Kabanata 42 : Kaibigan

317 34 7
                                    


Kabanata 42 : Kaibigan


"Ngayon lang, samahan mo ako. Ang sabi mo sa akin kapag kailangan ko ng kasama tawagan lang kita. Ngayon kailangan kita, so puwede mo ba akong samahan bilang kaibigan mo?" sabi muli ni Franco kay Gian na ikinatitig ng binata sa batang lalaki.

"Oo naman." sabi ni Gian saka ito kumalma kahit sa isip niya naiinis na siya sa takbo ng pelikula.

Umupo si Gian at napahingang malalim ito saka tumingin muli sa big screen. Natahimik naman si Shaira at napabaling ang tingin niya sa screen.

"Gusto ko lang makita ang katapusan. Then, pagkatapos ng movie uuwi na tayo." sabi ni Franco na ikinatango ni Gian.

Natahimik muli ang lahat, pero ang susunod sa eksena ay nagpakuyom sa kamay si Gian kasabay ng hiyawan ng sixtuplets at mga pinsan nito sa isa naman eksena na umaalab.

"Ayan na!" sigawan ng sixtuplets na ikinatawa ng lahat

"Close your eyes babies." sabi ni Laszlo sabay takip ng sixtuplets sa mga bata sa grupo.


"Uyyyy, nasa edad na ako!"
sigaw ni Haco ng una siyang takpan ng mga mata na ikinatawa ng mga tatay ng mga ito.

"Ikaw ang pinaka sa mga iyan kaya close your eyes Haco." sabi ni Laszlo habang mahigpit na tinakpan ang mga mata ni Haco.

"Hahaha!" reaksyon ng buong grupo.


"Aray! Nandiyan na ang masarap na eksena. Huwag kang makulit Kuya Otto!"
sigaw naman ni Camilo ng takpan ang mga mata nito ni Otto.

"Anong masarap? Ang bata bata mo pa? Hindi ka pa nga tuli." birong sahi ni Otto na ikinatawa ng magpipinsan.

"Hoy! Tumahimik kayo may nagsalsal dito!" sigaw ni Shiloh na nasa kabilang upuan sabay takip sa mata ni Avalon.

"Hahahaha! Hindi totoo iyan Papsi!!!" sigaw ni Avalon ng mapatingin ang amang si Atlas sa kanya.

"Sige pagpatuloy niyo lalabas tayong lahat dito na amoy xonrox." sigaw ni Viggo na ikinatawa ng lahat.

"Langya ang iingay. Hindi ako makapagconcentrate." sabi ni Blaze na marinig na naman ang ingay ng mga pamangkin.

"Siraulo, kay Althea mo na lang papatayuin niyang sandata mo hahaha!" natawang sabi ni Heaven na ikinatawa naman ng grupo ng mga ito.

Napalunok si Shaira dahil ang sumunod na eksena ay pagtatalik muli ng bidang lalaki at babae.

"Hindi ako papayag." sabi ni Gian sa isip dahil nakuha na niya ang kuwento ng pelikuel, si Shaira ang hostess at ang Chef ay ang director sa totoong buhay binago man ang lahat sa ibang tema at timbre pero sa huli nangingibabaw ang gusto ipahiwatig ng kuwento at ng may akda nito.

"Direk, bakit mo ito ginagawa." sabi ni Shaira sa isip sabay lihim na napatingin kay Gian na hindi maitago ang galit at selos.

"May gusto siya sayo, at ngayon niya iyon na-realize. Fuck! At gusto niyang ulitin sayo ang lahat." nagtitimpi sa galit na sabi ni Gian sa isip habang pinapanood ang love scene ng dalawang bida sa pelikula. At sa pagkakatitig niya naiisip niya ganoon ang ginawa ng dalawa habang ginagawa ng mga ito si Franco. Mainit, maalab at halatang nasasarapan ang bawat isa sa isa't isa.

"Bakit ka matatakot kung mahal ka niya?" biglang sabi ni Franco na ikinatingin ni Gian dito.

"....Ikaw ang bumuo sa kanya di ba? Bakit ka magkakaroon ng pagdududa sa isang taong tumanggap sa pagbuo mo?" sabi muli ni Franco.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon