Kabanata 20 : Pagkakataon

276 30 8
                                    


Kabanata 20 : Pagkakataon


"Grupo iyan nila Mr Rod Cheung. Ang sabi nila lahat ng bahay ng grupo nila may larawan ng buong grupo nila o larawan kung saan sama-sama ang mga mukha nila. Gawa daw po iyan ni Sen. SatA isa daw po itong artist at ang Papa niya ay sikat na pintor." sabi ni Franco ng titigan ni Gian ang malaking larawan na sumakop sa kabuuang bahagi ng pader. Nakapinta iyon at maganda ang pagkakagawa.

"Ang dami po nila di ba? At nakakainggit kung titingnan. May mga nakita ako sa internet ng minsan pinahiram ako dati ni nanay ng cellphone niya na hindi pa nasisira dati. May mga tao na inilalagay nila ang mukha nila diyan para daw kunwari belong sila sa grupo." sabi ni Franco na ikinangiti ni Gian dahil parang nakita na nga niya ang larawan sa isang Business site.

"Ikaw?" biglang sabi ni Gian sabay tingin kay Franco at lumapit ito sa dining area kung saan naghahanda ito ng pagkain.

"Ano pong ako?" sabi ni Franco.

"Hindi ka ba nangarap na maisama ang mukha mo diyan sa grupo nila?" sabi ni Gian.

"Hindi po." sabi ni Franco na napangiti

"Bakit naman? Sabi mo kanina nakakainggit." sabi ni Gian ng maupo sa harapan ng dining.

"Kasi, sabi ni Kuya Aj hindi mo naman kailangan isali ang sarili mo sa isang grupo o samahan kung hindi mo alam kung ano ang grupong iyon at para sa akin hindi ko alam kung ano sila. Ang alam ko lang okay silang grupo so bakit ko po hahangarin sumali." sabi ni Franco.

"Bakit ka nila kinakaibigan kung hindi ka nila masali?" sabi ni Gian sabay tingin kay Franco.

"....dahil ba wala kang koneksiyon sa kahit isa sa kanila?" dugtong na tanong ni Gian

"Hindi naman po kailangan kasali ka sa grupo para masabing kaisa ka nila. Para sa akin okay na ang kabaitan na pinapakita nila. Bakit ako maghahangad ng labis kung sapat na ang kabutihan na binibigay nila sa amin ni Mama." sabi ni Franco na ikinangiti ni Gian

"...at saka hindi naman nila sinabi na ayaw nila ako isali, ang totoo ayokong sumali." sabi ni Franco.

"Bakit naman?" sabi ni Gian habang nakuha na nitong kumuha ng hotdog at sinimulan iyon kainin.

"Kasi mas gusto kong tahimik na buhay, iyong hindi po ako kilala. Siguro dahil kilala na ako, at ang pagkakakilala sa akin ay..." udlot na sabi ni Franco at umiwas ito ng tingin, na ikinangiti ni Gian ng mabasa ang nasa mga mata ni Franco.

"Mabait ka, at hindi mo kasalanan na siya ang naging ama mo. Darating ang araw mauunawaan mo kung bakit siya ang ginawa ni God na maging ama mo o bakit siya ang ibinigay sayo, at sa araw na iyon, magpapasalamat ka sa kanya kasi nabuo ka sa pamamagitan niya." sabi ni Gian sabay subo ng hotdog na ikinangiti ni Franco.

"Alam niyo po mula ng maging close tayo, naunawaan ko po ang lahat o parang ang daling unawain ng mga nangyayari sa akin kapag nagsasalita ka na tungkol sa buhay, aral o inspirasyon na nilalabas ng bibig mo.

Isa ka ngang Prinsipe kuya Carlo kasi magaling ka makipag-usap, iyong tipong ang isang delubyo magiging paraiso kapag kasama ka." sabi ni Franco na ikinatahimik ni Gian ng may maalala sa sinabi ni Franco.

"Salamat sa ilang araw na Paraiso nang maramdaman ko na mahalaga pala ako." sabi ni Shaira ng malaman ni Gian na may anak ito.

"Ang Paraiso pala hindi literal na makikita, at nalaman at naramdaman ko po iyon sayo kapag kasama kita bilang kaibigan. Kaya salamat sa isang Prinsipe na tulad mo na nagbibigay ng isang pakiramdam na tila nasa Paraiso ang isang batang tulad ko kada minutong kasama kita." nakangiting sabi ni Franco na ikinatitig ni Gian dito.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon