Kabanata 22 : Pagsisimula ng Kamunduhan

279 32 10
                                    


Kabanata 22 : Pagsisimula ng Kamunduhan

El Emperio Bar, El Paradiso


"Sino iyan?" tanong ni Jan Carl habang nakatingin sa batang lalaki ng tawagan siya ng kapatid habang nasa helipad ito ng Emperio.

"Si Franco." sabi ni Gian sa kapatid.

"Sino nga iyan?" inis na sabi ni Jan Carl habang nakatitig pa rin sa batang buhat ni Gian.

"Si Franco nga." sabi muli ni Gian.

"I mean si Franco iyan so aanhin mo iyan?" sabi ni Jan Carl

"Dalhin mo siya sa inuupahan mong bahay, kukunin ko siya mamaya sayo." sabi ni Gian

"Inuutusan mo ba ako?" sabi ni Jan Carl na ikinatingin ni Gian dito

"Hindi naman, ang totoo sinusunod kita at kaya ako nandito dahil pauuwiin ko ang mga empleyado natin." seryosong sabi ni Gian, ng biglang mapatingin si Jan Carl sa dog cage na nasa paanan ni Gian.

"Bakit may aso? Baka may rabies iyan." sabi ni Gian ng masilip pa ang aso na nasa dog cage.

Napatitig si Gian sa half brother niya, mas matanda ito sa kanya, at mukha naman matino. Iyon nga lang hindi halata dito. At sa nakikita niya ngayon mukhang bad trip ito, at sa kung anong dahilan ayaw niyang alamin. Dahil iyon ang pagkakaiba niya sa kanilang magkakapatid, hindi talaga niya inaalam o wala siyang panahon alamin ang lahat. Basta para sa kanya okay siya.

"Walang rabies iyang tuta, at pag-aari iyan ng batang karga ko." sabi ni Gian sabay tingin kay Franco na mahimbing na natutulog. Alas dose na kasi ng hating gabi ng lumapag sila sa helipad galing Manila.

"Mamaya pa ako uuwi." sabi ni Jan Carl habang kinakapa ang namamagang labi na kinagat ni Astraea.

"Kapag hindi mo ito kinuha, hindi ko mapapauwi ang mga empleyado natin at kapag hindi ko napauwi iyon.... ikaw din baka magkaroon ng spy sa mga iyan. Lagot ka." pananakot ni Gian na ikinatingin ni Jan Carl dito.

"Hindi mo ako matatakot." seryosong sabi ni Jan Carl.

"Aissst! Mag-alaga ka muna ng bata tapos magpicturan kayo mas okay iyon sa pagiging hari mo. Mapopost mo iyon sa socmed at sa paraan na iyon maraming hahanga sayo at sasabihin nila na worth it kang maging hari dahil may puso ka para sa mga bata." sabi ni Gian na ikinatitig ni Jan Carl dito.

"Ayoko." sabi ni Jan Carl na ikinaikot ng mga mata ni Gian dahil kung tutuusin mas gusto niyang maging hari si Vladimir pero umayaw ito o dahil ampon lang naman kasi ito ng nakaupong hari.

"Okay ganito na lang tutulungan kita sa kahit na anong plano mo kapag nakaupo ka ng hari. Ang loyalty ko nasa iyo." sabi ni Gian na ikinangisi ni Jan Carl.

"Alam mo... niyo, hindi ako tanga at lahat pinag-aaralan ko." sabi ni Jan Carl na ikinatitig ni Gian Carlo dito.

"Alam ko iyon, pero kailangan mo ng kapanalig." sabi ni Gian na ikinatitig ni Jan Carl dito.

".....marami sila, at kahit hindi mo sabihin lahat kami alam ang plano mo, kaya kung ako sayo bumuo ka ng sundalong aagapay sayo. Dahil hindi madaling banggain ang nasa isip mo, lalo na at dumadami sila. Hindi mo makukuha ang gusto mo kung nag-iisa ka lang nagtatrabaho kaya bakit hindi mo gamitin ang alyansa mo para mas madali kang makagalaw." mahinang sabi ni Gian.

"Alam kong nandiyan lang kayo." sabi ni Jan Carl

"Huwag kang pasiguro dahil mula ng mapangasawa ni Freya si Dim unti unti tayong nahahati. At ngayon nasa palasyo si Valdimir at ang asawa nito na alam mong kapatid ng asawa sa isa sa grupo ni Autumn. Nakapasok na sa palasyo ang isa sa kanila." sabi ni Gian.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon