PSA 32

76 2 1
                                    

Loisa's POV

"Ano bang nangyari sayo Joshua?!" Bungad ko pagpasok niya pero nabura agad yung mga ngiti sa labi niya. Ngiting isang tao lang ang kakayahang magbigay sa kaniya. Walang iba kundi ang bestfriend ko,dati.

Habang sinisilip ko ang paguusap nila kanina,mukhang ang saya saya ni Joshua. It looks like he never loved me. Ang sakit masampal napg katotohanan na hindi ko man naririnig ang pinaguusapan nila,kitang-kita naman sa mukha ni Joshua ang saya.

"Nothing serious. Why are you here ba?" He's trying his best not to be rude. Ang sakit lang malaman na talaga palang ayaw na niya sakin.

"Can't you see?! Nagaalala ako! I've cut my classes for you then this?! A cold treatment from you,wow."

"Alam mo kung susumbatan mo lang ako,hindi ka na sana pumunta. Isa pa,wala namang may kailangan sayo dito eh." Then that's the time when he pushed my button. I cry,hard. Halos lahat ng luha na kinipkip ko simula ng natapos kami,ngayon ko nilabas.

I looked at him. But I saw no emotions in his face. Para bang wala siyang paki kahit magpakamatay ako sa harap niya.

"Josh! For God's sake! Hindi mo alam kung gaano kita kamahal! Putangina hanggang ngayon! Kahit sobrang sakit! Sobrang sakit na malaman na yung dati kong best friend ay siya parin pala yung mahal mo! Tanggap ko namang rebound lang ako pero bakit siya? Bakit siya pa Joshua?"

Ngumiti siya ng matipid at pinunasan agad ang luhang tumulo mula sa mata niya. "Hindi ko rin alam,Lois eh. Di ko rin alam. Kahit ang sakit sakit din malaman na never niya akong mapapansin. Kahit ilang beses ako sampalin ng katotohanan na hanggang kaibigan lang ako,ayos lang. Kahit papiliin ako ng babaeng mamahalin ako ng sobra kesa sa kaniya,mas pipiliin ko padin magpakatanga."

Naiingit ako. Ang swerte mo Maris. Sobrang swerte mo. You make him fall in love with you hard without even doing a thing. Eh ako nga tong palaging nandyan sa kaniya walang puwang para sa puso niya eh. Sana ako nalang ikaw.

Nagpunas ako ng luha at ngumiti. Nagpanggap na okay lang sakin kahit ngumalngal ako kanina. "Ah- Sige. Pagaling ka ha. Pagdadasal kita." Tinalikuran ko siya at hindi pinakita ang panibagong luhang nagbabadyangt tumulo.

Saktong pagkalabas ko,nakasalubong ko si Maris na may dala-dalang mga supot. Hindi nakapagtatakang minahal siya ni Joshua. Ang ganda ganda,ang bait. Malayong-malayo sakin.

"Oh look,I'm hearing a sound right now. Ssssssnake?" Sabi ko at yumuko lang siya at patuloy na naglakad pero hinarangan ko siya.

"You know what Loisa? It's so cheap for us if we fight in this kind of place and situation. So please." Sabi niya at tinignan nako.

"Wow. Ikaw nanaman ang magaling. Ikaw nanaman si Miss Perfect. Ang galing mo din eh no?! Ayan congrats. Ikaw na ulit yung mahal niya. Ano Maris? Ganoon ka na ba kainggit sakin at desperada ka nang masaktan ako kaya kinuha mo siya sakin?!"

Tinitigan niya ako at umiling,

"Anong sinasabi mo Loisa? Una sa lahat wala akong kainggitan sayo dahil di ako ganung tao! Masaya ako sa achievements mo sa buhay at never kong hinangad na maging ako ikaw. Pangalawa hindi ko kasalanan na mahalin ni Joshua! Sinakripisyo ko ang pakiramdam ko para sayo dati,pero sobra na para pagbigyan kita sa mga bintang mo! Alam mo,bakit hindi ka nalang mag-move on? Ng sa gayon wala ka nang masagasaang tao!" Binangga at nilampasan niya ako.

Naiiyak ako. Na-realized ko yung ginawa ko bigla. I just fought with my "best friend" Pero bakit nga ba ako may pake?! Mula ngayon wala nakong paki sa mga nararamdaman ng tao sa paligid ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Sa AtinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon