Kabanata 10 : Kadugo

245 29 4
                                    


Kabanata 10 : Kadugo

Days Later


"Ate Hestia dito na lang po ako." sabi ni Franco ng makababa ng kotse nila AJ at Hestia.

"Uyyy, hindi puwede kaya ka nga namin sinundo para dalhin ka ng personal mo sa nanay mo." sabi ni Hestia.

Araw ng Sabado ng maisipan nila AJ at Hestia na sunduin si Franco sa bahay nito para makasama nito ang inang si Shaira. Kasama nila ang aso nito na ayaw iwan ni Franco sa bahay ng mga ito.

"Dito lang ako maghihintay kasama ko naman si Doggo." sabi ni Franco tukoy sa aso nito.

Napatingin si Hestia kay Aj na nakatitig sa batang lalaki.

"Hayaan mo na." sabi ni Aj.

"Pero wala siyang kasama." sabi ni Hestia na ikinangiti ni AJ dahil tila anak nila si Franco kung ituring ni Hestia lalo na at namimiss nito si Laurent na ilang araw na nila hindi kasama.

"May kasama siya si Doggo nga daw." sabi ni Aj kay Hestia.

"Baka mapaano siya." sabi ni Hestia na ikinangiti ni AJ

"Strong siya parang si Laurent." sabi ni Aj.

"Paano kung mapahamak siya? Awayin kita." sabi ni Hestia na ikinatawa ni AJ.

"Hahaha! May guard naman, saka uwian na. Bababa na rin si Shaira." sabi ni Aj.

Napatingin si Hestia kay Franco habang karga ang aso nito.

"Ate okay po ako dito." sabi ni Franco.

"Sure ka?" sabi ni Hestia.


"Opo."
sabi ni Franco

"Okay. Mag-iingat ka, huwag kang lalayo at sasama sa iba." sabi ni Hestia na ikinangiti at tango ng batang lalaki.

"Ingat ka." sabi ni Aj kay Franco sabay gulo sa buhok ng batang lalaki at sa aso nito na tumahol pa sa ginawa niya.

"Opo. Salamat po kuya." sabi ni Franco na ikinangiti ni AJ.

Naiwan si Franco at ang aso niya kaya pumuwesto siya sa gilid ng gusali kung saan siya naghintay sa nanay niya dati. Umupo sila doon ng aso niya habang nakatingin sa mga dumadaan.

Ilang sandali pa ng may namataan na pamilyar si Franco at ilang sandali lang ng mapangiti ito ng matukoy kung sino iyon.

"Si daddy." sabi ni Franco sa sarili ng makita ang pamilyar na mukha na minsan na niya nakita

Tumayo ang batang lalaki at sinalubong ang lalaki na papasok sa naturang gusali.

"Daddy." napangiting sabi ni Franco na ikinatigil ng lalaki.

Napakunot ang noo ng lalaki habang nakatitig sa batang lalaki.

"Kamusta po?" sabi ni Franco saka nito kinuha ang cellphone at mabilis na binuksan iyon at pinakita ang larawan sa tinawag nitong daddy.

"Sino siya?" sabi ng kasama ng lalaki.

"Hindi ko alam, baka nanghihingi ng limos." sabi ng lalaki.

"Daddy." sabi ni Franco ng marinig ang sinabi nito.

"Bigyan mo na." sabi ng lalaki.

Kumuha ng pera ang lalaki at ibinigay iyon sa bata na ikinatingin ni Franco dito.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon