Kabanata 21 : Kasapi

312 32 14
                                    


Kabanata 21 : Kasapi

C-Tower, Manila


"Hahaha! Talo ka." sabi ni Farnco habang naglalaro sila ng latest play station ni Gian na kabibili lang nila kahapon ng hapon sa mall.

"Magaling ka kasi." nakangiting sabi ni Gian habang kalaro ang batang lalaki.

Ilang sandali lang ng magring ang cellphone niya at ng tingnan ni Gian ang oras napangisi siya dahil alas diez y media na ng gabi.

Napatingin si Gian kay Franco busy ito naglalaro at simula kahapon doon siya natutulog sa unit na iyon at ikalawang gabi na niya ngayon kasama si Franco.

"Hello." sabi ni Gian ng makita ang pangalan ng kapatid na si Jan Carl.

"Iyong mga tauhan mo nasa loob ng bar, hindi ba kabilin-bilinan ni daddy huwag mong hayaan na tumapak ang kahit sino sa tauhan natin sa Emperio?" sabi ni Jan Carl sa kabilang linya.

Napakunot noo si Gian kasi kahit siya bawal doon.

"Anong gagawin ko? Eh, libre naman yata iyan at saka mga babae iyan hindi naman kukuha ng lalaki iyan at magkakalat. Isama pa na walang pera mga iyan kaya aalis din ang mga iyan diyan." sabi ni Gian pero ilang sandali pa ng may magtilian.

"Okay, sabi mo eh. Pero binabalaan kita na kapag ang mga empleyado nabuntis ng mga escort dito na mala-Dim ang itsura. Aba ewan ko na lang kung saan ka pupulutin o itong mga empleyado mo." sabi ni Jan Carl na ikinakunot noo ni Gian.

"Whooahhhh! Ang guwapo!!!!!"

Napatigil si Gian ng maulinigan ang pamilyar na tinig.

"Huh! Tangna, iyong mga empleyado mo mga tigang ba ito? Mukhang hindi nadidiligan, kung makatili parang ang daming inorder. Eh kung titingnan mo tsss! langya isang bote lang ng alak ang nasa mesa at ni pulutan wala." sarkastikong mayabang na sabi ni Jan Carl.

"Ahhhhhh!!! Ang guwapo, Franco may tatay ka na!!!!"

Napatiim ng bagang si Gian ng marinig ang boses ng babae at makumpirma na ito ang malakas tumili.

"Itong isa mong empleyado, ewan ko ba kay Autumn kung bakit tinanggap. Eh sa pagkakaalam ko tagahanga lang ito ng artista. Nakikita ko pa ito dati sa mga fans club na awayan ng mga artista.

Presidente lang ito dati ng fan's club ni Harmony na ang trabaho ay tumili. Pero ito ngayon, langya mukhang k-pop ang tinitilian. Hindi ako magtataka kung mahimatay ito sa kakatili." sabi pa ni Jan Carl habang pinagmamasdan ang grupo ng mga emplayado at nangingibabaw si Shaira na halatang gamay nito ang tumili at magcheer sa isang artista.

Hindi umimik si Gian at ilang sandali pa ng may sumigaw uli.

"Whoaahhhh! Ang tigas!!! Hindi na ako magkakamali anak. Dito tayo sa matigas ang kaha at ang... Whoaaahhh!!!! Ang haba at umbok!" sigaw ni Shaira na ikinatawa ng mga tao na nadinig pa ni Gian.

"Narinig mo iyon? Nagkakalat. Aisst! Ito pa yata iyong babaeng naanakan ng baklang director. Langya! Kung dati bakla, ngayon sa puta naman magpapabayo.

Hay naku! Ilayo mo ang mga empleyado natin dito at baka ang Canmore telecom maging Canmore Casa." sabi ni Jan Carl.

"Whoaahhhh! Franco, uuwi na si nanay may nanalo na, isang baby girl sister mo ang ibibigay koooooo!!!! Isang pasalubong!!!!" sigaw ni Shaira habang nagkakatuwaan ang grupo sa mga lalaking lumapit sa kanila.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon