AA o2 ~ The Party!

9.3K 263 10
                                    

Yuri's POV :)

And finally,narating ko din ang kwarto ni Ate Angel. My Gawd naman kasi tong bahay nila, kahit ilang beses na ako pabalik balik dito napapagod pa din ako sa sobrang laki. Kung may baguhang papasok sa bahay na to malamang maligaw!

"After 195.6 years you finally came" salubong ni Ate Angel sakin ng pumasok ako sa kwarto niya. Nakaharap na sya sa salamin nya. Excited lungs?

"Pasensya naman teh ha? Ang layo kasi ng kwarto mo,ilang kanto pa dito sa second floor ang niliko ko,kung bakit kasi tagong tago ang kwarto mo?" sagot ko at lumapit na. I prepared na my make up kit.

"Haha! Para hindi madali mahanap ng mga pinagtataguan ko" sabi nya while Im putting foundation on her face.

"Ate sabihin mo nga sa akin bakit kailangan ng party party na yan?" tanong ko naman.

"Actually its a Grand Reunion ng tropahan nina Mom at Dad,plus ng tropa namin. Matagal tagal na kasi yung last time na nagkasama lahat" magiliw na sagot ni Ate Angel.

Ang ganda talaga neto,pangitan ko kaya ang make up? Haha! Huwag baka mapatay ako ng wala sa oras XD

"Ow,I see,kaya invited din ang mga malalapit na kaibigan? Pati kami nina Mama?"- ako.

"Oo naman,walang exemption,and its about time na makita ka na nila no? My God Yuri youre now 21 years old and still youre acting like the old bitter high school Yuri" sabi nya. Okay?! Ang brutal nito ni Ate ah?

"Sobra ka ate ah! Papapangitin kita sige ka!" nasabi ko na lang,then she chuckled.

After 30 minutes natapos na din kami. Sinabihan na din ako ni Ate na mag prepare na. Dahil nga katabi lang ang bahay namin may sarili kaming daanan haha!

Naligo agad ako, I blow dry my hair after ko makapag bihis. Fitted na jeans,shirt na color pink. Then itinali ko buhok ko pataas.

Ganyan lang ka simple. Wala ng che che bureche o kung ano pa man. I told you,hindi ako yung beki na ganun okay? =)

7pm na at mukhang nagsisimula na din sila. Nagdatingan na mga bisita. Iginala ko ang paningin nagbabaka sakaling makita si Odi.

Pero iba ang nakita ko at nakakuha ng atensyon ko, ang tropa nina Kuya Jiian at ate Angel na naka pwesto sa isang long table.

I was amazed ng may makita akong kalahi! Haha! In all fairness,maganda sya ha? Beauty Queen material na beki. Napansin ako ni Ate Angel kaya she gestured na lumapit ako,and so I did.

Pinakilala nya ako at magalang naman din ako nakipag kilala.

"Guys this is our cousin Yuri, Yuri they are Dex at asawa nyang si Honey,Brylle at asawa nyang si Ira,Kevin and Arvin the lifetime partner,Pipay and Prinz ang magjowang baliw" sabi ni Ate Angel. The thing is,they are still looking at me.

"I remember now, youre my brother's ex boyfriend" sabi nung Dex. Waahh! Nakakahiya!

"Sa wakas nakilala ka na din namin,pinsan mo pala tong kambal" naka ngiting singit naman ni Honey.

Pinaupo nila ako at ininterogate. Santisima barbaridad! Kung baliw ang mga tropa ko parang ang mga ito ang ninuno! Dinadagdagan pa ni Kuya Brian! Ang saya nila! Ang saya nilang ginigisa ako,mga animal! XD Tatawa tawa lang si Ate at Kuya.

"Hoy ate Marian wag ka na makitawa utang na loob! Wala ako kakampi! Ate Angel sige dagdagan mo pa! Hindi ko aalagaan mga anak nyo!" sabi kong ganyan na tinawanan lang nila.

Pero deep inside natutuwa ako dahil nakilala ko na sila. Its not that bad after all.

"Andito ka lang pala" napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Odi.

AFTER ALL [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon