Kabanata 11 : I Don't want to talk about it

326 37 19
                                    


Kabanata 11: I Don't Want to Talk About It

Hours later


"O, ang aga pa? Uuwi ka na? Under time ka?" sabi ni Rio ng magulat ng sumakay si Shaira sa elevator kahit alas tres pa lang ng hapon.

"Nakipag-away si Franco sa school niya. Uuwi na ako, nasa guidance office siya ngayon." sabi ni Shaira.

"Ganoon ba? Okay sumakay ka na." sabi ni Rio na hindi na muli ang salita ng makita ang pag-aalala sa mukha ni Shaira para sa anak.

...............

Samantalang kanina pa palinga-linga si Gian sa HR hinahanap ng mga mata niya si Shaira pero ang ipinagtataka niya. Malinis na ang mesa nito na halatang wala ng nakapuwesto doon.

"Si Shaira?" sabi ni Gian sa isang staff habang hawak nito ang report na pinasa ni Shaira sa kanya.

"Sir, umuwi na po." sabi ng isang staff

"Umuwi na? Alas tres pa lang." kunot noo na sabi ni Gian.

"Yes Sir. Nagmamadali po Sir." sabi ng staff na ikinailing ni Gian.

"Iyan ang mahirap sa may kapit." napangising sabi ni Gian saka ito umalis.

...................

Kinabukasan

"Good morning Sir." bati ni Rio na ikinahinto ni Gian dahil wala sa elevator na iyon si Shaira na madalas nauuna ito sa kanya bago siya pumasok.

"Sakay na po." nakangiting sabi ni Rio na ikinatingin ni Gian dito.

Sumakay si Gian kaya isinara na ni Rio ang pintuan ng elevator at habang papaakyat ang elevator tahimik lang sa loob nito, na pakiramdam ni Gian may kulang.

"Aissst! Asar." mahinang usal ni Rio ng muli na naman huminto ang elevator sa ikatlong palapag kahit alas singko y media pa lang ng umaga.

Nakatitig lang si Gian sa pintuan ng magbukas iyon katulad ng dati sa ikatlong palapag.

"Wow! Ang daming free space." sabi ng lalaki saka ito sumakay.

"Sir, hindi ito cellphone memory na may free space." sabi ni Rio sa lalaki ng maisara muli ang pintuan ng elevator.

"Hahaha! Nasaan si Shai?" sabi ng lalaki na ikinakunot noo ni Gian dahil sa tawag ng lalaki kay Shaira.

"Hindi ko po alam." sabi ni Rio.

"Hindi mo alam?" sabi ng lalaki na ikinailing ni Rio, saka nito kinuha ang cellphone na ikinatingin ni Rio dito at lihim na ikinatingin ni Gian sa lalaki.

"Hello." sabi ng lalaki na may kausap na ito sa kabilang linya, na ikinangisi ni Rio dahil kahit nasa elevator ito may signal ito di tulad niya o ng iba zero ang signal.

"....wala dito." sabi ng lalaki na ikinakunot noo ni Gian sa sinabi ng lalaki na hindi naman siya nagtaka kung may signal ito sa pagtawag.

"..ahhh okay." sabi ng lalaki ng madinig ang sinabi ng kausap nito.

Binaba ng lalaki ang cellphone saka tumingin kay Rio.

"Bakit po?" sabi ni Rio ng biglang napatawa ito ng ibaba ng lalaki ang shades nito at titigan siya saka ito kumanta.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon