Synopsis : Isang MinutongParaiso

488 31 1
                                    

Synopsis : Isang Minutong Paraiso

Canmore Telecom


"Good morning, Maam Shaira." sabi ng elevator operator na ikinangiti ni Shaira.

Nasa private elevator ng umagang iyon si Shaira papunta sa 30th floor ng gusaling iyon kung saan ang opisina ng telecommunication company na pinagtatrabahuan niya.

"Wait lang Maam may pasakay pa." nakangiting sabi ng operator na ikinangiti ni Shaira.

Maaga pa naman kasi ng mga oras na iyon alas singko y media ng umaga kung saan nakaugalian ni Shaira pumasok para magawa lahat ng trabaho niya bilang HR Officer ng kompanya. Bukod doon nag-o-overtime siya para pandagdag sa araw-araw na panggastos nilang mag-ina kung saan inenrol din niya sa private school ang anak at sa ibang activities ng sa ganoon sabay silang uuwi ng anak sa bahay nila na nirerentahan kapag sinundo niya ito.

"Okay na ako dito, hintayin niyo na lang ako sa kotse."

Napatingim si Shaira sa nagsalita at napangiti ito ng makita ang bagong humahawak sa kompanya.

"Good morning sir." makapanabayang sabi nila Shaira at ng operator sa lalaki.

Hindi tumingin ang lalaki kaya napayuko na lang si Shaira, at ang operator naman ay ginawa na lamang ang trabaho nito na tila sanay ito sa mga sumsakay doon na may pagkasuplado at matapobre tulad ng bagong Presidente ng kompanya.

Samantalang nakatingin lang ang lalaki sa numero ng elevator kung nasaan na patungo ang naturang elevator habang tila wala itong nakikitang tao na kasama nito.

"Suplado." sabi ni Shaira sa isip. Alam niyang prinsipe din ang lalaki pero kakaiba ito dahil hindi ito tulad ng dating humahawak ng posisyon nito na palabati sa mga tao o laging nakangiti.

Ang nasa harapan niya ay lalaking halatang namimili ng kakausapin at mukha itong matapobre.

"Oh shit." mahinang usal ng operator na ikinatingin ni Shaira at ng lalaki dito.

"Bakit?" sabi ni Shaira pero akmang sasagot ang operator ng mamatay ang ilaw ng elevator at nagsimulang bumaba ang naturang elevator kasabay ng paglangitngit ng kung ano sa taas nito.

"Ahhh!" sigaw sa takot ni Shaira sabay usal nito.

"Lord huwag ngayon may anak ako, kailangan pa ako ni Franco." usal na panalangin ni Shaira habang bumubulusok pababa ang elevator.

Napatingin ang lalaki kay Shaira, madilim na ang loob ng elevator pero mula sa ilaw ng flashlight na binuksan ng operator nakikita niya ang pagkataranta nito.

"Diyos ko Lord. Please, huwag po ngayon kailangan pa ako ng anak ko." napaiyak na sabi ni Shaira sa takot habang nakikinig lang ang lalaki at ang operator naman ay may kinakalikot sa naturang elevator button.

Napaupo si Shaira sa gilid ng elevator at umiiyak ito sa takot.

"Lord please huwag po ngayon. Bata pa ang anak ko." dasal ng umiiyak na sabi ni Shaira.

"Ahhhh!" napasigaw pa ito ng mabilis na bumaba ang elevator.

"Ahhhh! Franco!" sigaw ni Shaira na ang nasa isip lang ang anak niyang maiiwan kung sakali.

Nakikiramdam lang ang lalaki pero nakapokos ito sa babaeng umiiyak.

"Diyos ko okay lang kahit walang ama, hindi na ako hihingi ng ama ng anak ko. Basta ako lang sa anak ko okay na. Huwag mo pa po ako kukunin. Kailangan pa ako ni Franco." umiiyak na sabi ni Shaira.

"Aissst! Buweset hindi ko nakita iyon ha." mahinang usal ng operator at ilang sandali lang napahinto nito ang pagbaba ng elevator.

"Ano na?" sabi ng lalaki sa operator.

"Sir, huminto na tayo kaso nasa pagitan tayo ng sampu at siyam na palapag." sabi ng operator.

"Mag emergency call ka." sabi ng lalaki.

"Sir, hindi na nagana." sabi ng operator.

"So anong gagawin natin?" sabi ng lalaki na napakunot noo dahil hindi man lang natakot ang operator sa nagaganap.

"Bubuksan ang taas at aakyat po tayo para makaalis dito." sabi ng operator.

"Ano?" sabi ng lalaki.

"Sir, ako muna una. Tapos hahatakin ko si Maam Shaira pataas. Iyong pintuan ng ikasampung palapag malapit lang naman at doon tayo dadaan." sabi ng operator na ikinapagtaka ng lalaki sa paraan ng pakikipag-usap ng operator.

"Ahhhh!" muling sigaw sa takot ni Shaira ng umuga ang elevator.

"Sir, bilisan po natin kasi hindi ko po tantyado kung kailan kakayanin ng lubid o wire ng elevator ang bigat nito." sabi ng operator.

"Okay." napatangong sabi ng lalaki sabay tingin kay Shaira mula sa malamlam na ilaw ng flashlight.

"Excuse me Sir." sabi ng babae at muling nagulat anglalaki ng mabilis na nakaakyat ang babae sa taas ng elevator at nakuha nitong buksa iyon ng ganoon kadali.

"Sir, si maam akin na po." sabi ng operator.

Yumuko ang lalaki at tiningnan nito si Shaira.

"Halika na." sabi ng lalaki sabay hawak sa balikat ni Shaira.

"Baka malaglag tayo." sabi ni Shaira.

"Kaya nga aalis na tayo." sabi ng lalaki sa nanginginig na babae.

Napatingin si Shaira sa lalaki habang lumuluha ito saka ito umusal.

"Si Franco, huwag mong pababayaan. Kapag namatay ako, huwag mong ibigay sa tatay niya." sabi ni Shaira na ikinatitig ng lalaki kay Shaira.

"Ano naman pakialam ko sa buhay niyo mag-ina?" sabi ng lalaki na ikinaluha ni Shaira.

"Please, kapag namatay ako dito baka mamatay ka rin pati siya..." sabi ni Shaira sabay tingin sa operator na ipinagtataka rina niya at mabilis itong nakaakyat roon kahit babae ito.

Napatingin muli si Shaira sa lalaki at muling nagsalita.

".... kaya sana iyong kompanya niyo bigyan ng maayos na buhay si Franco. Malabo pero alam ko kaya niyong ibigay sa anak ko." lumuluhang sabi ni Shaira saka ito tumayo at tumitig sa lalaki.

"Kapag nabuhay naman ako.... tayo, kalimutan mo ang sinabi ko. Gusto ko lang maging okay ang anak ko kung sakali mawala ako kaya huwag mo sanang bigyan ng ibang kahulugan." sabi ni Shaira saka ito tumingin sa taas.

"Sir. Pabuhat si Maam para mahatak ko." sabi ng operator.

"Okay." sabi ng lalaki saka nito lumuhod ng bahagya at niyakap si Shaira sa baywang nito saka ito inangat.

Napatingin si Shaira sa lalaki ng buhatin siya nito pataas habang nakatitig ito sa kanya.

"Salamat sa tulong. Salamat sa ilang minuto naramdaman kong nasa paraiso ako ng isang lalaki para sa anak ko." makahulugang sabi ni Shaira saka nito inabot ang kamay ng operator para mahila siya nito pataas.


July 13, 2022 3.26pm

Fifth Street

Fifth Street

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon