Kabanata 38 : Distraction

290 27 8
                                    


Kabanata 38 : Distraction


Napangisi si Jan Carl at muling nagsalita. Pinipigilan niya ang sarili magalit dahil buntis si Shaira at hindi naman siya pumapatol sa buntis.

"Sa unano puwede pa." nakangising sabi ni Jan Carl sa isip.

"Sorry, 'tol buntis kasi baka kaya ganoon." pigil na tawa na sabi ni Gian kay Jan Carl.

"Hindi rin. Bakit magkahawig naman kayo pero bakit ang pangit niya." mahinang sabi ni Shaira na ikinayakap ng mahigpit ni Gian sa nobya ng makitang namula lalo sa inis si Jan Carl at delikado iyon.

"Umuwi ka na." sabi ni Jan Carl ng bumaling ng tingin kay Gian.

"Hindi puwede, buntis ang nobya ko." sabi ni Gian na kahit alam na niya ang pinunta nito nagulat pa rin siya dahil balak niya pang isama at kumbinsihin si Shaira sa manirahan sa kanila.

"Uuwi ka, sa ayaw mo at sa gusto mo." sabi ni Jan Carl.

Hindi nakapagsalita si Gian, hindi siya puwede sumalungat dahil ayaw naman niyang itakwil siya ng pamilya niya. Mahal niya rin ang tatay niya at siyempre masaya siya kasama ang mga kapatid niya, pinsan at mamuhay sa palasyo kung saan siya lumaki at isinilang.

"Tuturuan mo si Crail, isang buwan lang at pagkatapos noon uuwi ka na." sabi ni Jan Carl na ikinatingin ni Gian kay Shaira na nakayuko lang at alam niyang nag-iisip ito.

"Hindi ko siya masasama. Mahihirapan akong kumbinsihin siya." sabi pa ni Gian sa isip.

"Hayaan mo nandito naman si Crail at mukhang babantayan niya si Shaira para sayo." nakangising sabi ni Jan Carl.

"Hindi puwede." sabi ni Gian.

"Okay lang sa akin." sabi ni Crail na ikinatingin ni Shaira dito.

"Ayoko." sabi ni Gian ng mainis ng mapatitig uli si Shaira kay Crail.

"Iyon ang utos ko." sabi ni Jan Carl.

....................

Elevator

"Pauuwiin niya si Gian tulad ng ginawa niya kay Vladimir at sigurado ako doon." sabi ni AJ ng paakyat na ang elevator.

"Paano si Shaira?" sabi ni Burn

"Kailangan niya sumama at kapag sumama siya tiyak kasama si Franco at doon natin mababantayan ang anak ni Kyla at ang kilos ni Jan Carl." sabi ni AJ.

"Sandali bakit hindi natin unahin bantayan si Suri." sabi ni Alex.

"Hindi sila makakalapit kay Suri." napangising sabi ni AJ.

"Sigurado ka?" sabi ni Hades

"Oo." nakangiting sabi ni AJ na ikinatitig ni Amon kay AJ.

"Anong balak mo?" sabi ni Alex.

"Baguhin muna ang lahat, para walang distraksyon kay Gian at Shaira. Sa kanila muna ako nakapokos para malagay sa lugar ang grupo." sabi ni AJ.

"Paano?" sabi ni Burn ng biglang magbukas ang elevator sa 30th floor na ikinatingin ng lahat dito kabilang ang magkakapatid na Prinsipe.

Naglakad si Aj kasabay ng apat na lalaki na ikinangiti ng lahat ng lihim ng makita ang magpipinsang Valiente.

Huminto si Aj sa gitna ng pinakamalaking opisina sa gusali na iyon at tiningnan ang lahat.

"Lahat ng empleyado sa palapag na ito lilipat kayo sa 20th floor walang matitira kundi ang President's Office, ang secretary nito pati ang nag-oopisina sa loob ng kuwarto ng Presidente." malakas na bungad na sabi ni AJ na ikinagulat at ikinapagtaka ng lahat dito.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon