Kabanata 31 : Ang Paraiso sa Isang Prinsipe 1

274 30 7
                                    


Ang susunod na eksena ay maselan, na kailangan ng malalim na pang unawa.


.....................................


Kabanata 31 : Ang Paraiso sa Isang Prinsipe 1

Canmore Tower


"Hmmmn. Masakit." ungol ni Shaira ng magising ito sa kamalayan pero nanatiling pikit ang mga mata niya.

"Open your eyes." masuyong bulong ng kung sino kay Shaira.

"Hmmnn. Masakit." ungol muli ni Shaira sabay hawak sa ulo niya pero ilang sandali lang ng biglang may humaplos ng ulo niya at masuyong minasahe iyon.

"Open your eyes, Shay." masuyong muling bulong ng lalaki habang minamasahe nito ang ulo ni Shaira.

"Ang sarap. Ganyan lang." masuyong sabi ni Shaira ng makaramdam ng kaginhawaan habang minamasahe ng lalaki ang ulo niyo. Lalaki, base sa tinig na nauulinigan ni Shaira.

"Bakit hindi mo ako ginising?" masuyong bulong ng lalaki saka ito yumakap kay Shaira habang ang isang kamay nito ay nanatiling humhaplos sa ulo ng dalaga.

"Huwag kang didikit, ayoko ng amoy mo." mahinang usal ni Shaira na ikinakunot noo ng lalaki. Kaliligo lang niya at wala naman siyang pabango na ginamit, sabon lang at shampoo.

"Lumayo ka muna ng unti pero huwag mong itigil iyong pagmamasahe ng kamay mo sa ulo ko." sabi ni Shaira na halatang narerelax ito sa ginagawang pagmamasahe ng lalaki sa ulo niya.

Napangisi ang lalaki ng pilyo ng may maisip ito.

"Okay, baguhin mo ang amoy ko." sabi ng lalaki na ikinaungol ni Shaira ng maglandas ang isa pang kamay ng lalaki sa dibdib niya.

"Ohhhh." napaungol na reaksyon ni Shaira na napaliyad ang ulo sa kakaibang init na nadarama ng dumapo ang kamay ng lalaki sa dibdib niya at haplusin iyon.

"Buksan mo muna ang mga mata mo." bulong ng lalaki habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Shaira sa pagmamasahe niya sa dibdib ng dalaga.

"Hmmmn." ungol muli ni Shaira pero hindi ito dumilat.

Napangisi ang lalaki ng hindi dumilat ng mga mata si Shaira pero nasa mukha ng dalaga na nasaarapan ito sa ginagawa niyang pagmamasahe sa dibdib nito.

"Huwag!" mahinang usal na sabi ni Shaira ng ihinto ng lalaki ang pagmamasahe sa dibdib niya.

Napangiti ang lalaki ng bumakas ang pagtutol at pagkabitin sa mukha ni Shaira. Lumayo ang lalaki ng bahagya at kahit ang pagmamasahe sa ulo ni Shaira ay itinigil nito.

"Ituloy mo." sabi ni Shaira pero wala na siyang maramdaman na kumikilos sa tabi niya.

Nakatitig lang ang lalaki sa dalaga sa reaksyon nito, hanggang sa dahan-dahan dumilat ang mga mata ng dalaga na ikinangiti ng lalaki.

"Hmmn." ungol ni Shaira sa frustration na nadama kaya napilitan siyang imulat ang mga mata.

Sa pagmulat ng marahan ng mga mata ni Shaira, napakunot noo ito. Nahihilo pa siya dahil hindi pa siya kumakain mula ng isuka niya lahat ng nasa tiyan niya kanina.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon