Clyde's POV
Five days ng walang malay si Yuri,nandito ako ngayon sa ospital,kagagaling ko lang sa Funeral ni Gelo. Nandun pa ang tropa.
Si Kurt ayaw umalis dun,guilty daw sya kaya kailangan nyang bumawi kahit papano. Wala naman sya dapat ika guilty dahil aksidente lang ang lahat.
Hanggang ngayon parang hindi pa din ma absorb ng utak ko ang mga nangyari. Parang walang katapusang problema na lang ang dumadating sa mga kaibigan ko. Ganun ba kasama ang magmahal ng kaparehong kasarian? Kaya pati ang tadhana gumagawa na ng paraan para paghiwalayin sila? Nagmahal lang naman sila. Alin ba ang masama? Ang magnakaw,pumatay,manakit o magmahal ng kaparehong kasarian? Ganon ba kasalimuot yon?
Inilapit ko ang upuan sa tabi ng higaan ni Yuri. Nakakaawa sya. Hinawakan ko ang kamay nya.
"Best,hindi ko alam kung paano namin sasabihin sayo ang lahat lahat pag nagising kana,sana kayanin mo,alam kong matapang at malakas ka" pagkausap ko sa kanya kahit alam kong hindi sya sasagot.
Bigla na lang gumalaw ang kamay nyang hawak ko. Nabigla ako at hindi nakakibo. Umungol pa sya na tila nagigising na.
Sakto bumukas ang pinto at pumasok mga magulang niya kasunod ng tropa.
Muli gumalaw ang kamay nya at umungol sya,natigilan ang lahat.
Para bang tumigil ang pag ikot ng mundo namin ng pati ang katawan nya ay igalaw nya.
Maya maya ay nagmulat si Yuri ng mga mata,matagal nya akong tinitigan na parang nagtataka. Bumaling sya sa tao sa paligid.
"Ma? Pa? Anong nangyari? Bakit nandito ako?" pagkuway tanong nya,agad lumapit si Tita Rizza sa kanya at niyakap sya habang umiiyak.
"Sa wakas anak, nagising ka na" ani Tita Rizza. Nakaramdam ako ng ginhawa dahil nagising na sya.
"I'll call the doctor" sabi naman ni Tito Kenji at agad lumabas.
"Ano ba nangyari ma?" takang tanong ni Yuri. Hindi makasagot si Tita na para bang hindi alam ang sasabihin.
Lumapit ang tropa at pumaikot sa higaan,lahat may luha at ngiti,dahil sa wakas,nagising na sya.
"Naaksidente kayo best,limang araw ka ng hindi gumigising" ako na ang sumagot sa tanong nya.
"Naaksidente? Best? Kelan?" tila naguluhan nyang tanong at bumaling kay Tita.
"Ma? Anong sinasabi nya? Diba pupuntahan ko lang naman sina Kuya Jiian? Pano ako na aksidente? Saka sino sya?" sabi nya. Natigilan ako at nawala ang ngiti. Maski ang tropa ay nagulat.
"Sino ka ba? At kayo sino kayo? Bakit nandito din kayo?" baling nya sa amin.
Anong nangyari? Bakit hindi nya kami kilala?
Maya maya ay dumating na ang Duktor kasama si Tito Kenji.
"Doc,anong nangyari sa anak namin? Bakit hindi na nya makilala mga kaibigan nya?" umiiyak na sabi ni Tita.
"Anong ibig mong sabihin Hon?" takang tanong ni Tito Kenji.
"We'll make some test for him,mukhang nagkaroon ng malakas na impact sa utak nya ang aksidente,if you'll excuse us,maari po munang lumabas kayo" sabi ng Duktor na sinunod naman namin.
20 minutes din kaming naghintay sa hallway ng lumabas ang ductor,agad lumapit sina Tito at Tita dito.
"Mr.And Ms.Mendoza tama nga na may amnesia ang inyong anak dahil sa malakas na impact ng pagkaka umpog ng ulo nya, meron syang Retrograde amnesia In this form of amnesia the affected individual will be unable to recollect events that occurred before the amnesia set in. The condition is caused either by disease or a brain injury especially in areas linked with episodic memory-the hippocampus and the median temporal lobes.
Memory is poorest regarding events that occurred just before amnesia set in. Early memories are comparatively safe with memory decline building up to the event. No cure has yet been found for this condition. May mga tinanong ako sa kanya,and unfortunately, hindi nya matandaan ang mga pangyayari four years ago,maski ang mga tao sa panahong yon, ang tanging natatandaan nya daw ay bago sya mag fourth year high school kasunod agad ay ang mga nangyari ngayon maliban sa aksidente,kumbaga parang cd na tumalon ang eksena,bihira ang mga ganitong kaso, just have faith na babalik din ang mga nawalang alaala sa kanya,tulad ng sabi ko,wala pang gamot dito,you just have to wait and be patience" mahabang paliwanag ng duktor.
"Eh Doc,pero pano yung mga taong naging bahagi ng buhay nya after four years?" paninigurado ni Tito Kenji.
"That's the Good thing,tanda nya ang mga yon at pangyayari on that time frame" sagot ng Ductor.
"Thanks Doc" pasalamat nina Tita dito at umalis na ang duktor,sina Tita naman muling pumasok sa silid kung san naka confine si Yuri.
Para akong nabingi sa nadinig ko. Ibig sabihin hindi nya kami maalala? Dahil fourth year high school na kami ng magkakila kilala. Maski si Gelo hindi nya maaalala. Oh God!
Tulalang naglakad ako palabas ng ospital at tuliro. Ano na mangyayari ngayon?
"Bro kailangan na tong malaman ni Kurt" sabi ni Pat. Sumunod pala sila sa akin. Nandito na kami sa parking.
"I can't believe this! Hindi na nya tayo maalala!" - Sugar.
"Bakit ba kasi may ganong amnesia? Parang lumaktaw,parang sinadya"- Jepoy.
"Ngayon ang problema natin,pano natin mahihikayat si Yuri na pumunta sa libing ni Gelo kung hindi na nya yon makikilala,Im sure magtataka yon" - Jopet.
Napaisip ako dun. Kahit man lang sana sa huling hantungan ay maihatid ni Yuri si Gelo kahit hindi na nya ito maalala.
"Madali lang masasabi nina Tito Kenji na yung kaibigan nila eh namatayan ng anak,pero paano pag nagtanong tanong na si Yuri? Sasabihin ba nina Tita? Sasabihin ba natin?- Jinx.
Argh! Napasa bunot na lang ako sa sarili sa sobrang frustration. Agad akong niyakap ng mahal kong si Kath.
AN ~ Hello po! Maikli ata toh,bawi na lang po ako ulit next Update :)
BINABASA MO ANG
AFTER ALL [Completed]
RomanceThis is the Book2 of Inlove With You. Lets see what will happen sa bagong yugto ng buhay ni Yuri at ng iba pa nating bida :)