Yuri's POV
Habang umaandar ang sasakyan ay samu't saring eksena sa nakaraan ang pumapasok sa isip ko. Parang isang slide show o photo album na isa isang binubuklat ang bawat pahina. Napaiyak na lang ako bigla. Napatingin sila sa akin.
"Are you okay best?" takang tanong ni Clyde.
"Oo best okay lang ako" sagot ko habang nagpapahid ng luha. Halata namang nabigla si Clyde at ang tropa. Maging si Kurt ay itinigil ang van.
"Kilala mo na ako? Naaalala mo na?" manghang tanong ni Clyde na naka ngiti. Hindi ko muna sya pinansin at itinuon ang pansin kay Kurt.
"Bakit mo tinigil?! Continue driving!! Baka hindi ko na makita si Gelo!!" bulyaw ko kay Kurt,lumingon si Kurt sa akin saka ngumiti at umiling.
"Youre back" mahinang sabi nya at pinagpatuloy ang pagdadrive.
"Oo guys,bumalik na mga nawala kong alaala" sabi ko ng lingunin sila sa likuran. Para naman silang mga tanga na nag sigawan sa tuwa na akala mo nanalo sa lotto. Natuwa ako at napangiti. Mahal talaga ako ng mga kurimaw na to. Pero nasan na kaya si Odi? Ah,kausapin ko na lang sya pagkatapos ng lahat.
Sa ngayon,uunahin ko muna si Gelo.
"Yuri-chan how sure you are na si Gelo-san ang nakita mo kahapon sa park?" maya maya ay tanong ni Kousagi.
"I just know, my heart knows na sya yon" simpleng sagot ko.
"Pero pano nangyari yon? Kaninong katawan yong natagpuan sa sasakyang sumabog?" - Jinx
"Saka na siguro natin alamin yon, malakas ang hinala ko na nagka amnesia din sya,dahil wala akong nakitang recognition sa kanya kahapon. Parang normal na tao lang nya akong nakita,and Im sure,walang alam dito sina Tita Mariz at Tito Rudolf. Ang pananamit nya napaka simple, parang normal na pananamit ng isang simpleng mamamayan" mahaba kong sabi.
Ngayon ang pagsubok na haharapin ko naman ay amnesia nya. Kung nakaya ng tropa na hintayin akong maibalik ang mga nawalang alaala. Magagawa ko din iyon kay Gelo. Gagawin at kakayanin ko.
"Oh God! Another amnesia,napaka viral naman ata at napaka severe!" sabi ni Sugar.
"Eh kung iuntog kaya kita sa bintana teh ng magka amnesia ka din? OA mo maka react ah? Relax lang ning!" bara ni Jepoy dito.
"Takungin kita gusto mo??!" sagot ni Sugar. Natawa na lang ako. Walang nagbago. Never gets old.
Maya maya ay nakarating din kami sa park. Medyo may mga tao pa din. Nagmamadali akong bumaba ng van at tumakbo sa park. Nagpalinga lingo. Until mapatingin ako sa isang spot.
Sa puno.
There he was,standing at nakatingin sa mga sanga ng puno, dahan dahan ako lumapit,nasa likod ko ang tropa. Habang papalapit ako, palakas naman ng palakas ang tibok ng puso ko. Parang bigla akong namanhid na ewan. Parang lutang ako,pati pag tapak sa lapag ay hindi ko maramdaman.
Alam ko pati ang tropa hindi makapaniwala sa nakikita. Dahil ang buong akala nila patay na nga si Gelo.
"Gelo . . ." mahina kong tawag. Sapat na para marinig nya.
Dahan dahan itong lumingon at parang nagulat pa sa amin. Nilingon ko ang tropa. Gusto ko matawa sa reaksyon nila. Literal na nanlalaki ang mga mata nila at nakabukas ang mga bibig.
"Ikaw?" sabi ni Gelo at ang tropa naman ang tiningnan. "Sino kayo? Anong kailangan nyo?"
"Gelo,bro nandito kami para kausapin ka, kami ang mga kaibigan mo. At ang taong nasa harapan mo,ay ang taong mahal na mahal mo" sabi naman bigla ni Clyde. Ang rude talaga! Pabigla bigla.
BINABASA MO ANG
AFTER ALL [Completed]
RomanceThis is the Book2 of Inlove With You. Lets see what will happen sa bagong yugto ng buhay ni Yuri at ng iba pa nating bida :)