AA 16 ~ Mall Encounter

6.4K 179 10
                                    

Kurt's POV

Sumasakit na ulo ko sa sobrang babad dito sa work. Ewan ko ba kay kuya Dex parang walang bakas ng pagka stress at ganadong ganado pa? Sa bagay ikaw ba naman ang uuwi ng bahay na may madadatnang magandang asawa at isang supling,tanggal talaga siguro lahat ng pagod nya.

Makapag liwaliw nga mamaya,sino kaya pwedeng isama? Tangena kasi ng tropa eh,wala ka ligtas pag nagpasama ka sa isa sa kanila. Talagang papanindigan nilang magpalibre =__=

Dahil hindi na ako makatiis lumabas na ako.

"Lhen,cancel all of my appointments today,I'll just deal with them tomorrow,at pag may naghanap,tumawag o si kuya Dex ang nagtanong, paki sabi na may importante akong pupuntahan okay?" bilin ko sa aking secretary pag labas ko sa personal office ko.

"Sige po Sir,ako na ang bahala, ingat po" sagot nito. I just nod and smiled then nagtuloy tuloy na ako sa paglabas sa department namin.

I headed straight to the elevator at ng dumating ito sa floor na kung nasaan ako ay agad ako pumasok pagkabukas nito. Binati ako ng mga employees ng kumpanya na nakasakay din dito.

Suddenly may nadinig akong tugtog.

~Mga tambay lang kami sawa sa babae,mga babaeng manloloko pineperahan lang kami ~

Bigla na lang akong napangiti,yan din yung tugtog noon sa taxi na nasakyan namin nung naging kami ni Yuri at first date namin yon.

I remember buying a couple phone para sa aming dalawa,kumain sa Jollibee at naglibot sa mall. Bata pa kami nun pero alam ko na sa sarili ko na sya na talaga ang mahal ko. Wala ako paki alam kahit bakla sya. Yon ang unang pagkakataon na nagmahal ako ng sobra. At madami ako pinagsisihan noon kung bakit sya nawala sa akin,pero hindi selfish ang pagmamahal ko sa kanya,alam kong kay Gelo sya sasaya kaya nagparaya ako, love is selfless,kaya lang bandang huli iniwan din sya nito, mabaet naman si Gelo at naging tropa na talaga namin sya. I just didnt expect na kamatayan nya pa ang maghihiwalay sa kanila ni Yuri. Napaka saklap.

Hanggang ngayon kinakain pa din ako ng guilt,kung sana mas malakas ako edi sabay ko sila ni Yuri nailabas sa kotse noon bago ito sumabog. Edi sana walang namatay. Walang nagka amnesia.

Amnesia. Bakit kaya kay Yuri pa yon nangyari? Ang masakit pa kaming mga importanteng tao ang nakalimutan nya. Pinili ng tropa na dumistansya muna pang samantala at hayaang si Yuri ang maka diskubre at maka alala ng lahat. Hindi din makakatulong na kami ang magpapa alala. Mahirap na baka ma pressure pa sya. Pero kahit may amnesia sya at pagkakataon ko na para maging akin sya ay hindi ko iyon gagawin,mahal na mahal ko si Yuri at hindi ako sakim,ang tanging magagawa ko lang,magagawa namin ay suportahan sya hanggang dumating ang tamang oras na magbalik na sa kanya ang lahat. At saka nirerespeto ko din naman si Gelo kaya wala talaga akong planong agawin sya kahit malaki na ang chance ko. I just cant do that.

Natigil lang ang pag-iisip at pagbabalik ko sa nakaraan ng tumunog na ang elevator. Nasa groundfloor na pala,hindi ko namalayan.

Dali dali akong sumakay sa kotse ko na hindi alam kung san pupunta.

Hanggang sa magtraffic sa tapat ng isang park. I remember this park. Dito din naaksidente noon si Yuri. Tiningnan ko ang mga taong masayang nasa park hanggang may makita akong pamilyar na tao.

Nagtayuan ang mga balahibo ko. May nakita akong isang pamilyar na tao. Pasimple kong itinabi ang aking kotse sa gilid ng kalsada at bumaba sa kotse.

Could this be? No pano?

Inikot ko ang buong park pero hindi ko na ulit nakita yung pamilyar na tao.

I just shooked my head because of that. Sobrang stress na siguro ako at mukhang kung anu-ano na ang nakikita ko.

Dahil sa wala akong mapuntahan,sa mall ko na lang naisipang magliwaliw.

Parang batang naglaro ako sa timezone. Ang sarap sa pakiramdam na nagawa ko ulit ang mga bagay na to after 6years. Nang maka graduate kasi kame ng High school eh nag level up ang mga ungas,since college na daw kami hindi na daw bagay samin ang mga ganito,parang mga timang lang >_

Ng mapagod ay naupo ako sa isa sa mga upuan. Then ng sa tingin ko ay humupa na ang pagod naglakad na ako para maghanap ng makakakain.

Pinili ko na lang sa food court kumain. Trip ko eh. Ng maka order na ako ng pagkain ay nagsimula na akong kumain.

"Yow! Dating yourself?" napalingon ako sa nagsalita.

Si Odi kasama si Yuri kaya hindi ko napigilan magsalubong ang mga kilay. Bakit sila magkasama? Ang kapal din ng mukha ng lalaking to eh! Sarap basagin ng bungo!

"Yup,and Im enjoying it, you?" inis kong sagot sa gagong to. Bakit kasama sya ni Yuri? Psh!

Bago sumagot ay ngumiti pa ng nakakaloko ang gago :/

"You see,pinapasyal ko boyfriend ko, yup you heard it right,boyfriend ko na si Yuri" sabi nito.

WHAT? PANO? Ediba dinispatsa nya si Yuri dahil nandidiri sya dito? Bakit nagkaganon?

Tiningnan ko si Yuri na parang nanghihingi ng explanation. Hindi naman ata tama na porket may amnesia sya eh sasamantalahin na.

"Totoo?" hindi ko maiwasang itanong. Tango ng isang nahihiyang tao ang sagot ni Yuri.

Shit! Anong ginawa mo Odi? Humanda ka sa akin!

"O sige na dude,maiwan kana namin" sabi ni Odi. Hindi na ako sumagot. Inis ako eh. Gagong Odi to,anong ginawa nya kay Yuri?!

Ang gagong yon?! Nag take advantage sa mga pangyayari! Ano kayang binabalak ng ungas na yon? Kailangan ko alamin para mapigilan. Nabubwisit ako,akala mo kung sinong anghel ,demonyo naman pala. May mapatunayan lang ako,basag sa akin mukha nya!

AN ~ I know its a lazy Update,kailangan yan mailagay eh haha! Para mag process na yung story :) kung mabaet vote and comment po,thank you for reading ^o^

AFTER ALL [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon