Kabanata 25 : Pagbati

301 34 6
                                    


Kabanata 25 : Pagbati

El Emperio Bar


"Ayos ka! Ang utak mo pero imposible." sabi ni Gian.

"Okay. Umalis ka diyan dahil ang mga tao na nasa mga kuwartong iyan ay nagtatrabaho at ang kompanyang ito ay tila makina na patuloy na gumagawa ng produksiyon para kumita. Ito ang Emperio at ito ang lugar kung saan ang lahat ay nagtatrabaho ng hindi hirap kundi sarap." nakangising sabi ni AJ na ikinaiwas ng tingin ni Hestia.

Napatingin si Gian sa pinasukang kuwarto nila Shaira at ng escort.

"Tsss. Halika na sweetheart. Pagod na ako." sabi ni Aj kay Hestia sabay hawak sa batok nito.

"Halika na." sabi ni Hestia. Tumalikod ang naglakad pero naudlot ito ng magbukas ang isang pintuan ng kuwarto at may sumigaw doon.


"Ohhh God! Dave!"
sigaw ni Shaira habang papalabas ito pero napigilan iyon ni Dave.


"AJ, si ate Shaira."
takot na sabi ni Hestia habang nakatingin ang lahat sa pintuan pero muling sumara iyon.

"Pumasok siya diyan at nakapirma siya kaya imposibleng hindi niya iyon alam." sabi ni AJ.

"Aj." sabi ni Hestia na nakaramdam ng awa kay Shaira.

Napatingin si Aj kay Hestia saka ito napangisi.

"Ito ang kalakaran sa lugar na ito at hindi ko iyon mababago, kaya nga ayoko hawakan dahil ang lugar na ito ay may sariling buhay na kahit ako o ang tatay ko o ang lolo ko o kahit sino hindi mapipigilan ang paggalaw ng lugar na ito. May buhay ito na siyang bumubuhay at nagpapatibok sa palasyong ito." sabi ni AJ

"Ahhh!" sigaw ni Shaira.

"Shit! Okay deal!" sigaw ni Gian ng marinig muli ang sigaw ni Shaira sa loob ng kuwarto na pilit nitong binubuksan.

Napatingin si AJ kay Gian saka nito tinaas ang kamay. Napalingon sila Gian at Hestia ganoon din ang bouncer ng itaas ni AJ ang kamay at ilang sandali lang may nag-abot ng folder kay AJ.

"Lahat ng negosyanteng pumupunta dito kilala ko, alam ko, pinag-aralan ko. Lahat pinaghandaan ko kaya huwag kang magtataka." nakangising sabi ni AJ saka nito inabot ang folder kay Gian na ikinalunok muli ni Hestia.

Napatiim ng bagang si Gian ng maktita ang kasunduan na may tatak ng abogado. Selyado iyon. Ang kontratang magsasalin ng pamamahala ng Canmore Telecom kay Autumn Lopez Valiente Jr.

"Huwag kang mag-alala bibigyan kita ng pagkakataon na mag-apply sa Canmore Telecom." nakangising sabi ni AJ na ikinatingin ni Hestia kay Gian dahil halatang naisahan ito.

"Help!" sigaw ni Shaira mula sa kuwarto na binubuksan nito na ikinatiim ng bagang ni Gian.

"Fuck! Makakarma ka rin." sabi ni Gian kay AJ.

"Tsss! Tapos na ang karma ko, nauna na sa mga gagawin ko." sabi ni AJ na ikinatitig ni Gian dito.

"Asar." sabi ni Gian.

"Pumirma ka na kasi masakit na ang ulo ko at kapag tuluyan itong sumakit ng matindi hindi mo magugustuhan." sabi ni AJ na halatang pagod na ito.

Napatingin si Hestia kay Aj, hindi pa ito umiinom ng gamot dahil ang akala niya o nila hanggang alas otso lang sila sa Emperio pero ng makita ni AJ na pumasok sa bar ang grupo ni Shaira agad itong umakyat sa Infinity at mula doon nakatutok na ito. Kung ano, bakit o para saan hindi niya alam dahil kahit mag-asawa sila ni AJ malihim ito na kahit nga ang ama nitong si Autumn hindi alam ang ginagawa ni AJ.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon