"Is he messaging you?"
"Sino?"
"Macy's friend."
Mabilis akong umiling. "No. Nag-usap lang kami mga one hour, and that's it. Why?"
"Nothing." He silently replied and get some tissue from the table and wiped the side of my mouth. Bigla akong natigilan sa pagnguya ng pizza. "Is it true that the guy likes you?" Habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Pinanood ko si Harminder. Mula sa pagpupunas sa gilid ng labi ko, pagtatapon ng tissue sa basurahan at pagtitig sa akin. Ang bawat kilos niya ay parang wala lang sa kaniya, na para bang normal na lang at awtomatikong kumikilos ang mga kamay niya para punasan ang gilid ng labi ko kapag may nakikita siyang dumi roon.
Ganoon siya lagi. Norml na normal sa kaniyang maging ganoon. Pero never ko namang nakita na ginawa niya iyon sa ibang tao. At nakakabaliw dahil tuwing ginagawa niya ang mga ganoong bagay, awtomatiko ang pagwawala ng puso ko. It seemed untrue at hindi ko kayang pigilan ang sarili kong makaramdam ng kung ano-ano.
Mabilis akong tumikhim. "No. Macy introduced me to him, and we talked mostly about the girl he likes. Hindi niya ako gusto, kaya kung ano man ang sinabi ni Macy na weird, don't believe him."
After an hour, naging kalmado na ako kahit papaano. Iyon nga lang ay hindi ko pa siya totally matingnan diretso sa mga mata. Nahihiya ako kahit sinabi na niyang hindi na namin pag-uusapan ang tungkol sa kiss kung ayaw ko talaga.
Hindi naman puwedeng hindi totally namin pag-uusapan. I just have to collect all the courage first. Hindi kasi ako nag-isip maigi, at bigla na lang gumawa ng desisyon na hindi ko naman kayang harapin at panagutan pagkatapos. I can't even talk about it now without my face heating up.
"Dapat lang," mahina niyang sinabi at nag-angat nang kilay. "Why would he even introduce you to him?"
Nagkibit ako ng balikat. Mariin kong kinagat ang pizza at nilapag iyon sa plate ko para kuhanin ang inumin ko. Harminder's watching me nonchalantly. Ganoon din ako sa kaniya, palaging nakamasid na para bang magdi-disappear siya kapag hindi ako tumitig.
"Hindi ko alam. Basta na lang niya ako pinakilala, wala na akong nagawa."
"Are you moved on from Kent?"
Halos mabilaukan ako sa tanong niya, naibuga pa ang kaonti sa nainom ko. Mabilis kumilos ang mga kamay niya para punasan ang basa sa bibig ko, nang bigla kong inagaw ang tissue para ako na ang gagawa. I swallowed hard.
Bakit naman kasi bigla-bigla niya akong ginugulat sa mga tanong niya? Napatingin ako sa table na sumalo sa naibuga kong inumin. Mabilis ko iyong pinunasan.
"Excuse me, matagal na akong moved on sa kaniya. Hindi ka ba aware?" Nang nakabawi na ako sa gulat. "Matagal ko na siyang hindi gusto." Kahit parang hindi ko naman talaga siya totally nagustuhan.
"Weh?"
Sinimangutan ko siya. "Oo nga. Mas marunong ka pa, ah?"
He smiled. "Go finish your pizza. Uuwi na tayo."
"Agad-agad?" Namilog ang mga mata ko. "Isang oras pa lang tayo rito, ah?"
Mabilis kong inubos ang isa pang slice ng pizza. This is the last one. Sunod-sunod ko iyong kinagat dahil sayang naman kung matitira. Eight pieces iyon sa isang box at tatlo lang ang nakain niya habang ako ay lima! Kasalanan ko bang paborito ko ang pizza?
"Magre-review pa ako for tomorrow's exam."
Maaga akong natulog kaya maaga rin akong nagising kinabukasan. Ito iyong nagising ako na magaan ang pakiramdam ko at walang iniisip na deadline. I didn't bother Harminder last night because he still needed to review. I really don't want to disturb him when it comes to studying.
BINABASA MO ANG
Lies in the Past (Alimentation Series #2)
RomanceALIMENTATION SERIES #2 Lemonade wants nothing more than to be liked back by the man who promised her that he will marry her when they grow up. Is that still all she wants now that Harminder has entered her life? He was the kindest guy she had ever m...