"Bilisan mo na mag-aral tapos dito ka na rin sa Norway!" Humalakhak si Shakeera sa kabilang linya. "Masaya rito, sa Pilipinas hindi masyadong in demand ang architects."
Last four months lang nang nagkausap na kami. She was crying after she hears my voice. Narinig naman na raw niya kay Harminder na bumalik na ako, but hearing my voice is literally a different things to be happy about. I found out that she went overseas to take another opportunities.
Nasa Norway si Shakeera. After she passed the board exam, three years din siya sa Pilipinas hanggang sa she decided na mag-take ng ibang opportunities sa ibang bansa. At ganoon din si Macy. Nasa Canada naman siya. Mukhang nag-usap ang dalawa na sa ibang bansa sila magta-trabaho.
Hindi ko rin sila makasama kaya sa calls na lang kami nag-uusap. Pero nangako sila na pagbalik nila rito sa Pilipinas ay sabay-sabay kaming masusunog sa alak. Ibang-iba na ngayon. Kung dati madalas kaming lumalabas nang gabi, ngayon hindi na pu-pwede ang ganoon.
Totoo pala na habang maaga at may pagkakataon pa, sulitin na. Dahil hindi alam ng bawat isa kung ano ang nasa hinaharap. Parang ngayon. Hindi na sila makauwi sa Pilipinas at makapag-inom dahil may trabaho silang dapat unahin.
"Papayagan ba ako ni Harminder na pumunta riyan para mag-trabaho?"
"OMG, oo nga pala! Mukhang imposible na makasama kita rito, ah."
Hindi ako puwedeng umalis dahil nasa Pilipinas ang buhay ko. And I can't leave everything in Keegan's shoulder. Tuwing wala ngang pasok ay pumupunta ako sa Calamina. Umuuwi na lang kinabukasan bago ang klase. Sa opisina na rin ako minsan nakakapag-review para sa recitation. I just really need to put so much effort.
"Kailan ka ba uuwi?"
"Sa susunod na taon pa. Mahihintay mo ba ako? Don't get married yet, dapat makapunta ako!"
I laughed at what she said. "I'm not getting married yet, don't worry. Hihintayin ko kayo ni Macy."
"That's good. Anyway, binura mo na ba 'yong friendship tattoo natin? Mine was still here."
Napakapa ako bigla sa bandang dibdib ko. "Nandito pa rin ang akin, Shakeera."
Never kong naisip na ipa-cover. Tagong-tago naman iyon at maliit lamang. Natutuwa pa nga si Harminder kapag nakikita 'yon. Matagal na pero hindi nag-f-fade. Lagi niyang hinihimas with his fingers. The tattoo brings so much memories of the past.
"I'm going to ask Macy nga pala, baka tinanggal na niya ang kaniya. Forever na 'to rito sa dibdib ko."
"He was already called 'Michael', 'di ba?"
"Oo!" Malakas ang halakhak ni Shakeera. "Hindi na pu-pwede ang Macy roon. Pero alam mo ba... marami raw guwapo sa Canada."
"Edi tuwang-tuwa naman si Macy?"
"Sus, buong isang buwan niya nga roon ay puro guwapo ang laman ng kwento niya. He even told me once na gusto niya raw landiin iyong surgeon sa ospital na pinag-ta-trabahuhan niya."
Hindi ko napigilan ang tawa. Ibang klase talaga si Macy. Pero understandable naman na ganoon ang reaksyon niya dahil siyempre people in Canada are different. Naninibago rin siguro siya noong una.
Hindi ko halos napansin ang oras dahil sa pag-aaral. Gusto nang pumikit at sumuko ng mga mata ko pero hindi pa ako natatapos sa pagbabasa. Kailangan ko pa itong tapusin dahil baka matawag ako bukas sa recitation. Bigla-bigla pa naman humuhugot sa index card si Architect Makasi.
Nahirapan akong mag-adjust noong una dahil most of the time, nalalaman kong ako ang pinaka-matanda sa klase namin. Pero mas approachable at polite ang kaklase ko dahil mas may edad ako kaysa sa kanila. Given na maging respectful sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Lies in the Past (Alimentation Series #2)
RomanceALIMENTATION SERIES #2 Lemonade wants nothing more than to be liked back by the man who promised her that he will marry her when they grow up. Is that still all she wants now that Harminder has entered her life? He was the kindest guy she had ever m...