PSA 31

185 7 4
                                    

photo credits to the pic at the multimedia :)

Maris' POV
"Huy gising Maris!" Napadilat ako. Isang masamang panaginip lang pala. Salamat naman.

Inikot ko ang mata ko sa paligid at natagpuan din nito ang pamilyar na gate ng bahay...at ng nakapamewang na si Kuya Fourth. Uh-oh. Umikot si Joshua at pinagbuksan ako ng pinto at bumaba nako. He's getting extra sweet and I'm kinda bothered to it.

"Alas kwatro pasado ng umaga. Uwi ba 'to ng isang matinong babae Maris?" Napanguso ako. Siya din naman eh. Dati nga halos di na siya umuwi pero di naman nagagalit sila Mama so abnormal siya? Oh well hindi nako sasagot kasi baka mayari pako.

"At ikaw naman Joshua-"

"Kuya! Hinatid niya lang ako." Naiinis kong sabi. Ang OA talaga nito ni Kuya sakin. Kung hindi ko lang 'to kapatid iisipin ng iba boyfriend ko 'to eh.

"Bakit?" He laughed a little. "I was just going to thank him. Hahaha ang OA mo Maris ah." Sabi ni Kuya at humarap kay Joshua. "Ikaw naman Juswa,salamat sa pagiging driver nitong kapatid kong artistang hilaw ha? Pero hindi mo na kailangan gawin yun. Pwede naman siyang tumawag sakin para magpasundo." Sabay tingin niya sakin ng masama at umiiling at baling uli kay Josh. "O sige ingat sa pag-uwe."

Nagpaalaman na at didiretso na sana ako ng kwarto ng tawagin ako ni Kuya. Umupo siya sa sofa at ako naman ay pagod na tinaasan siya ng kilay.

"Ay ang taray na ng kapatid ko porket magaartista na?" Pang-aasar niya. Umirap lang ako at umupo sa tabi niya at sinandal ang ulo ko sa headrest at pumikit. Argh what a tiring day.

"Kuya,masaya ako sa ginagawa ko."

"Alam ko. Kaya nga di kita pinipigilan diyan kahit namimiss ko na makita yang nguso mo dito sa bahay eh. Pero paalala lang ah,ihanda mo ang sarili mo sa mga masasakit na salita mula sa haters. Lalo na kasama mo pa yang sikat na artista. Manolo ba yun?"

Dumilat ako at tumango sa kaniya. Ayan nanaman si Manolo na binibisita yung utak ko kahit inaantok na.

"Wh- teka? Manolo. Diba yun yung idol mo?!" Nanglaki yung mata ni Kuya sakin.

"Yup."

"Hahaha tangina kaya pala okay lang mapagod ka. Kinikilig ang kapatid ko?!"

"Kuya stop it. Mura pa more. Hindi kaya. Syempre oo masaya ako pero ano kaba,may girlfriend na yung tao."

"Hahaha reasons. Basta pag kailangan mo ng poging kuya ever nandyan lang ang number ko. Kahit nakikipag-date pako sa chicks-"

Sinapak ko nga sa braso. Ang yabang talaga hahaha.

"Hahahaha can you not?!"

"Tss. Pwera biro,nandito lang ako Maris ah. Oh sige tulog na." Tumayo na kami sa sofa at hinalikan niya ako sa noo.

***

Maaga akong nasa set dahil kailangan namin ng maaga. Madami-dami kaming scenes na gagawin dahil malapit nading matapos yung movie. Mine-make-up an ako ng may tumawag sakin.

Unknown number.

Caller: HELLO MARIS?"
Yes si Maris po 'to. What can I help you?"
Caller: Mama 'to ni Joshua. Ano kasi eh,n-nasa hospital siya" biglang humagulgol yung nasa kabilang linya kaya nagpanic ako.
ANO PO?!! Baka naman nangloloko ka lang totoo pa ba yan sino ka ba?" ayokong maniwala. kinakabahan ako sa mga posibilidad.
Caller: P-pumunta ka nalang dito sa ospital please. Ikaw ang gusto niyang makita at dito ko ie-explain lahat pwede ba?"
O-opo! Anong ospital po yan? Ah sige po parating na ako."

Para Sa AtinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon