Kabanata 51 : Pagkilala

258 31 6
                                    

Kabanata 51 :  Pagkilala

Days later


"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Dylan ng makita ang dating nobyo o kinakasama

Napatingin si Franco sa dalawa, ilang araw ang nakalipas ng makita niya si Mitsui at nagtaka siya sa pag-uwi niya ng gabing iyon wala na ito sa bahay ng tatay niya kaya hindi rin naman niya sinabi sa ama niya na dumating ito.

Hindi na nga ito nagpakita muli ng ilang araw, pero ngayon sumulpot na naman ito na ipinagpapasalamat niya naroroon ang tatay niya.

"Asawa mo ako kaya ako nandito." sabi ni Mitsui

"Fuck you! Hindi kita asawa." galit na sabi ni Dylan kay Mitsui

Napangisi ang lalaki saka ito bumaling ng tingin kay Franco

"Nakuha mo na siya so kompleto na tayo." sabi ni Mitsui.

"Gago, hindi ko siya kinuha para sa atin dalawa. Kinuha ko siya para makabawi ako sa kanya kaya umalis ka na nga." sabi ni Dylan.

"Talaga lang ha. O kinuha mo siya dahil akala mo babalikan ka ni Shaira?" inis na sabi ni Mitsui.

"Eh ano ngayon sayo." sabi ni Dylan na ang totoo hindi na niya inaasahan na babalik pa si Mitsui matapos ang ginawa nito sa kanya pero ngayon nagtataka siya at nasa harapan niya ngayon ito.

"Ayos din eh 'no nakakabalik pala sa pagkalalaki ang sakit mo?" sabi ni Mitsui.

Napatingin si Franco kay Mitsui sa sinabi nito, ang totoo hindi niya pa tinatanong ang tatay niya regarding sa sakit nito dahil nakikita naman ng mga mata niya ang pagpapagamot nito at ang mga tinuturok ditong gamot na hindi naman makakailang may sakit nga ito.

"Siraulo ka, hinawaan mo ako kaya ako nagkaroon." sabi ni Dylan.

"Hon, wala kang sakit kaya huwag mong lokohin ang bata. Simpleng tulo lang yan." sabi ni Mitsui kay Dylan.

Napatingin si Franco sa dalawa, ang totoo nalilito at naguguluhan siya at pakiramdam nga niya gumugulo ang buhay niya ngayon dahil sa pagsulpot ni Mitsui sa buhay nila mag-ama.

Napatingin si Dylan sa anak na si Franco habang nakamasid lamang ito sa kanila ni Mitsui.

Nasa sala sila ng araw na iyon ng sumulpot si Mitsui sa bahay ni Dylan. Nakikipagbalikan ito pero ayaw na niya dahil nakapokos siya sa anak niya.

"Ayusin natin, tutal nandiyan na ang anak mo." sabi ni Mitsui na ikinatingin ni Dylan dito.

".....wala naman akong ginawa sayo, hindi ko sinasadya na mahawaan ka." sabi ni Mitsui.

"Nakipagtalik ka sa iba kahit kasal na tayo kaya ka nagkaroon at talagang binigay mo pa sa akin." sabi ni Dylan.

"Ikaw din naman." sabi ni Mitsui na ikinayuko ni Franco sa mga naririnig na para sa kanya maselan ang mga bagay na iyon na hindi puwede marinig ng batang katulad niya.

"Siraulo. Nauna ka." sabi ni Dylan

"Nauna ako, kasi nakikipaglandian ka kay Agatha. Fuck! Dylan. Asawa na kita pero babae pa rin ang hanap mo and worst talagang ginawa mo pa rin iyong pelikula na si Shaira ang iniisip mo." inis na sabi ni Mitsui.

"Tay, aalis po muna ako." sabi ni Franco na hindi matiis ang mga naririnig o hindi niya masikmura.

"Anak dito ka lang sa tabi ko at kung may aalis si Mitsui iyon." sabi ni Dylan kay Franco.

3.18 Ang Prinsipe at Ang Paraiso : Gian Carlo & Shaira (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon