Kabanata 28 : Ebidensya

293 32 21
                                    

Kabanata 28 : Ebidensya

C-Tower Manila


"Tsss! Umaamin na nga ako Bakit ba ganyan ang mga reaksyon niyo?" sabi ni Gian ng makita ang galit na reaksyon ni Franco.


"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
sabi ni Franco.


"Dahil pinauwi ako ng tatay ko, at kapag hindi naman ako umuwi mapapahamak ang dinadala ng nanay mo. Kailangan ko sumunod para sa kaligtasan nila... niyo."
sabi ni Gian na ikinatitig ng bata sa kanya.

"Kung siya ang tatay, imposible naman na hindi alam ni nanay. Baka manloloko ito, o baka may tililing ito. Kahit ako hindi ako naniniwala, kasi kahit bata pa naman ako imposible naman na nagkiss kayo hindi mo alam kung sino." sabi ni Franco sa isip.

"Baka hindi nga ikaw ang tatay kaya hindi naniniwala si nanay sayo." sabi ni Franco na bakas sa mukha na hindi nga ito naniniwala na ikinatiim ng bagang ni Gian.


"Ako nga ang ama. Ano ba? Maniwala naman kayo."
sabi ni Gian.

"Kung ikaw dapat alam ni nanay dahil imposible na hindi niya alam." sabi ni Franco.

"Lasing siya kaya siguro hindi niya maalala." sabi ni Gian

"Kahit na, kung ikaw iyon hindi niya iyon malilimutan. Ang sabi nila kapag nagbunga ang pagtatalik ibig sabihin special iyon kaya hindi iyon malilimutan ng babae, pero kung hindi ka niya maalala so hindi nga ikaw." sabi ni Franco


"Asar! Paano mo ba paniniwalaan ang sinasabi ko?"
sabi ni Gian na kanina pang umaga napipikon.

"Ang hirap naman kumbinsihin ng mga Pinoy na ito. Nakakainis na. Inaako ko na nga, ayaw pa." sabi ni Gian sa isip.

"Kapag sinabi na ni nanay na ikaw ang ama saka lang ako maniniwala." sabi ni Franco.


"Ano? Eh hindi nga niya maalala."
sabi ni Gian na nagulat at bakas ang pagkainis sa mukha.

"Kasi nga baka hindi ikaw." sabi ni Franco.

"Asar!" sabi ni Gian.

"Maniniwala lang ako kapag sinabi ni nanay pero hanggat si Dave ang sinasabi niyang ama iyon ang paniniwalaan ko." sabi ni Franco.

"Okay pero kapag sinabi niyang ako nga ang tatay, wala ka bang tutol?" sabi ni Gian.

Natahimik si Franco, noong una nagalit siya ng inako ni Gian pero sa isip niya umako na ito at iyon ang mahalaga pero hindi naman kasi ito ang tinuturo ng nanay niya kaya siguro nawala ang inis niya kanina.

Napatitig si Franco kay Gian at napakunot noo ang batang lalaki.

"Pero kung siya ang ama, okay na siguro mukha naman mabait saka mukhang matino. Ang importante responsible, at saka close naman kami. Kaso paano kung magbago ito sa akin. Hala! Baka itsapwera ako nito o baka may balak talaga ito kay nanay tapos ginagamit ako. Hmmnn! Loko ito ha baka kapag ito ang ama tapos umokey sila ni nanay baka...." udlot na sabi ni Franco sa isip ng magsalita si Gian.

"Lahat ng naiisip mo may mali at may tama." sabi ni Gian ng mabasa ang halo-halong emosyon na bumakas sa mukha ng batang lalaki na hindi ni Franco naitago.

Umiwas ng tingin ni Franco, isa sa ayaw niya at kinatatakutan niya ay mawala ang atensyon ng nanay niya sa kanya. Ayaw nga niya ito nag-asawa dahil pakiramdam niya maiitsapwera siya sa bago nitong pamilya.

"Hindi ako ganoong lalaki dahil siguro nakatayo ako sa lugar mo. Alam mo ba nang isilang ako at nagkaisip ako, sinabi ko sa sarili ko na kapag may bago bang anak ang tatay ko saan ako nakapuwesto?

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon