Kabanata 35 : Kontra sa Kontrabida

281 28 9
                                    

Kabanata 35 : Kontra sa Kontrabida


"Oh my God!" napatiling sabi ng isang babae na ikinatingin ng lahat kabilang sila Gian at dalawang kapatid nito.

"Hahaha! Muntik na akong madapa!" natawang sabi ng babae na sa liit nito halos tila papel lang ito na nahagip ng nakaharang na cart ng utility na naglilinis ng palapag na iyon.

"Bansot ka kasi, nakulangan ka sa sustansya." pabulong bulong na sabi ni Jan Carl ng makita si Astraea sa lugar na iyon.

"Kuya, ano ba itong cart mo igilid mo." sabi ni Astraea na nakangiti naman sa utility na lalaki.

"Mas malaki na nga ang cart sa kanya hindi pa niya nakita. Boplaks din eh." mahinang sabi ni Jan Carl na ikinatingin ni Gian sa kapatid ng marinig ang binubulong nito.

Nang tumingin si Gian kay Jan Carl napangisi ito ng makita ng pagkaasar sa mukha ng kapatid.

"Hala! Nasira nagasgasan tuloy." sabi ni Astraea ng mapayuko ito at makitang may gasgas ang mamahalin niyang sapatos na mataas ang takong.

"Langya, nagtakong pa pala pero wala naman effect. Hayuff! Nakakalugi ng negosyo ang babaeng ito." naiiling na mahinang sabi ni Jan Carl na lalong ikinangiti ng lihim ni Gian.

"Mawawala ang atensyon mo sa akin." nakangiting sabi ni Gian sa isip habang pinagmamasdan ng lihim si Jan Carl.

"Sorry po Maam." sabi ng janitor kay Astraea.

Napatingin si Astraea sa lalaki, matanda na ito na mukhang kasing tanda ng lolo Orion niya at ang katawan mukhang sakitin na parang sa lolo Malic niya kaya nakaramdam siya ng habag.

"Okay lang po iyon. Sandali." sabi ni Astraea habang lihim na pinagmamasdan ng lahat ang dalaga sa ginagawa nito.

Kinuha ni Astraea ang mamahaling bag at mula doon nilabas nito ang isang bungkos na lilibuhin na ikinangisi ni Jan Carl

"Pusanggala, pera natin iyon. Impaktitang magnanakaw." mahinang sabi ni Jan Carl na ikinangiti ng lihim uli ni Gian dahil hindi lingid sa kanya ang ginagawa ni Jan Carl at ilang bilyon na ang nalulugi dito dahil kay Astraea.

"Manong tatay, sayo na po itong limang libo. Huwag kang iinum ng alak, huwag mag susugal dahil ang perang ito ay para sa pagkain. Okay?" nakangiting sabi ni Astraea sa janitor na nagulat at hindi nakapagsalita ng abutan siya ng lilibuhin ni Astraea.


"Langya, ginawang foundation ang kompanya ko."
sabi ni Jan Carl sa isip na ganoon lang kadali maglabas ng pera at mamigay si Astraea.

"Alam mo Manong ang pera hindi natin madadala iyan sa kabilang buhay kaya nga ako, binibigay ko iyan sa nangangailangan. At para sa sarili ko, bumibili ako ng mga mamahaling gamit para sulit ang pagkakabuhay ko sa mundo." nakangiting sabi ni Astraea sabay lapit sa iba pang janitor na naroroon at nagulat ang lahat ng mamigay ng tig iisang libo si Astraea.

"Tsss! Pera ko iyon, hayuufff talagang unanong ito hindi niya kasi pinaghirapan ang pera kaya ganoon mamigay at lumustay." inis na bubulong bulong na sabi ni Jan Carl.

Napangiti si Gian sa ginagawa ni Astraea. Nakasuot pa ang babae ng mamahaling damit na pinangangalandakan ang tatak na aabot sa tatlong milyon, ang sapatos nito ay nasa milyon din ang halaga, ang bag, ang accessories na suot, at mukhang ang bag nito ay maraming perang dala na hindi niya alam kung nang-iinis ito o nagyayabang sa laki kinikita ng Casa mula ng ito ang naupo na nailagay pa sa pinakamalaking tax payer sa bansa at pinakamayamang bachelorete sa edad nitong nasa twenties.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon