30 minutes bago sumapit ang 12:00 midnight ay nagsimula na tumutog para sa sweet dance. Isa isang tumayo at nagsayaw ang mga mag-asawa.. Ang sweet nila.
Nawala ang atensyon ko sa mga nagsasayaw nung biglang may naglahad ng kamay sa harap ko.
Si Keith!
Nakangiting tinanggap ko ang kamay nya at dinala nya ako sa gitna. Tumugtog ang piano at isang pamilyar na kanta ang tumugtog.. 'Best friend' by jason chen
nagkatitigan kami ng ilang segundo saka sya ngumiti, syet ang gwapo talaga ng bestfriend ko! sarap ilagay sa bulsa saka iuwi sa bahay! realtalk. dahan dahan nya akong iginanyang magsayaw sa ritmo ng pianong tinutugtog ang kantang iyon.
nakita ko ang pagbuntong hininga nya saka pilit na ngumiti at bahagyang nailing. hinapit nya pa lalo ako papunta sakanya kaya naman naging magkayakap na kami habang sumasayaw.
"Madalas tayong magkasama pero miss na miss pa rin kita, lagi tayong magkasama pero bakit parang ang layo layo natin sa isa't-isa?" mahinang sabi nya pero damang dama ko ang emosyon sa bawat salitang binitawan nya
nagiguilty ako, hays.. Nagkulang ako, hindi ko manlang inisip yung nararamdaman ng bestfriend ko! masyado kong inintindi yung mga kadramahan ko Samantalang yung taong laging nandyan para saakin ay nakalimutan kong tanungin kung okay pa ba sya, kung may problema ba sya.. masyado akong naging makasarili, hindi ko manlang naisip na may ibang tao pang mas mahirap ang pinagdadaanan kesa saakin. wala ka talagang kwenta Jemimah!
"keith..sorry" sincere na sabi ko
naramdaman ko ang bahagya nyang pagtango at mas lalong humigpit ang yakap nya "gusto kong maging masaya ka at kung hindi man ako ang makakapagbigay ng kasiyahan na iyon ay handa akong isuko ka jem.. hangga't nakikita kitang masaya Okay na ko, gusto kong lumigaya ka kahit na dahil sa iba kaya ka sumaya. b-basta.. basta ipapangako mong ako lang ang bestfriend mo, ako ang una mong pupuntahan pag may problema, ako ang una mong iiyakan pag hindi mo na kaya-- kasi Jem talikuran ka man ng lahat, nandito parin ako! yung bestfriend mo.. iloveyou jemmy"
ramdam na ramdam ko ang emosyon nya kaya naman nanggilid ang luha ko.. bago pa man ako makapagsalita ay iniikot nya na ako saka ipinasa sa taong nagiintay na makasayaw ako.
Shawn..
bakas parin ang dilim ng awra nya, siryoso ang mukha nya pero mas lalo syang gumwapo sa itsura nya.
"happy birthday" halos bulong na sabi nya
alanganin akong ngumiti at hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata nya
para akong paralisado...... na kahit na sumasayaw kami ay hindi ko maramdaman ang paggalaw ko, parang hinihigop ng mga titig nya ang lakas ko-- ang taong minahal ko ay nasa harap ko at kasayaw ko pero bakit wala akong maramdaman kundi para lang akong nakalutang?
hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko pero sa mga mata nya ay may bahid ng takot na hindi ko alam kung bakit ganon. yumuko sya at ipinatong ang noo nya sa balikat ko, naramdaman ko ang pagtulo ng luha nya sa balikat ko-- shit! bakit sya umiiyak
"shawn.." tawag ko pero umiling lang sya
"i-I love you" garalgal at halos pabulong na sabi nya "jem ako nalang ulit, parang awa mo na..ako nalang ulit! hindi na kita paiiyakin, gagawin ko lahat jem" kahit na mahina ay rinig na rinig ko parin ang pagsusumamo sa boses nya
umayos sya ng tayo saka tumingin sa mga mata ko.
parang nadudurog ang puso ko nang makita ko ang mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata. Shawn bakit kaba nagkakaganito? litong lito na ko sayo!
hinawakan nya ang isang kamay ko saka mabilis na hinalikan "hihintayin kita.. pagdating ng alas dose ay aantayin ko ang sagot mo, sa lugar kung saan may dalawang angel na nakatayo.. maghihintay ako" yan ang mga salitang binitawan nya saka ako inikot at ipinasa kay kuya kade na kanina pa ata nagiintay
gulong gulo na ang utak ko!
una, hindi ko pa nakikita ni anino ni Dylan
pangalawa, ang bestfriend ko
at pangatlo si shawn! anong ibig sabihin nyang kaylangan nya ng sagot ko.. saan sya pupunta?
nilingon ko ang dinaanan nya paalis at nakita ko syang papunta sa exit ng venue pero bago sya makalabas ay tumingin muna sya saakin, yung mga mata nya ay nangungusap na sumunod ako pero bago pa man ako makapag react ay ininganya na ako ni kuya kade na sumayaw.
nakangiti sya saakin kaya naman ngumiti rin ako.
"dalaga kana talaga" sabit ni kuya kade saka bahagyang napailing iling "at mas lalo kang gumaganda kaya hindi mo maiiwasang maguluhan kung sino ba talaga ang pipiliin mo.. dahil wala ka pang ginagawa
ay marami nang nahuhulog sayo.."
YOU ARE READING
Seducing my Sister's Boyfriend [JADINE FANFIC]
RomanceMahal ko sya tapos may mahal syang iba. cliché right? pero anong magagawa ko e ganyan talaga ang lovestory ko -,- sa storya ko na mukang ako pa ang kontrabida, sa storya ko na hindi ko alam kung may Happy ending pa.. paano nga ba ako magkakahappy en...