Yuri's POV :)
Its been one week since nung Alumni,nakakapanibago dahil walang Odi na nangungulit at pumupunta sa office. Siguro dahil sa nangyari umiiwas na din sya. Pero wala naman ako magagawa dun sa gusto nya. Hintayin ko na lang ang time na lumapit ulet sya.
Nandito ako ngayon sa parking,nasa kotse,nakatambay,kakatapos ko lang kasi asikasuhin ung mga bago naming items sa salon at kinausap ko din ang mga employees ko.
Nagulat pa ako ng bigla mag ring ang phone ko. Si Sugar tumatawag.
Ano kaya kailangan ng babaitang ito?
"Baklaaaaa!! Nasan ka?" bungad sa akin ni Sugar na tuwang tuwa. Hindi pa man din ako nakakapag hello?
"Ang sakit sa tenga Teh! Nandito pa ako sa parking sa tapat ng salon,bakit?" irita kong sagot.
"Hoy bakla! Huwag mo ako aktuhan na parang may monthly period ka! San yan? Pupuntahan ka namin! Girl bonding to!" maligalig pa nyang sabi. Minsan nagtataka na ako dito kay Sugar pati Kousagi at Jepoy kung anong vitamins ang gamit? Napaka energetic! Ang liligalig,ang liliksi!
Hindi kaya?
Enervon ang gamit nila? XD
"Sige,dito lang sa ortigas,bilisan nyo! Manlibre kayo ah? Nagugutom na ako!" pagkuway sabi ko.
"Sure! Stay there! Stay put! Huwag gagalaw! Huwag hihinga!" at naputol na ang tawag.
Gaga ba sya? Anong huwag hihinga? Baka sya hindi makahinga pag sinakal ko tonsil nya! Ba! Wag nya ako hamunin! Hahaha :D
"A penny for your thought?" napakislot ako sa nagsalita at nilingon ito.
"Gelo? Anong ginagawa mo dito?" sabi ko at lumabas ng kotse para makapag usap kami ng maayos.
He smiled then answered me.
"Ikaw talaga ang sadya ko,sabi ng mga tauhan mo nandito pa daw sa parking ang car mo baka hindi ka pa daw umaalis,so agad kitang pinuntahan"
"Ganon ba? Eh anong sadya mo sakin?" sabi ko at sumandal sa aking kotse.
"Yayain sana kita mag gala" naka ngiti nyang sagot. Ngayon ko lang sya natitigan ng malapitan. Lalo sya gumwapo,ang ganda din ng hubog ng katawan nya. Ang ngiti nya ganun pa din,nakakatunaw. I must admit,isa sya sa nabiyayaan ng magandang ngiti at mga ngipin.
"Hala? May lakad din kami nina Sugar eh? Maybe next time na lang?" alangan na sagot ko. Wrong timing din naman kasi sya.
Luh? Yuri ang Lande mo! Beach ka! Beach! (bitch XD)
"Its okay! Sasama na lang ako sa inyo,nasan na ba sila?" ang sabi nya pang ganyan!
Napanganga na lang ako eh,lakas talaga ng fighting spirit nya ah? Palibhasa alam nyang hindi sya matatanggihan ng mga yon.
Hindi na ako nakasagot dahil sakto dumating ang mga bruha.
"Helloooo papa Gelo!^o^" - Jepoy
"Mosh mosh Gelo-san^_^" - Kousagi
"wazzup Gelo?" - Aifha.
"Hello there!" - Kath.
"Hi girls!" naka ngiting bati ni Gelo sa kanila.
"Girls daw oh?! Ang sarap sa feeling!" malanding sabi ni Jepoy.
"Teh,ang sabi Girls,it means KAME yon! hindi Grims! Bingi ka na naman!" bara ni Sugar saka bumaling kay Gelo "Ano ginagawa mo dito?" natawa na lang kami ng mapasimangot si Jepoy.
"Tinawagan ako ni Yuri eh,isinasama ako,mamamasyal daw kayo" naka ngising sagot ni Gelo.
Halos lumuwa eyeballs ko sa narinig. Impaktong to? Kung anu-ano ang sinasabi!
"Ow,sige masaya yan! Sige,tara sa EK!" masayang sabi ni Sugar. Excited na excited ang bruha! XD
"That's great,buti yung van ang nadala ko,lets go" patiuna ni Gelo papunta sa van nya. Ng masigurong ayos na ang kotse ko at kotseng gamit nina Sugar ay sumunod na kami kay Gelo.
Nag unahan pa sila pag pasok at pinagtulakan pa nila ako na dun sa passenger's seat maupo.
Anung drama ng mga bruha?
AN ~ Pasensya na po at maiksi,antok na ako at sobrang sakit ng ulo ko,parang pinupukpok ng martilyo >_
BINABASA MO ANG
AFTER ALL [Completed]
RomanceThis is the Book2 of Inlove With You. Lets see what will happen sa bagong yugto ng buhay ni Yuri at ng iba pa nating bida :)