The everyday routine stayed. Maaga akong gigising para mag-agahan, kakausapin si Harminder before he goes to the restaurant, and when the afternoon comes, pupunta na ako sa rancho para mangabayo. Ilang oras akong mag-iikot sa kung saan-saan at pag-uwi ay mag-uusap muli kami ni Harminder until we both fell asleep due to tiredness from our whole day activities.
Kahit na paulit-ulit lang naman ang nangyayari, hindi ko maramdaman na nabo-bored ako. Actually, I'm enjoying. Natuto akong mangabayo at madalas akong nasa maisan o kaya ay nagpupunta sa falls para magpahinga sandali.
I love what I'm doing. I couldn't get tired of my activities everyday. At isa pa, sa ganda ng Calamina, imposible talagang magsawa ako sa ginagawa kong pamamasyal. Kung saan-saan na nga ako nakakarating without Legume's assistance.
Noong una ay palagi ko siyang kasama dahil hindi niya ako puwedeng iwan, lalo pa at baguhan pa lang. But since I know now how to be with just myself and Lucinda, my horse, he let me travel alone. Nakiusap din ako kay Daddy na huwag nang pasamahin si Legume sa akin dahil mas kailangan siya sa building.
Araw-araw may delivery ng manok. May dumadating din na truck para sa order. Nitong huling araw nga ay mahigit isang libo ang nilabas na manok sa building, dadalhin sa Maynila.
Nangako ako sa sarili ko na babalik ako rito sa Calmina kasama na si Harminder. I will not let him not see me riding a horse! Or having him sitting behind me while the horse is running! Kailangan namin maranasan ang pagsakay sa kabayo together.
Gabi-gabi kong binibida kay Harminder ang maghapon kong ginagawa. He was just listening to me while his eyes were closed. Pagod kasi siya sa maghapon niyang duty kaya kinu-kwentuhan ko na lang siya. Nagpapaalam naman siya bago matulog kaya alam kong nakikinig siya sa mga kwento ko at hindi siya nakakatulog.
Kung ano-ano lang din naman talaga ang sinasabi ko. I don't even know if he is interested or just simply listening.
"You're not interested in my story," I said when I noticed that he was just always closed eyes everytime I'm talking.
"No, I'm listening," mabilis niyang sagot pero nakapikit pa rin.
Sumimangot ako. "Kaya nga. You're just listening, but you don't seem interested."
"Huh?" Binuksan niya ang mga mata at tumingin sa akin. His eyes bloodshot. "I wouldn't listen if I'm not interested hearing your stories."
"Sus!" Umirap ako sa kaniya. Pareho na kaming nasa kama at magka-video call. My phone is in front of my face. I could see him properly. "Just tell me if you find my stories boring. Paulit-ulit na lang din naman kasi--"
"No, Lemonade. I love hearing your stories. It's never boring. In fact, I was happy because I can hear your voice."
"Wow. 'Yan ang gusto ko, inuuto ako."
"Hindi kita inuuto." Diretso ang tingin niya sa akin mula sa screen. "I'm not just interested in you. I'm also interested in your happiness."
"Uuwi na ako next week," pakiming sinabi ko na lang. Start na kasi ng enrollment for Architecture. Kahapon ko lang nabasa na mag-o-open na for enrollment. College of Sciences is scheduled during the second week. Kasabay nila ang Tourism sa schedule. "Maybe Tuesday."
"Tuesday?" Gumalaw siya para bumaling sa bedside table. Nakita ko siyang tumingin sa mini-calendar na naroon. "I was scheduled to go surfing with Radish that day."
"Edi go," sabi ko.
"What time will you go home?"
"Depende, pero baka afternoon nasa Maynila na ako."
"I'll see you then on Tuesday?"
"Akala ko ba may schedule ka with Radish? We can just meet on Wednesday."
BINABASA MO ANG
Lies in the Past (Alimentation Series #2)
RomanceALIMENTATION SERIES #2 Lemonade wants nothing more than to be liked back by the man who promised her that he will marry her when they grow up. Is that still all she wants now that Harminder has entered her life? He was the kindest guy she had ever m...