang ikinabuga ng kinakain ko
Letseee!
Narinig ko ang pagtunog ng phone ko kaya naman napahanap ako kung saan ko ba nailagay yon
"ako na, ituloy mo na yung pagkain mo" pigil ni Shawn nung akmang tatayo ako kaya naman pinabayaan ko na sya
"mommy T! Where are you?" bungad ni Dash pagkasagot ko ng phone
My baby!
"pauwi na rin ako baby, do you want something?" tanong ko, napansin kong nakatutok lang sakin ang atensyon ni shawn
"uwi kana mommy, I miss you already" ramdam kong nakapout na ang batang ito kaya natawa ako
"eto na po, makipaglaro ka muna kila lola habang inaantay mo ko.. OK ba yon?"
"yes po, take care mommy! Byeee " sabi nya saka ibinaba ang tawag
Uminom ako ng tubig saka tumayo "I need to go home na"
"ihahatid na kita" agad syang tumayo at kinuha ang Susi nya
Nakakatawa lang na yung dating hinahabol habol ko ay ako naman ang hinahabol ngayon, bilog talaga ang mundo.
Nagbibiro lang talaga ako kanina pero mukang sineseryoso nya yung sinabi kong gagawin ko syang alalay kaya might as well na utusan ko nalang nga rin sya, ginusto nya yon e lol
Malayo palang ay natanaw ko na sila dash na nagaabang sakin, ugh my baby miss me so much talaga.
"ang cute nya" komento ni Shawn na ikinangiti ko
"syempre mana sakin" pagmamalaki ko na sinangayunan nya naman agad
Pinagbuksan ako ni shawn ng pinto na naging dahilan ng mga pagtataka sa mukha ng mga magulang ko.
Agad na bumeso at nagmano si Shawn kila mommy at daddy saka nya nilapitan si dash at aya
"hey big boy, I'm tito shawn" pagpapakilala ni Shawn
"bakit magkasama po kayo ni mommy?"
"friends kami nung mommy mo e" nakangiting sabi ni Shawn "pwede kitang kargahin?" paalam ni shawn at agad namang pinaunlakan ni dash, yumakap ang baby ko saka sya dahan dahang binuhat ni Shawn, pwede na magasawa ah? Marunong kumarga ng bata
"close parin pala kayo ni Shawn? Mabait na bata yan" may panunuksong tono si mommy
"Ma naman! Kaibigan lang e" mahinang sabi ko na ikinangisi nya
Nag-aya na si Dash pumasok sa bahay kaya pumasok na kaming lahat. Ramdam ko ang tingin sakin ni Dylan at ang pagkailang ni ate sa nangyayari kaya naman pinilit kong wag silang sulyapan, awkward e
Magkatabi kami ni Shawn na nakaupo sa sofa habang kalong nya si Dash na nagbubutingting ng laruan nya
"kelan kita tuturuan?" mahinang tanong nya sakin
Magluto?
"hmm kelan kaba free?"
Nakarinig ako ng pagtikhim pero Di ko pinansin
"basta ikaw, I'm always free" ngumiti ng matamis si Shawn na ikinatawa ko, pacute ang loko
"sa condo mo nalang, isasama ko si Dash para makagala naman sya" sabi ko, syempre para Hindi na ko magkalat dito sa bahay hehehe
"sure, kahit dun pa kayo matulog " malokong sabi nya na naging dahilan Kung bakit nasamid ng iniinom nyang tubig si dylan, wala na pala sila mama rito! Si Ate, Dylan, aya at kami nalang ang nandito sa sala
"a-ahm jem m-mukhang inaantok na yung mga bata, ilagay na kaya natin sila sa kwarto ni aya? Gusto raw kasi nilang magkatabing matulog" ilang na sabi ni ate kaya napatingin ako Kay dash, inaantok na nga
Tinignan ko si Shawn at nagets nya naman agad ang gusto kong ipahiwatig kaya binuhat nya na ulit si dash "saan yung kwarto?" casual na tanong nya Kay ate
Woah parang Hindi mag ex eh?
Sumama ako sakanila hanggang sa kwarto saka ko inayos yung kumot ni dash "sleep well baby boy" sabi ko bago lumabas ng kwarto
Agad na inangkla ni Shawn ang kamay nya sa bewang ko "I love you"
Napangisi ako, medyo masarap din pala sa feeling pag may patay na patay sayo.. Lol
"nagugutom pa ko" nagulat ako ng paglingon ko ay sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa, isang maling galaw nalang ay magkakahalikan na kami!
Ngumiti sya " ipagluto kita? "
Hmm ang bango parin ng hininga kahit kakakain lang namin sa condo ah
"pagiisipan ko" inilapit ko pa lalo ang mukha ko sakanya kaya napapikit sya na ikinangisi ko
Imbis na halikan sya sa labi ay sa pisngi ko lang mabilis na idinampi ang labi ko "tara na sa kusina" saka ko sya hinatak at ang magaling na lalaki e pinag intertwined yung mga daliri namin, PDA ha?
"manang ano pong pagkain?" tanong ko nung makita kong nagpupunas ng plato si manang
Agad nya akong niyakap kaya napangisi ako, namiss ako ni manaaaang hehehe
"ikaw talagang bata ka! Pinag-alala mo ako! Bakit ba ang tagal mong umuwi rito!" agad nya akong inasikaso na para bang Hindi nya namalayan na kasama ko si Shawn
"may pasalubong ako sainyo manang, wag ka na magtampo!"
Napatingin sya sa kasama ko "oh sir Shawn nandito ka pala" magalang na sabi ni manang
Napakamot ng batok si Shawn "opo manang, kamusta?"
"maayos naman, Tara at kumain na kayo" asikasong asikaso kami ni manang habang kumakain kami pero natigil rin ang paguusap namin nung dumating si Dylan
Masama ang tingin nya samin sa nagdadabog na kumuha ng Salad sa ref, abnormal.
"asshole" singhal ni shawn na agad kong sinaway, ayaw ni dad sa nagmumura habang nasa hapag kainan
Pinauwi ko na si shawn nung pagabi na, masyado syang nageenjoy sa bahay namin kaya tinapos ko ang kaligayahan nya hahhahha
It's been a long day.. Bigla akong napagod kahit wala naman akong masyadong ginawa...
--
The hck! Break na ang jadine at ang issue is nag cheat si hayme!! Please tell me that it's not true!!! Please...
YOU ARE READING
Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]
RomanceMahal ko sya tapos may mahal syang iba. cliché right? pero anong magagawa ko e ganyan talaga ang lovestory ko -,- sa storya ko na mukang ako pa ang kontrabida, sa storya ko na hindi ko alam kung may Happy ending pa.. paano nga ba ako magkakahappy en...