Kabanata 47 : Pagbibigay

286 40 8
                                    


Kabanata 47 : Pagbibigay

C-Tower, Manila

Present Day


"Nanay, okay na ako. Ang totoo nandiyan na po si tatay sa baba kanina pa, nag-usap na po kami na sa kanya na ako titira. Sinabi ko na sa kanya na aalis ka." sabi ni Franco

"Anak, hindi kita maiiwan." napaluhang sabi ni Shaira.

"Nanay, okay po ako. Oras na para sumaya ka naman." sabi ni Franco.

"Anak, ikaw ang kasiyahan ko." sabi ni Shaira.

"Alam ko po iyon nanay pero may kapatid na ako, at ayokong maging selfish. May tatay siyang kumikilala sa kanya, kaya sana po huwag mong ipagkait ang pagkakataon na hindi ko naranasan." napaluhang sabi ni Franco na ikinaiyak ni Shaira.

"......okay na ako 'nay kasama ang tatay ko. Please gusto ko sumaya ka, at gusto ko mabuo ang pamilya mo... niyo ni Tito Gian. Oras naman na para ako naman ang mag-bigay sayo at kay Tito Gian ng kasiyahan at pagmamahal." sabi ni Franco.

"Hindi puwede." sabi ni Shaira.

Luamapit si Franco at napangiti ito saka niyakap ang ina.

"Sa buhay natin, hindi lahat masaya pero lahat ng lungkot magiging masaya kung matatanggap mo ang mga bagay na maluwag sa loob mo.

Big boy na ako 'nay kaya ko na po ang sarili ko kasama ng tatay ko, at huwag kayo mag-alala tatawag naman po ako sa inyo lagi at alam ko hindi mo ako makakalimutan kasi ikaw ang the best nanay na nagawa mong ipagpalit ang Paraiso mo sa akin." sabi ni Franco.

"Anak." sabi ni Shaira.

"Shaira, ako ng bahala. Huwag kang mag-alala ibabalik ko rin siya sayo ng ligtas kapag wala na ako." sabi ni Dylan na kanina pa naroroon at nakikinig sa mag-ina niya.

Napatingin si Shaira hindi niya naramdaman ang presensiya ni Dylan pero mukhang kanina pa ito narooon base sa namumulang mata nito sa pagluha.

"Umalis ka na. Huwag kang mag-alala, aalagaan ko siya, hihiramin ko lang ang anak natin. Makabawi man lang ako." sabi pa ni Dylan.

"Nay, okay na. Umalis ka na, habang may oras pa." sabi ni Franco habang nanatiling nakatingin si Shaira kay Dylan.

"Hindi ko siya pababayaan, tulad ng ginawa mong pag-aalaga sa anak natin. Pangako, ibabalik ko sayo ng buo kahit wala na ako, buo siyang babalik sayo." sabi ni Dylan.

"Nay, halika na kasi baka makaalis na si tito Gian. Kanina ka pa nandiyan hindi ka na nga nagbihis so ang ibig sabihin nun, sa isip mo gusto mo sumama. At sa puso mo gusto mo maganap ang pangarap mong Paraiso sa piling ni tito Gian." sabi ni Franco.

Napangiti si Shaira sa sinabi ng anak.

"Halika na. Sa kotse ka na kumain, ihahatid ka na namin." sabi ni Dylan na ikinatingin ni Shaira dito.

"Aalagaan mo siya?" sabi ni Shaira na napaluha.

"Oo. Pangako." sabi ni Dylan saka ito lumapit sa mag-ina niya at niyakap ang mga ito.

"Huwag mong pababayaan ang anak natin, Direk." sabi ni Shaira kay Dylan.

"Oo naman." sabi ni Dylan saka nito mahigpit na niyakap si Shaira

"Salamat." sabi ni Shaira.

"Ako ang dapat magpasalamat kasi pinahintulutan niyo ako makasama kayo." sabi ni Dylan.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon