Kabanata 3 : Apat na Araw a Paraiso 2

341 24 4
                                    


Kabanata 3 : Apat na Araw na Paraiso 2

Hours Later


"Tama na iyan." sabi ni Gian ng puntahan nito sa opisina nito si Shaira ng tanghaling iyon.

Mabilis na tumayo si Shaira saka nito nilapitan si Gian sa kung anong dahilan hindi niya alam.

"Saan ba tayo?" sabi ni Shaira na bahagya pa rin nagulat dahil hindi niya uli inaasahan na magde-date talaga sila ni Gian.


"Sa Blaze hotel."
sabi ni Gian na ikinangiti ni Shaira dahil may Restaurant na mamahalin doon at hindi niya inaasahan na galante ang binata.

"Okay." nakangiting sabi ni Shaira.

Napangiti si Gian saka nito hinawakan sa kamay si Shaira na ikinangiti nito.

"Sandali bago iyon." sabi ni Gian saka nito tinawag ang bodyguard nito at nagulat si Shaira ng makita ang isang bouquet ng bulaklak na ikinatingin ng mga empleyado.

"Kakabigay mo lang ng flowers." sabi ni Shaira sabay baling sa tingin ng bulaklak na nasa side table ng mesa niya.

"Ano naman ngayon? May oras ba ng pagbibigay ng bulaklak? May bilang ba kung hanggang ilan lang dapat sa isang araw?" sabi ni Gian.


"Wala naman."
sabi ni Shaira sabay titig sa binata dahil nakaramdam siya ng kaba.

"Wala naman pala. Tanggapin mo na." sabi ni Gian sabay abot ng bulaklak kay Shaira .

Napatingin si Shaira sa bulaklak mamahalin iyon tulad ng nauna, at maganda.

"Salamat." sabi ni Shaira sabay kuha sa bulaklak.

"Halika na." sabi ni Gian saka nito niyagak si Shaira.

Napatingin ang lahat sa dalawa ng hawakan ni Gian ang baywang ni Shaira paalis ng opisinang iyon.

...................

Blaze Hotel Resto

"Sure ka na dito talaga tayo kakain?" sabi ni Shaira ng ang inaasahan isang ordinaryong lunch date lang pero nasa isang private room sila ni Gian na may romantic candlelight.

"Anong sure ako? Nandito na nga tayo. Hahaha!" natawang sabi ni Gian habang inaalalayan si Shaira na maupo

Hindi umimik si Shaira pero nagpatianod ito sa nagaganap.

"Kumain na tayo." sabi ni Gian kay Shaira na ikinatango nito.

Nagsimula kumain ang dalawa habang may musika pang pumapainlang.

"Puwede ka ba mamaya?" biglang sabi ni Gian habang nagsisimula na sila kumain.

"Ha?" sabi ni Shaira na tahimik lang kanina pa.

"Mamayang uwian date tayo." sabi ni Gian.

"Mamaya?" sabi ni Shaira.

"Oo." sabi ni Gian.

Napatitig si Shaira kay Gian saka ito natawa.

"Hahaha! Sure ka?" sabi ni Shaira na natawa dahil kakaiba ang lalaki sa harapan niya.

"Oo. Bakit ka ba lagi natatawa?" sabi ni Gian

"Kasi nga ang bilis mo mag-isip at kumilos." sabi ni Shaira

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon