Chapter 27

171 14 0
                                    

"What time will your last class end?"

"Hmm. Probably eight-thirty, Dad. Why?" I sipped on my Starbucks coffee. Paakyat na ako sa huli kong class.

It's exhausting. Today is Macy's birthday at mamayang gabi ang party niya, pero may klase pa ako! Nakalimutan ko nga na may night class nga pala ako ngayong araw. When I looked at my schedule to check, I was surprised to remember that my last class will end around eight. Night class tapos three hours pa! Kairita.

"Really?" I heard my father's voice from the other line. "Seven ang flight namin. Your Mom's hoping na makakahabol ka pa."

"Dad, I can't." I sighed. "Sunday lang po ang free day ko at hassle kung sasama ako sa inyo ni Mommy sa Calamina. Then babalik na naman ako rito sa Sunday night."

"I talked to her already, na-explain ko na, pero umaasa pa rin siya. But don't worry, I understand you."

I ended the call dahil nasa tamang floor na ako. Tinapon ko ang basura sa nadaanang trash can at dire-diretsong pumasok sa room kung saan ang huling klase ko. This is really tiring. At mukhang aantukin na naman ako. Hindi lamang naman ako nag-iisa dahil mukhang inaantok na rin si Shakeera.

I typed a message for Harminder. Nagsabi na rin kami kay Macy na mahuhuli kami dahil may klase pa. Wala naman siyang magagawa.

Ako:

Where are you? Nasa room na ako right now.

"Sobrang nakakaantok," sabi ni Shakeera at nag-unat. "Kailangan kong lakasan loob ko dahil hanggang eight pa tayo rito."

"Mali-late tayo sa party ni Macy," I said, matter of fact. I was just reminding her.

"Kaya nga, e. Uuwi pa tayo para mag-ayos at magpalit. Anong oras na kaya tayong makakapunta?"

"Siguro mga ten," I joked. Hindi naman siguro aabot ng ganoon.

Malalim ang buntong hininga ni Shakeera. She was looking down on her phone. Wala pa ang instructor namin. Pero medyo marami na kami sa room. Ang ibang kasama namin ay irregular students yata.

"Macy have a lot of friends, Lemonade! Grabe, thousand na ang bumati sa kaniya sa Facebook account niya. I'm sure madaming tao mamaya sa party niya."

Social butterfly, it's Macy. Nakakahanga talaga siya sa sobrang daming kilala kahit sa ibang school pa. Dito pa lang nga sa mismong university namin ay tuwing lumalakad siya marami nang bumabati sa kaniya. And because she was always the organizer of the students parties, mas madami pa siyang nakikilala at nagiging kaibigan.

Plus, noong nasa Chowden University pa raw siya ay naging president siya ng journalism club noong highschool siya. Magaling din naman kasi talagang makisama si Macy sa mga tao. No doubt na marami siyang kaibigan.

"Bakit nagugulat ka pa?"

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang ang sikat niya lang."

I understand why Gen and her friends are pursuing Macy. Gusto nilang bumalik 'yong tao sa kanila at sinusuyo nila. Pero ayaw na talaga ni Macy. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang nangyari sa Palawan. Nag-so-sorry pa rin nga sina Mercie sa kaniya until yesterday.

Harminder:

I'm planning to go home. I'll study while waiting for your class to end. I'll fetch you.

Pumangalumbaba ako habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Was he feeling well now? Bumalik na kaya muli ang lakas ng kanyang loob? I made him understand last night before we separate ways that his feelings are valid.

There's nothing wrong if he feels like he wanted to give up and just end his studying because he was feeling so tired. Pero nilinaw ko rin sa kaniya na kung pangarap niya talaga na maging doctor, hindi siya dapat sumuko.

Lies in the Past (Alimentation Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon