Kabanata 45 : Pagpili

244 35 6
                                    


Kabanata 45 : Pagpili

Canmore Telecom Tower


"Anong sabi mo?" sabi ni Shaira na nagulat at di makapaniwalang sa sinabi ng nobyo.

"Uuwi na ako mamayang gabi. May hinihintay lang ako at ikaw iyon para sabihin kung sasama ka sa akin." mahinang sabi ni Gian.

"Gian." sabi ni Shaira na hindi alam ang sasabihin.

"Hinintay kita, sabi mo uuwi kayo kinabuksan ng Premier night ng hapon pero hindi kayo dumating." sabi ni Gian na napaiwas ng tingin at pinipigil nito umiyak.

"Sorry, pinagbigyan ko kasi si Franco. Ayaw niya pang umuwi kaya sinamahan ko siya." sabi ni Shaira na na-guilty sa hindi niya pag-uwi sa napag-usapan.

"Alam ko naman iyon dahil kahit sino naman na bata sabik at gusto makasama ang magulang niya lalo na kung matagal na niyang hindi nakasama o kung first time niya makasama.

Nauunawaan ko naman.... lahat. Pero iyong pang-unawa ko kailangan ko ng kasagutan.

Dahil aalis na ako, at uuwi na ako sa amin. Tulad ni Franco, may tatay din akong may sakit at kailangan din ako. Kaya nga nauunawaan ko, lahat-lahat. Pero Shaira iba tayo, kasi nobya kita at nobyo mo ako, buntis ka at dinadala mo ang anak natin." sabi ni Gian.

"Hindi ko maiiwan si Franco." napaluhang sabi ni Shaira na ikinayuko ni Gian.

"Bibigyan kita ng pagkakataon makapag-isip hanggang mamaya. Gabi ang flight ko. Hihintayin kita sa airport at kapag hindi ka dumating ibig sabihin nun, hindi ako kasama sa priorities mo.

Kapag nangyari iyon na hindi ako ang napili mo o hindi ka sumama sa akin, huwag mong isipin na galit ako sayo. Huwag mo rin isipin na ayoko sa anak natin. Mahal kita, at mahal ko ang anak natin pero sana habang wala ako sa tabi niya ikaw ang magsabi kung bakit wala ako.

Pero Shaira, hindi ako sigurado kung makikita niya pa ako kasi hindi na ako babalik kahit kailan sa lugar na ito." sabi ni Gian.

"Gian, hindi ko maiiwan si Franco." sabi ni Shaira na bakas ang kaguluhan.

"Ang sabi ko nga sayo, kasama ko siyang minahal ng mahalin kita. Kaya kasama siya sayo, tatanggapin ko siyang maging anak ko ng buong buo tulad ng pagtanggap ko sayo ng buo." sabi ni Gian

"Gian, hindi maiiwan ni Franco si Dylan at...." sabi ni Shaira na naudlot sa pagsasalita sa kalituhan.

"Ikaw bahala ka kung ano sa tingin mo ang makakabuti sayo, sa anak mo, at kung sa tingin mo kung saan ka masaya, hindi ako magagalit. Gusto ko lang maging honest sayo, hindi sa tinatakot kita, ginigipit o iniipit. Ang sinasabi ko lang kapag hindi ka sumama, hindi na tayo magkikita. At ang gusto ko lang kung sakali..." udlot na sabi ni Gian saka ito napahingang malalim.

"Gian." sabi ni Shaira saka ito lumapit sa binata.

Napatitig si Gian kay Shaira saka ito napatango.

"Aalis na ako para makapag-isip ka." sabi ni Gian at akmang kukunin nito ang luggage ng yakapin ni Shaira si Gian.

"Huwag mo akong iwan. Huwag kang aalis." sabi ni Shaira na ikinatingin ni Gian sa nobya.

"Hindi puwede. Nandito lang naman ako dahil sa kompanya kapalit ni Vladimir pero tulad ni Vladimir hindi ako ang tunay na may-ari nito at saka hindi ako taga-dito." sabi ni Gian.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon