PSA 15 (Special Chapter)

346 10 0
                                    

Unreal

Maris' POV

Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang bigat din ng mata ko. Parang... Parang....

"Dok!! Dok!!" May narinig akong tumatawag. Wait? Kala ko ba nakila Jai ako? Pero dumilat ako. Puti ang paligid. Tanging mga malalaking tubo at oxygen tank lang ang nasa tabi ko. At may cross na naka-kabit sa taas ng kama ko. Asan bako??

"Maris Anak!" Sumigaw si MOMMY. Teka?! Nasa ospital ako?! O_O May pumasok na mga doctor at nurse.

Marami din silang ginawa. 3 Hours ata. Lumabas sila at si Mama naman ay tumakbo sakin.

"Anak.." Sabi ni Mama habang tumutulo ang luha.

"Ma? Bakit ako nasa ospital? Nasan po si Manolo? Si Fifth? Diba nasa bahay ako nila Jai? Panong napunta ako dito?" Sabi ko kay Mama. Nagtaka naman ako dahil lalo syang umiyak.

"A-anak. 3 months ka nang comatose. Nabangga ka nang truck nung umuwi kayo ni Loisa mula sa Mall Show ni Manolo months ago..." WHAT THE HELL?! No! Nag-sleep over pa nun sa bahay ah! -_-

"No Mama. Totoo po yun. Pumunta pa nga tayo sa business meeting nil--"

"No anak. Sabi ni Doc,may possibilities talaga na mag-hallucinate ka. Na mag-imagine ka at maniwala sa sinasabi ng utak mo.Pwedeng maghalo-halo sa utak mo ang totoo at hindi. Walang manolo anak. Hindi nya alam na nag-eexist ka. Hindi kayo magkakilala." Sabi ni mama habang umiiyak paren.

"NO MA! NO!!!!" Hindi! Hindi pwede! Everything looks so real.

"Tita! Maris!" May biglang pumasok sa kwarto ko. Si Loisa pala.

"Loisaaaaa! Tell Mama. Diba magkakilala kami ni Manolo? Finollow nya ako sa twitter at nag meet na kami sa starbucks before!" Sabi ko habang umiiyak naden. Hindi. Hindi pwedeng maniwala ako sa mali.

"M-Maris. Oo nameet naten sya. Pero hindi ka nya kinausap o tinignan man lang. Sorry Maris...." Sabi ni Loisa at umiyak.

"Maiwan ko muna kayo girls. I'll call your Kuya Fourth and Dad Maris. Tas didiretso kami ng 7Eleven para may hapunan dito." Sabi ni Mama at lumabas.

"Loisa.. Loisa bakit ganto? Feeling ko totoo?" Sabi ko.

"Maris. Im sorry. May wild kasing fans na natulak ka kaya ka nasagasaan ng truck. Mukang totoo ang lahat pero hindi." Sabi nya.

"Loisa,can you do me a favor?" Tanong ko. Medyo nahimasmasan nako.

"Anything." Sabi nya.

"Can you tell if its real or not? You'll say no if not and yes if it is. Okay?" Sabi ko at nagsimula ng magtanong.

"Totoong nag-shopping tayo after ng mallshow?"

"Yes."

"Totoong finollow ako ni Manolo?"

"No."

"Totoong lumipat sya ng Oxwills?"

"N-no."

"Totoong nag-date kami at hinarana nya ako kasi di nya ako natawagan?"

"Sorry n-no."

"Totoong na-meet ko ang bestfriend nyang si Fifth?"

"N-no."

"Ano pa bang totoo Loisa?" Sabi ko. Feeling ko,lahat ng nagyayari mali.

"Ako. Si Kuya Fourth,ate Cathy,Jai at Shar,The Bitch Alexa. Kami ang totoong parte ng buhay mo Shar." Sabi nya.

Okay. I guess. It's all unreal.

#YEN's NOTE: WAH! So do you like it guys?! Im happy so I write this! lol Ang ganda ni Maris at pogi ni Manolo sa STAR MAGIC BALL! Talaga nga namang artista na ang ating mga bebe! ^_^ If you have a question about this story,kindly DM me into my fp. @MarNoloBabys on twitter! Ciao! Hope you'll like it! ^_^

Para Sa AtinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon