Kabanata 18 : Galit

281 33 3
                                    

Kabanata 18 : Galit

Canmore Telecom Tower

Hours Later


"Sir, nakahanda na po ang bahay niyo at napalinis na po." sabi ng secretary ni Gian ng bumungad ito sa opisina niya.

Napatingin si Gian sa oras alas nueve na ng gabi at naroroon pa rin siya, tinatapos niya kasi ang lahat ng trabaho at ang mga matitira sa tatlong araw kung sakali.

"Okay sige." sabi ni Gian saka napatango ang secretary at umalis na rin ito.

Napangiti si Gian, buong araw siya kanina sa unit nila Shaira at nag-enjoy siyang kasama si Franco na bibo at may kakulitan din. Tinuruan niya ito magluto ng mga simpleng bagay at maglinis ng mga kalat na ikinatuwa ng batang lalaki.

At ang balak niya sa tatlong araw na wala ang ina nito tuturuan niya pa si Franco para matuto itong gumalaw kahit wala ang nanay nito o para makatulong kay Shaira na alam niyang pagkatapos ng trabaho gumagawa pa ito at nag-aasikaso sa bahay nito.

"Tatlong araw, huh! Walang istorbo." birong napangiting sabi ni Gian sa sarili dahil ang totoo hindi siya kasama sa job fair na gagawin sa El Paradiso. Sinadya lang niya isama si Shaira para masolo niya si Franco at maturuan ng walang sagabal dahil nag-eenjoy siyang kasama ang anak ni Shaira.

...............

C-Tower

"Nay may problema po ba?" tanong ni Franco sa ina ng tahimik itong nagbabasa ng folder sa mesa.

Napatingin si Shaira sa anak, matapos nila kumain mag-ina, si Franco ang naglinis at naghugas na ikinapagtaka niya pero muli hindi siya nagtanong hinayaan lang niya ang anak sa gusto nito na hindi naman masama.

Nang hindi magsalita ang ina napaupo si Franco sa tabing upuan ng ina saka nito hinawakan ang kamay ng ina.

"May problema ka po ba? Sabihin niyo po, kanina ko pa kayo napapansin sa folder na iyan na pabalik balik niyo lang binabasa at sa nakikita ko mukhang malalim ang iniisip niyo." sabi ni Franco na ikinaiwas ng tingin ni Shaira sa anak.

"Nay sabihin niyo po para malaman ko." sabi ni Franco na ikinahingang malalim ni Shaira saka nito tiningnan si Franco.

"Anak, kaya mo bang mawala ako ng tatlong araw? May tatlong araw kasi na Job Fair sa El Paradiso at isa ako sa pinadala ng kompanya para sa event na iyon." sabi ni Shaira. Hindi umimik si Franco kaya umiwas ng tingin si Shaira

"...kapag hindi ko kasi tinanggap nakakahiya, trabahador lang ako. Iniisip ko magresign na lang kung hindi talaga puwede. Pero iniisip ko rin mahihirapan tayo lalo ka na." nahihirapang sabi ni Shaira.


Napatitig si Franco sa ina. Bukod sa kanya alam niya iniisip nito ang makakain nila sa araw-araw, ang upa ng bahay, at marami pang gastusin na kasama siya, ang kaligtasan niya at ang kinabukasan niya.

"....iniisip ko aalis din tayo dito kapag umalis ako sa kompanya, alam mo naman di ba si Sir Autumn ang nagpapasok sa akin doon so kapag nagresign ako nakakahiya naman kung dito pa rin tayo titira." sabi ni Shaira na na-guilty sa mga sinasabi.

"...hindi ko dapat sasabihin sayo, kasi bata ka pa saka hindi mo kailangan mamublema at mag-isip kasi trabaho ko iyon bilang nanay mo. Responsibilidad kita at hindi ko puwede ipasa sayo o kahit mag-isip ka." sabi ni Shaira.

Napatingin si Shaira sa folder. Samantalang nanatiling nakatitig si Franco sa ina bakas dito ang sobrang pag-alala at pag-iisip tungkol sa buhay nila particular sa kanya.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon