We're all trying to forget what happened. It was all Shakeera's wish. Kaya kahit gusto namin na huwag niyang balewalain ang harassment sa kaniya, wala na kaming nagawa noong nagmakaawa siyang huwag nang pag-usapan ang tungkol doon.
Hindi na rin naman lumitaw ang lalaki. Pumapasok pa rin si Kent pero araw-araw yatang kinakabahan si Dexter. Baka raw isang araw ay may pulis na lang na biglang dumampot kay Kent. Nag-o-overthink siya, ang sinasabi ay hindi naman nga raw sigurado kung hindi ba talaga napatay ni Kent ang lalaki. Kasi sa lagay niya noong nilayo siya ng mga concerned citizen, humihinga pa pero severe ang mukha. Duguan ito, at parang nasa bingit na rin ng kamatayan talaga.
Kahit ako ay kinakabahan din lalo na kapag nagsisimula nang mag-overthink si Dexter. Naging usapan din sa Summerfield University ang ginawang iyon ni Kent. Kalahati rin sa bisita ni Macy ay galing dito at naging hot topic na naman ang pangalan ni Kent.
Shakeera was trying her best to move forward. Pero kahit hindi niya sabihin, alam kong naaapektuhan din siya sa mga iniisip ni Dexter. Parang biglang nagulo ang mga isipan namin at araw-araw kaming kinakabahan at natatakot sa mga posibleng mangyari.
Madalas ko rin siyang nakikitang tulala. She was... traumatized. Hindi niya makalimutan ang nangyari. Hindi niya matakasan. Malaki ang naging epekto sa kaniya ng pang-ha-harrass sa kaniya ng hindi na namin nakilalang lalaki.
I don't understand why everyone around me suddenly changed. Kahit kasi si Harminder ay napapansin kong hindi pa rin bumabalik sa kaniyang usual self. Hindi na nawala sa kaniya 'yong bigla-bigla siyang natutulala at malalim ang iniisip. At kapag nagtatanong ako, sasabihin niya ay ayos lang siya. Kahit alam at ramdam ko na may bumabagabag sa kaniya.
Paulit-ulit ang routine. After my latter class, magkakaroon kami ng study date ni Harminder sa coffee shop na malapit sa Summerfield University, doon sa palagi ko siyang nakikita dati umagang-umaga at nag-aaral. Pero hindi ako nagpapahatid sa kaniya pauwi sa bahay dahil ayaw kong ma-hassle pa siya.
Naiinis talaga siya kapag pinipilit ko siya na huwag na akong ihatid dahil susunduin naman ako ni Kuya Danny. He wants to do everything for me. Wala siyang pakialam kung masyadong malayo ang bahay namin sa condo niya. I just really don't want to tired him too much. Kung kukuhanin ko lahat ng energy niya, baka hindi na siya makapag-aral pa pag-uwi sa condo. He was studying alone as well.
"It's been... two months," mahinang sinabi ni Macy. Nakapangalumbaba siya at parang malalim ang iniisip. Nagkita lang kami sandali sa coffee shop inside SU.
"Hindi mo pa rin ba siya nahahanap?" I slowly asked. Shakeera told us to stop mentioning the incident at Macy's birthday party. Pero alam ko naman na hindi tumitigil si Macy kakahanap sa lalaki. He is also not reassured until he knows if the man is still alive.
"I checked the CCTV cameras sa venue and saw his face, but I don't know him, Verity Lemonade. Nagtanong na ako sa mga kaibigan ko kung kilala nila, pero wala ni isa sa kanila ang nakakaalam sa pangalan."
I suddenly remembered Dexter's face. He's scared for Kent, while Radish keeps telling him to calm down. Macy, on the other hand, is determined to find out the man's situation for him and Dexter's comfort. Para bang hindi sila mapapalagay hangga't walang alam sa lagay ng lalaki.
"Maybe he was fine and didn't report what Kent did to him," I said. Looking at the possibilities. "And if he does die, the first thing his family will do is find out the cause of his death, or who killed him. But so far, nothing weird is happening. So maybe he just doesn't want to make things worsened."
Malakas na umungol si Macy. "Ugh! This is really stressing! Gusto ko na rin makalimot, but how can I do that? It happened at my own party. Hindi ko kayang magbulag-bulagan at basta na lang makalimot, Verity Lemonade." He said, massaging the center of his head. "But maybe, it's better for me to forget about that too," he sounds unsure.
BINABASA MO ANG
Lies in the Past (Alimentation Series #2)
RomanceALIMENTATION SERIES #2 Lemonade wants nothing more than to be liked back by the man who promised her that he will marry her when they grow up. Is that still all she wants now that Harminder has entered her life? He was the kindest guy she had ever m...