AA 17 ~ The Park Part 1

6.2K 179 11
                                    

Kurt's POV

Hindi ako mapakali sa nalaman ko. Alam kong sinasamantala ni Odi ang pagkakaroon ng amnesia ni Yuri. Kaya kinagabihan pinatawag ko ang tropa at dun kami kina Jinx nag meeting.

"Anong meron bro?" bati ni Clyde at pumasok na sila lahat. Kami naman ni Jinx ay kanina pa nandito. Kinukulit na nga nya ako kung para saan ang meeting,sabi ko malalaman din nya pag nandito na ang lahat.

"Mukhang importante ah? Ang seryoso ng mukha mo" sabi naman ni Marx at nagsi upo na sila.

"Its about Yuri" sagot ko.

"What about him?" - Sugar.

"Bumalik na ba alaala ni Yuri-chan?^o^" - Kousagi.

"and.. Odi" dagdag ko naman na ikina kunot ng mga noo nila.

"Anong meron kay Papa Odi at Yuri?"- Jepoy.

"Teka? Diba't hindi sila okay? Umiyak pa nga sya diba?"- Jopet.

"What do you mean?" takang tanong ni Aifha. Oo nga pala,walang alam ang mga girls sa nangyari nun.

"C'mon! Spill it out Kurt"- Kath.

"Remember the Alumni nung nakina Jopet na tayo at dumating si Yuri kasama si Gelo at Odi? Si Odi ang kasama ni Yuri sa kwarto at may nangyari sa kanila" panimula ko. Nanlaki naman ang mga mata ng mga babae.

0_0 <- yan sila.

"My Gawd! Naunahan ako ni Yuri! Kung alam ko lang!" sabi ni Jepoy na gulat na gulat.

"Poy!!" suway nila.

"Hihi sorry^o^V"- Jepoy.

"Then after that,matagal na hindi nagpakita si Odi kay Yuri,at nung may chance na magkausap sila, sinabi ni Odi kay Yuri na nandidiri sya sa nangyari at sinabihan pang huwag na silang magkita ulit" dagdag ko. Gusto ko ma explain sa kanila ang lahat para after this ay magkaroon kami ng solidong plano.

"That Monster! Sinabi nya yon?! Kapal ng mukha nya ah?!" galit na sabi ni Sugar. Sa tropa talaga sya laging affected pag may nangyayari kay Yuri,syempre ako at si Clyde din,hindi na lang namin pinapahalata.

"Relax Sugar, so ano na sumunod na nangyari dude?"- Pat.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

"Kanina nag mall ako at nakita ko silang dalawa, believe it or not,silang dalawa na. I dont know what happen basta ang alam ko may pinaplano yang si Odi" sabi ko.

"WHAT?! Agad agad? Sila na?!"

"Kung ganon,sinamantala pala ng Odi na ito ang Yuri natin? So ano gagawin natin?" - Jinx

"Malapit na birthday ni Yuri,at ako mag sa-suggest kina Tito at Tita na sa isang Resort na lang yon gawin" sagot ko naman at saka sumandal sa sofa. Parang ngayon ko naramdaman ang pagod kakaisip.

"So whats the plan then?"- Aifha.

"Sa birthday nya,gagawin natin lahat ng possibility na may maalala sya without forcing him,at pasimple nyo syang ilayo kay Odi,while kaming mga boys ang mag iimbistiga kung ano talaga plano ni Odi" pagtatapos ko sa plano.

"Im so excited! Matagal natin tong hindi ginawa!" bulalas ni Kousagi.

"Kaya kailangan,galingan natin, hindi naman pwedeng kanya lang si Yuri tapos mapapasama pa? Masyado na madaming pinagdaanan ang kaibigan natin para may maranasan pang masakit!" segunda ni Clyde. Napangiti na lang ako eh. Parang dati lang din, mahal na mahal nya si Yuri pero nagparaya sya para sa akin at sinayang ko naman. Nahuli na ako ng pagbawi dahil may Gelo na dumating sa buhay ni Yuri.

"TAMAAAA!?!" sabay sabay nilang sabi at saka nagtawanan. Mga baliw talaga.

Yuri's POV

Hayst! Ang bilis ng araw, isang buwan na din kaming mag on ni Odi. Masaya naman ako sa kanya pero parang may kulang. Ewan hindi ko din maipaliwanag eh.

Tapos next week na birthday ko,sabi nina Mama at Papa sila na daw bahala kaya ipinaubaya ko na lang sa kanila ang lahat.

Andito ako sa kwarto ko at bored na bored? Ano kayang dapat gawin?

Bigla na lang sumagi sa isip ko yung itsura nung Kurt ng malaman nyang kami ni Odi. Ang mga mata nya full of dissapointment parang tulad kina Pipay at Prinz. Ano bang meron? Pakiramdam ko may ginagawa akong mali dahil sa ganung reaksyon nila.

Tapos paminsan minsan pa biglang may magfaflash na eksena sa isipan ko kaya lalo ako naguguluhan. Ano bang meron sa mga alaalang nawala sa akin.

Hayst! Hindi ko na matiis,mababaliw na ako kakaisip.

Agad akong lumabas at pumunta sa katabing bahay,kina Tito Paul. Makikipaglaro na lang ako sa mga pamangkin ko para malibang ako.

Laking dissapointment naman naramdaman ko ng sabihin ng isa sa mga katulong na umalis ang buong pamilya. Bakit hindi sila nagsabi? Bakit wala kaming alam?

Hayst,kahit saan na nga lang basta malilibang ako. Maybe sa Mall. Tama! Dun na lang! XD

Agad kong tinungo ang kotse ko at pinasibad ito.

Drive lang ako ng drive hanggang sa biglang may eksenang pumasok sa isip ko.

Nasa kotse daw ako. Nasa passengers seat at ung driver eh iniiwas ang sasakyan hanggang sa puro liwanag at ingay na lang ang sumunod na eksena.

Napatigil ako sa pagdrive,sumakit bigla ang ulo ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa akin.

Nasa tapat ako ng isang park.

Pamilyar sa akin ang park na to, parang nakapunta na ako dito noon. Agad kong ipinark sa tabi ang kotse at lumabas. Parang may kung anong enerhiya ang humihila sa akin sa park na ito.

Naglakad lakad pa ako,bawat bahagi ng park ay pamilyar sa akin, para bang biglang gumaan ang pakiramdam ko.

Umupo ako sa isang bench at patuloy na pinagmamasdan ang paligid,ang mga tao. Hanggang natutok ang tingin ko sa isang puno. Ewan ang weird ng pakiramdam pero parang tinatawag ako ng puno kaya agad ko itong pinuntahan.

Umupo ako sa lilim nito at isinandal ang aking ulo sa katawan ng puno. Pumikit ako. Napaka relaxing at napaka calm sa pakiramdam. Parang hinehele ako.

Napadilat ako ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. And I was right. May lalaking nakatayo sa harap ko at nakatingin sa akin. Agad ako napatayo dahil pamilyar sya sa akin.

AN ~ OOOPPPSS! Maya na po ang karugtong sa susunod na chapter :) nga pala baka hindi umabot ng 30 chapters to. Sa baka madaling matapos :)

AFTER ALL [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon