Chapter 16

223 21 6
                                    

Kapag sila Macy ang tropa, malulustay pala ang baga mo dahil sa alak. Kasi noong natapos ang final exams, nagkaroon na naman kami ni Shakeera ng night out with them. Ang ibig sabihin lang noon ay mag-iinom kami hanggang sa pare-pareho na kaming babagsak sa sobrang kalasingan.

Sinabi ko nang hindi na ako iinom at titikim ng alak pagkatapos noong nagawa ko kay Nectarine, pero hindi kami makalusot ni Shakeera dahil noong nag-aya si Macy ay exam ang dinahilan namin. Ang sabi ay pagkatapos na lang ng exam namin. At noong natapos na nga, wala na kaming kawala kay Macy.

Ayaw ko na sanang sumama talaga. Nakakadala kasi ang nangyari, at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako nakakapag-sorry kay Nectarine kahit ilang linggo na ang lumipas. Hindi ko na rin naman siya nakita, pero siyempre hindi ko naman makakalimutan ang nagawa ko. Nakakahiya pa rin kahit tila limot na iyon ni Shakeera.

"Go on, you deserve to enjoy after your hellish exam," Harminder said nang nagsabi ako na mag-iinuman kami nila Macy kaya kailangan ko agad umuwi. I can't stay longer with him.

May night class siya ngayon. Kaonti lang ang free time niya at inubos pa sa pagkain ng pizza kasama ako. Uuwi na rin ako dahil naghihintay si Rhianna sa condo. Nag-away yata sila ng boyfriend niya. Na naman. Tapos kailangan ko pa maghanda.

Shakeera must be preparing by now. Katulad ko ay tinatamad din siyang sumama. But Macy being persistent is the hardest to avoid. Wala kaming magawa dahil ayaw niyang hindi kami kasama mamaya. Not as if their enjoyment would depend on us. They just really want us to be there.

He told us that we will enjoy tonight dahil ang bar na pupuntahan namin ay iba sa lagi naming pinupuntahan nitong mga nakaraang buwan. I should be excited, but I don't feel anything.

Tama naman si Harminder. After the hellish final examination, I deserve to enjoy. Ang sikip kasi talaga ng schedule nitong mga nakaraang linggo, puro review at pasa ng requirements, wala nang time to tranquil. Ngayon na lang ulit ako nakahinga.

Eight and I'm all prepared. Magpapahatid ako kay Rhianna kahit mukhang wala siya sa mood. Hindi niya dapat ako idamay sa inis niya sa boyfriend niya. I was wearing a tank top and high-waisted plaid skirt. Mataas na naka-ponytail ang buhok ko at kompleto na ang make-up.

"Tara na, Rhianna," inaya ko na siya nang maging satisfied sa itsura ko. I saw her typing on the keyboard of her MacBook.

She looked at me under her glasses. "I'm busy."

"Utot. Gumagawa ka lang ng long essay para sa boyfriend mo, para suyuin ka niya."

"Wow. 'Yan ang gusto ko, 'yong hindi naniniwala sa 'kin."

Tumawa ako at nauna nang lumabas pagkatapos makita na tumayo na rin siya. Nagsuot lang siya ng slippers at sumunod sa akin. She doesn't look presentable in her oversized black shirt at shorts. Magulo pa ang pagkakatali ng buhok. She looks torment whenever she's not dealing fine with her boyfriend.

"Gaano na ba kayo katagal ng boyfriend mo?"

"Eight months."

Umawang ang labi ko. Hindi ko man lang nalaman agad na mayroon pala siyang boyfriend. The funny fact is that saka ko lamang napansin ang mga kilos niya noong nalaman kong may boyfriend siya. Even the smallest thing, nakikita ko na. Unlikely noong wala pa akong kamalay-malay.

And whenever she's telling me that she'll not come home dahil may gimmick sila ng mga kaibigan niya, alam ko na agad na sa boyfriend niya siya uuwi pagkatapos. Samantalang dati ay naniniwala ako na sa mga kaibigan niya siya makikitulog.

I haven’t seen or met Rhianna’s boyfriend yet. I also have no intention of being curious about him. All I want so far is to hide my feelings for Harminder. Shakeera knew but she was also quiet. And I really wonder if I'll still be safe when Macy finds out. Kasi aaminin ko na madaldal siya. Lahat ng nalalaman niya ay sinasabi niya sa mga kaibigan niya.

Lies in the Past (Alimentation Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon