AA 20 ~ The Past Returns!

6.5K 190 11
                                    

Yuri's POV

Kinabukasan nagising ako na parang may humahalik halik sa akin. Pag dilat ko,naka ngiting si Odi ang bumungad sa akin.

"Happy Birthday my love" aniya, at bumangon na din ako at kinusot kusot ang mga mata.

"Thanks" nakangiti kong tugon. "nasan sina Mama at Papa?" dagdag ko at tuluyan ng tumayo.

"Maaga sila nagpunta dun sa Resort,sila nina kuya Brian ang magkakasama, dalian mo maligo kana baka may magawa ako sayo" sagot naman ni Odi na nakangisi.

"Baliw ka! Sige wait lang" sabi ko na lang at pumasok na sa loob ng CR. Syempre habang naliligo siniguro kong malinis at mabango ang katawan ko. After mag balot ng towel sa katawan ay agad akong nagtoothbrush na.

Agad din kaming umalis dahil medyo malayo yung resort. Inabot din kami ng isang oras sa byahe. Pero nag enjoy ako sa mga tanawin na nadadaanan namin.

Ng makarating sa Resort ay namangha naman ako. Talagang inarkila at pinaghandaan nina Mama at Papa ang birthday ko.

Pagpasok palang ng sasakyan sa pinaka parking ng Resort napanganga na ako eh. Napaka ganda ng asul na dagat at ang buhangin kulay puti at pino.

"Ayos dito ah?" sabi ni Odi at inalalayan pa ako paglabas sa kotse. Kahit kailan talaga,mula ng maging kami he always act like that na para ba akong isang babasaging bagay na kailangan protektahan.

"Oo nga eh,ang galing pumilh nina Papa" pag sang ayon ko.

Naglakad pa kami ni Odi papunta sa isang two storey building na napakalaki. Iyon siguro ang pinaka hotel sa resort na ito. Mukhang walang tao at kami kami lang talaga.

Malapit na kami sa Hotel na yon ng mapalingon ako sa isang cottage malapit lang din dun.

Anong ginagawa nila dito?

Nasa cottage sila at parang nag iihaw at masayang nagtatawanan. Ng mapansin nilang nakatingin ako sa kanila ay natigil sila sa ginagawa. Lahat ngumiti sa akin.

I dont know,pero sa mga ngiti nila at tingin parang may humaplos sa puso ko. I felt loved.

Naalimpungatan lang ako ng may sumisigaw na tumatakbo palapit samin ni Odi kaya napatigil din si Odi sa paglalakad.

"YURI-CHAN!" sigaw nung babaeng isip bata na may kulay pink na buhok. Ang weird! =__=

Bigla na lang syang dumamba sa akin at yumakap kaya nagulat ako pareho kaming tumumba sa buhanginan.

"Happy Birthday Yuri-chan! I missed you! Youre still so kawaii^o^" sabi nito at pinahahalikan pa pisngi ko.

Eeww! Girl hindi tayo talo! Pero bakit ganun? Napapangiti ako? The feeling was nostalgic.

"Ahem" agad kaming napatayo at nagpagpag ng katawan dahil sa kunwaring pag ubo ni Odi.

"C'mon Yuri-chan,lets go the Hotel,they are all waiting for you, Odi-sun follow us! Daijobu?" sabi nito at hinila na ako ng tuluyan papasok sa Hotel,walang nagawa si Odi kundi ang sumunod.

Pagkapasok palang sa Lobby eh namangha na ako. May banner ng HAPPY BIRTHDAY, may mga balloons,buffet table.

Agad akong sinalubong nina Mama at Papa ng nakangiti. Niyakap ko sila parehas. Masayang masaya ako.

"Happy birthday anak" sabay nilang sabi.

"salamat po Ma,Pa" maluha luha kong sabi. Ngayon lang kasi ako nag celebrate ng birthday ng ganito at sa isang Resort pa.

"Walang anuman,hala sige magpahinga muna kayo saglit ni Odi at magbihis,mamaya ng konti tatawagin na namin kayo" sabi ni Mama.

"Talagang nagprepare kayo ah" pagkuway sabi ko.

AFTER ALL [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon