Chapter 25

236 18 6
                                    

Kumain kami sa labas ni Shakeera pagkatapos mag-enroll. Kaming dalawa lang dapat, pero nang nakita namin si Macy sa campus, inaya namin siyang sumama. He immediately agreed. Siya na rin ang pumili kung saang restaurant niya kami dadalhin. Wala rin naman kasi talaga akong suggestion, at mukhang ganoon din si Shakeera.

Mag-isa si Macy nang nakita namin. I don't know how's that happened. I was used to seeing him being accompanied by his friends, and seeing him alone is just really surprising. Pero hindi ako nagtanong kung bakit siya mag-isa.

Sumakay kaming dalawa ni Shakeera sa kotse niya. He knows how to drive, and he has his own license. Nasa shotgun seat si Shakeera at nasa backseat naman ako. Habang nasa byahe ay nag-kwento si Macy sa naging bakasyon niya.

"Dalawang linggo lang ako sa Palawan. Nabadtrip kasi ako kaya umuwi na ako, iniwan ko ang iba kong kaibigan doon," aniya habang nakatingin sa kalsada. "Mag-isa nga akong nag-enroll dahil hindi ko sila pinapansin hanggang ngayon."

"Bakit naman?" Shakeera asked him. She was curious.

Umismid si Macy. "Nalaman kong naiinis pala sina Zylene at Mercie sa akin. Nilalandi ko raw ang mga lalaki sa tropa! Tangina."

"Baka naman kasi totoo, Macy?" Nakataas ang kilay ni Shakeera pero natatawa.

"Hoy, gaga! Hindi ko iyon ginagawa kapag alam kong taken na ang tao, o kaya ay tropa. I respect our friendship. I know who to flirt and I shouldn't. That was why I was offended by their imputation."

Hindi naman talaga si Macy iyong tipo ng gay na malandi. We had been in several parties together at kung saan-saan lang siya nakakarating dahil sa dami ng mga kakilala niyang kailangan niyang batiin lahat. Pero never did I see him flirting with some random boys. Kaya tingin ko he is not flirty naman. And being friendly is different from being naturally flirt.

"Pinagtulungan nila ako kaya lalong gusto ko na umuwi. After everything I found out, wala na akong balak pakisamahan pa sila," he added. "Ang bait-bait ko sa kanilang lahat, pinagbibigyan sa mga gusto nila. Tapos malalaman kong sinisiraan pala nila ako sa iba kong kaibigan? Grabe."

"Sinisiraan ka nila?" Hindi ko napigilan ang sarili kong mapasabat.

"Oo. Si Meico ang nagsabi sa akin, iyong kaibigan ko sa Chowden. Sinisiraan daw ako sa kanila ni Gen. Ang sabi pa nga raw ay ginagamit ko lahat ng taong kilala ko para raw sumikat ako." Sarkastiko siyang tumawa. "Hindi ko maintindihan ang ugali ng mga taong iyon. Akala siguro nila ay hindi makakarating sa akin ang mga sinasabi nila kapag nakatalikod ako."

"Ay, grabe naman pala sila sa 'yo. Matabil talaga bibig niyan ni Gen, kaya hindi ako komportable sa kaniya," Shakeera said. Napatingin ako sa kaniya. "Minsan nga ay naririnig ko sila ni Zylene na pinag-uusapan ka kapag wala ka sa table natin tuwing nagpupunta tayo sa bar."

"Kaya nga, Shakeera! I thought they see me as their friend. Lagi kaming magkakasama, at sila iyong lagi kong inuuna. But now, after what they have done to me, sorry pero I am no longer their friend. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong sinisiraan ako sa mga kaibigan ko."

"Sus, hayaan mo na 'yan sila. Madami ka namang kaibigan diyan sa tabi-tabi, Macy. Hindi sila kawalan." Ewan ko rito kay Shakeera kung ano ang balak niya. "They don't deserve you. Ang bait-bait mo kaya!"

"Pero ganoon talaga. Kahit gaano ka pa kabait sa ibang tao, you won't receive the same amount of kindness you've poured."

"Correct ka, Macy," sabi ko. "It's always like that."

Kaya nagkasundo kaming kumain ng marami dahil panay ang pag-uusap namin. Masaya naman talagang kasama si Macy. He was talkative and he has lots of stories to tell. Nakakatawa rin kapag tumatawa na siya. Ang weird kasi sa pandinig at nakakatawa talaga. Nadadamay na lang ako sa tawa niya kahit wala namang nakakatawa sa kwento niya.

Lies in the Past (Alimentation Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon