Kabanata 41 : Carlo

285 29 7
                                    


Kabanata 41 : Carlo


"Papa, pumayag ka na." napalakas na sabi ni Astraea ng hindi na kumibo ang Papa niya na ikinatingin ng mga taong malapit sa upuan ng mga ito at ni Jan Carl.

Napangiti naman si Chhaya sa mag-ama niya, dahil sa mga anak nilang babae ni Autumn si Astraea ang hirap kumumbinsi sa ama dahil siguro may mata ito na nakakakita, hindi tulad ni Suri na alam ni Autumn na hindi magpipilit sa gusto dahil bulag ito o ng bunso nilang babae na bata pa naman at mukhang kapit kay Autumn.

"Papa!!!" sigaw ni Astraea saka ito tumayo at kumandong kay Autumn na tila batang paslit na nagwawala na ikinagulat nila Gian, Shaira at Franco sa asal ni Astraea.

"Pumayag ka na, Papa." sabi ni Astraea sabay yakap ng mga kamay sa leeg ni Autumn sabay halik din sa pisnge ng ama.

"Dali na Papa." sabi pa ni Astraea na ikinangiti muli ni Chhaya dahil seryoso lang at tila manhid si Autumn.

...............

"Ang laki na niya kung umasta parang tatlong taong gulang. Grabe! pandak na abnormal pa." sabi ni Jan Carl sa isip habang nakatingin kay Astraea na nakakandong sa ama nito, ang mga kamay ay nakayakap sa leeg ni Autumn at hinahalikan nito sa pisnge ng ama.

"Papa!" malakas na sigaw uli ni Astraea sabay hawak sa mukha ni Autumn at sinalubong ang titig nito na seryoso lang.

"Tingnan natin kung gagana ang hipnotismo mo sa hari niyo." nakangising sabi ni Jan Carl sa isip habang pinagmamasdan ang mag-ama na nakakaagaw na ng atensyon ng media pero tila wala lang sa dalawa iyon kahit may kumukuha na ng larawan at video sa mga ito.

"Papa, pumayag ka na. Please!!!!" sabi pa ni Astraea sabay yakap sa ama at ang mukha nito ay inihilig sa dibdib ni Autumn.

Napatingin si Autumn sa paligid habang pinag-aaralan ang sinasabi ni Astraea. Ang totoo natatakot siya para sa kaligtasan ng anak niya, pero ayaw naman niyang hindi ito makaranas ng tipikal at masayang buhay.

"Papa, payagan mo na ako." sabi ni Astraea habang nakahilig ang uli nito sa dibdib ni Autumn na tila tatlong taong gulang na pinapatulog ng ama.

"Tsss. Wala talagang hiya." sabi ni Jan Carl sa isip ng makitang tila bata si Astraea habang kandong pa rin ng ama nito at malakas na sumisigaw si Astraea na halatang may gusto ito makuha na ayaw ibigay ng ama nito,

"Okay." sabi ni Autumn ng mapangisi ng maisip ang isasagot.

"Talaga?" napangiting sabi ni Astraea sabay hawak muli sa mukha ni Autumn.

"Oo, alam mo naman ang do's and don'ts di ba?" sabi ni Autumn sabay hawak sa mukha din ng anak.


"Opo."
sabi ni Astraea.

"Mag-iingat ka, at oo nga pala papayagan kita ng buo kung sasabay ka kila Gian at Shaira." mahinang sabi ni Autumn.

"Opo. Salamat Papa!" napalakas sa tuwang sabi ni Astraea sabay yakap sa ama na ikinangiti ni Franco habang nakatingin sa mag-ama.

Napaiwas ng tingin naman si Jan Carl ng napatingin sa puwesto niya si Autumn.

"Huh! Magaling nga maghipnotismo. Mukhang pinayagan ka nga ng ama mo, good job Crail nauto mo ang unanong reyna." sabi ni Jan Carl sa isip.

.......................

"Anak, umupo ka ng maayos. Magsisimula na." sabi ni Chhaya sa anak.

"Sige po. Pero Mama narinig mo po, pinayagan ako ni Papa." sabi ni Astraea kay Chhaya.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon