Kabanata 30 : Gutom

298 30 7
                                    


Kabanata 30 : Gutom

Kinabukasan

C-Tower, Manila


"Hayyy!! Ang sarap naman matulog. Nakabawi din ako ng lakas." napangiting sabi ni Gian habang umuunat pa ito sa kama ng oras na iyon ng makaramdam ng kaginhawaan sa pakiramdam.

"Namiss ko ang Pinas. Wala akong stress, malayo sa media, nakakapunta kung saan-saan, walang tanong ng tanong." sabi pa ni Gian sabay yakap sa unan ng biglang magulat ito ng makita ang katabi niya.

"Bakla ba ako at iba na ang gusto kong kainin?" napabalikwas na sabi ni Gian ng makita ang katabi.

Napamulagat ang mga mata ni Gian saka nito tiningnan ang paligid.

"Oh my God." nanlalaking pang mata na sabi ni Gian ng maalala kung nasaan siya at ng mahimasmasan ito.

"Oh my God uli. Iyong kakainin ko, nasaan na?" naiiyak na sabi ni Gian sa inis at ng pagtingin niya sa napakalaking orasan sa kuwartong iyon natampal niya ang sariling noo.

"Oh Shit alas otso na ng umaga." sabi ni Gian na hindi niya alam kung matatawa siya, maiiyak o maiinis dahil napasarap ang tulog niya dahil sa kapaguran at stress na naramdaman niya mula ng umuwi siya sa Palasyo.

"Ngayon pa lang ako nakakabawi at talagang bawing bawi ko ang pamamahinga pero sa pagbawi ko hindi naman ako nakakain. Asar!" sabi pa ni Gian at ng bumaling muli siya sa katabi niya hindi niya alam kung maiiyak siya dahil may katabi siyang lalaki na hindi niya alam kung sino pero namumukhaan niya ito base sa larawan na nasa grupo na nakadiplasy sa labas ng kuwarto.

"Ano ba?"

Napahawak sa bibig si Gian ng magsalita ang lalaki, mukhang lasing ito na hindi alam na may katabi ito sa kama.

"Teka lang, may nangyari kaya sa amin. Baka wasak na ang puwetan ko... o di kaya. Oh My God iyong bibig ko baka hinalay ng lalaking ito." sabi pa ni Gian sa isip habang nakatakip ang bibig niya ng kamay nito.

"Ang ingay. Nakakainis." muling sabi ng lalaking natutulog na halatang naiingayan ito sa mga pabulong bulong ni Gian.

"Teka lang! Ikaw siguro si Herodes." sabi ni Gian sa isip habang nakatitig sa binata na nakahiga sa kama na nagsasalita pero ngayon humihilik uli ito.

"Langya, walang pinipiling tulugan. Hindi man lang nahiya na may katabi siyang lalaki na hindi niya kilala." mahinang sabi ni Gian.

"Sandali kailangan ko ng umalis dahil tiyak ako na nasa opisina na ang kakainin ko." sabi ni Gian saka ito dahan-dahan tumayo at umalis sa kama.

"Huwag mong kalimutan magcondom."

Napalingon si Gian sa natutulog na lalaki ng magsalita uli iyon.

"Tangna, condom? Hindi ako nagsusuot ng condom lalo na kapag masarap ang putahe." sigaw ng lalaking tulog na ikinanlaki ng mga mata ni Gian.

"Iyong grupo nila may mga sayad. Ano ba iyan? Nakakahawa ba 'yon, parang si Shaira ganoon na rin." sabi ni Gian sa isip saka ito tumalikod pero muling nagsalita ang lalaki.

"Kapag hindi na ako lashing lagot ka sa akin, doon sa opisina ko macorner lang kita tatalupan kita ng buhay at kakainin kita ng tila sariwang lumpia." lasing na sabi ng lalaki na ikinangisi ni Gian.


"Salamat sa payo sige ganoon ang gagawin ko."
sabi ni Gian saka ito nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

Paglabas ng kuwarto nagulat pa si Gian ng salubungin siya ni Diggie na halatang masayang masaya sa paglalaro nito habang hinahabol ni Franco.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon